Chapter 33: Daddy

6.4K 84 2
                                    

Chapter 33: Daddy

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw matapos makipaghiwalay sa akin ni Marj. Ilang araw rin akong disoriented at wala sa sarili dahil sa pag-iisip gabi-gabi tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Well, shit happens. Gan'yan talaga ang buhay. Minsan malungkot, minsan magulo at kung papalarin ay masaya. Kahit na mahirap, nag-focus nalang ako sa pagtatrabaho sa company namin. Kapag walang ginagawa, tumatambay lang ako sa gym, naglalaro ng online games o kaya'y natutulog. Salamat nalang at hindi kami nagkakadaupang palad ng ex-bestfriend ko.

Oo, itinuturing ko na siyang ex-bestfriend.

Hindi niya ako nakilala kaya ibig sabihin, isa na lang akong estranghero sa buhay niya. Ibig sabihin, wala na akong halaga sa kaniya. Mas makabubuti siguro kung kakalimutan ko nalang siya, para na rin sa ikatatahimik niya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng mga kabarkada ko na nagbalik na siya. Kasi kung alam naman nila, paniguradong ibabalita nila agad sa akin. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang tungkol sa pagbabalik niya kasi ayaw kong mabigla sila. Isa pa, tiyak magtatanong sila kung bakit siya nakalimot. Kung bakit bigla nalang siyang umalis at bumalik nang walang pasabi. Ang hirap pa namang ipaliwanag lalo na kung hindi mo alam ang sagot at kung hindi ka naman talaga sigurado sa nalaman mo. Bahala na silang makatuklas.

Masasabi kong napaka-boring ng buhay ko mula nang maghiwalay kami ni Marj. Wala nang gumigising sa akin tuwing umaga. Wala nang tumatawag at nangangamusta sa akin gabi-gabi. Wala na ring nangungulit at nagpapatawa sa akin.

Wala na ang kaisa-isang nagtiyaga sa akin no'ng mga panahong halos sumuko na ako.

Minsan, hinihiling kong sana hindi nalang siya bumalik.

Sana hindi nalang bumalik ang ex-bestfriend ko.

Okay na.

Masaya na kami.

Tahimik na ang buhay ko.

Kaso mula nang bumalik siya, gumulo na naman ang lahat.

Kasalukuyan akong nasa park 'di kalayuan sa condo, nagpapahangin. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Wala akong magawa kaya tumambay muna ako rito, pampalipas lang ng oras.

Malikot ang mga mata kong kung sa'n-sa'n napapatingin. Sa may kaliwang bahagi malapit sa may poste ng ilaw ay may naka-upong flirts - ibig kong sabihin, lovers sa isang bench, magkatabi at halos magkayakapan na. Panay ang tawanan nilang dalawa. Nakakainis kasi hindi manlang sila nahihiya sa mga taong nasa paligid nila. Para bang may sariling mundo ang dalawa. Mukhang mga high school pa lang sila. At ang sakit nila sa matang tingnan.

Wala ba silang magawang matino sa buhay nila at naglalandian sila? Bakit kaya hindi nila unahin ang pag-aaral kaysa ginagawa nila? Nakakabanas! 

Sinasayang lang nila ang tuition na binabayad ng mga magulang nila para lang mapag-aral sila.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now