Chapter 10: One bad move

9.5K 111 1
                                    

Chapter 10: One bad move

Abala kami sa pagluluto ng barbeque rito sa garden nila Nica. Birthday niya kasi sa Tuesday and since we have classes that day plus may conflict pa ang schedule naming magbabarkada, we’ve decided na ngayong Saturday nalang mag-celebrate. Simpleng celebration lang naman ang inihanda namin. Kantahan, sayawan, kainan na may kasamang inuman at kaunting parlor games para masaya. Inimbita namin ang ilan sa mga blockmates niya pati na rin ang kaniyang mga kasamahan sa cheer squad so marami-rami kami rito ngayon. Kasama ko sila Ken na panay ang paypay sa mga iniihaw.

Pasado alas singko pa lang naman nang hapon pero mukhang nagkakasiyahan na ang mga tao sa loob. Rinig na rinig dito sa labas ang malakas na beat ng isang party song. Actually, wala pa si Nica. Well, this is intended to be a surprise party so kinuntsaba namin ang sister niya para makapaghanda kami rito sa kanila. Good thing, wala ang parents nila rito ngayon so p’wedeng-p’wede kaming mag-party nang walang inaalala. And besides, nagpaalam naman kami sa mama niya and pumayag naman siya so we have her consent. Mas masaya lang talagang mag-party kapag walang nakabantay na magulang, right?

Nica’s probably with Allen (na inutusan naming aliwin muna siya habang naghahanda kami rito). Seven o’clock pa naman ang start ng party kaya siguro, by that time, we’re already done with the preparations. Nakahanda na naman ang food and drinks, ayos na rin ang decorations sa sala, naka-arrange na rin ang mga regalo namin sa loob. Itong mga barbeque nalang ang inihahanda namin para may pulutan kami mamaya.

Lumingon ako kay Ken at sinabing, “paki-abot nga niyang tray—” ngunit napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing wala na pala siya sa tabi ko.

“Nasa’n sina Ken?” I ask.

Kaming dalawa nalang pala ni Mart ang naiwan dito. Wala pa si Yna and hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya dumarating. Hindi niya kasi sinasagot ang mga text and tawag ko. Birthday ni Nica kaya hindi siya p’wedeng mawala ngayon. Subukan niya lang hindi pumunta, lagot siya sa ‘kin!

“I don’t know. Nasa loob siguro,” he answers and shrugs his shoulders. Saka siya muling nagpatuloy sa pagpaypay ng mga iniihaw.

Nako! Talaga naman! Iniwan ang gawain sa ‘min! Isa pa ‘yang si Hero! Nakikipaglandian na siguro ang dalawa sa loob. Hindi makapaghintay?

“Tsk,” I roll my eyes and continue what I’m doing.

Ilang minuto lang at naluto rin ang mga inihaw. Hinango namin ang mga barbeque, ini-transfer sa tray at saka namin dinala sa kusina. Sa backdoor kami dumaan kasi mas malapit sa garden. Saka ako nagpaalam kay Mart at nagtungong banyo upamng maligo. Ang baho ko na kasi—dumikit ang amoy ng usok sa ‘kin kaya nag-shower muna ako saglit. Feel at home! Hahaha! Carry lang kasi kilala na naman kami ng mga maid dito dahil madalas ring tumambay ang barkada rito.

Pagkatapos kong maligo, kinuha ko agad ang aking cellphone at saka nagtungong living room. Naabutan ko si Hero na nagvi-videoke at kumakanta ng I Feel Like Dancin’ by All Time Low. Nakikisabay sa pagkanta ang mga tao, na sinamahan pa nang pagsayaw nang iilan. Samantalang si Ken naman ay naka-upo sa couch at pinalilibutan ng mga babae.

Damn, he’s flirting again!

Anyway, that’s not my business so never mind.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now