Chapter 35: I won't

5.3K 78 1
                                    

Chapter 35: I won't

Matapos kanilang munting pagtatalo ay nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal na sinamahan ng kaunting kuwentuhan at tawanan. Mula usapang trabaho, college life, buhay sa ibang bansa at kung ano-ano pa ay nakarating kami sa usapang love life.

"Kamusta naman kayo ng fiance mo?" mahinahon kong tanong pagkatapos humigop ng kape.

Tahimik lang na nakamasid si baby girl sa aming dalawa habang patuloy pa rin sa pagkain. Tanging kalansing at kalampag lamang ng mga kubyertos ang maririnig na ingay sa paligid.

Inilapag niya ang hawak na tinapay, nilunok ang kinakain saka nagsalita.

"Ayos naman kami," matipid niyang sagot.

"Are you happy with him?" I ask as I look directly in her eyes.

"Of course I am," she answers without hesitation. "Why did you ask, anyway?" Sa ngiti niya palang, halatang masaya talaga siya.

"Dito ba siya nakatira kasama niyo?"

Umiling siya. "Nakatira siya sa isang malapit na subdivision dito sa condo," sagot niya, sabay kagat sa tinapay na may palaman.

Ako naman, nanatiling tahimik habang naghihinay sa susunod niyang sasabihin. Inikot-ikot niya ang suot na sing-sing habang nagsasalita. "Gusto ko sana, magkasama kami kaso ayaw niya. Saka na raw kapag kasal na kami."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot niya. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

Tanging tango lang ang naisagot ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

"Saka busy siya sa trabaho. Kaya kasi siya umuwi rito ay dahil na rin sa business ng pamilya nila. Ayos lang naman sa akin kasi dumadalaw pa rin naman siya rito paminsan-minsan. Hindi naman kami nawawalan ng quality time."

"Mabuti naman kung gano'n," wika ko saka ngumiti nang pilit.

Ibinaling ko nalang ang tingin kay baby girl. Ang amos-amos niya na. Sarap na sarap siya sa pagkain. Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata. Tipong wala kang iniintindi sa buhay kung hindi maglaro at magsaya.

Napabuntong-hininga ako makalipas ang ilang sandali.

Mukhang hindi na ako kailangan sa buhay niya, ano pa bang ginagawa ko rito?

"Kayo?"

"Ha?" Bigla akong natauhan. Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan.

"Kamusta na kayo ng girlfriend mo?" nakapangalumbaba niyang tanong habang nakatitig sa akin.

Pinaglaruan ko ang basong hawak-hawak ko.

"Kamusta kami? Ayos na ayos. Ang saya-saya namin. Sa katunayan, kakakita lang namin kahapon. Nagpunta kami sa EK. Kinagabihan tumawag siya at sinabing miss niya na raw ako samantalang kakakita lang namin no'ng araw na 'yon. Kagabi, tumawag na naman siya para mangamusta at mangulit. Halos araw-araw na kaming magkasama, hindi pa rin siya nagsasawa?" wika ko, sinamahan pa ng mga pilit na tawa.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now