Chapter 29: The ghost of you

5.1K 90 8
                                    

Chapter 29: The ghost of you

After almost four years, ngayon lang ulit ako nakabalik dito. Gano'n pa rin naman ang rest house nila Allen. Wala namang mas'yadong pinagbago.

Bigla kong naalala ang mga panahong kasama pa namin ang bestfriend ko.

Bigla tuloy akong dinalaw ng lungkot.

Mas masaya sana kung na'ndito rin siya ngayon.

Napabuntong-hininga ako.

I badly miss her. I terribly miss my bestfriend.

Gusto ko siyang makita.

"What's with the long face?" nag-aalalang tanong ng kasama ko. "Is there any problem?"

Umiling ako. "May naalala lang ako."

"Oh," aniya at napayuko. Okay, awkward.

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "Don't be upset. She's all in the past now. I just kind of miss her. She used to be my bestfriend and we haven't seen each other for a long time."

"Alam ko," nakasimangot niyang sagot. "H'wag kang feeling!"

Tumawa ako. "Selosa ka talaga," sabay gulo sa buhok niya.

"I'm not jealous!" she answers, grunting. "As if namang mahal kita! Asa ka naman kuya!"

"But you like me," I say with a playful smirk plastered on my handsome face.

"Yes I do like you." Napaka-straight-forward niya talaga. "And I know you like me, too. So shut up. Let's end this pointless argument. Baka naiinip na sila, ang tagal mo kasing maglakad," pagsusungit niya.

"Nagsalita," pang-asar kong sagot.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos kaya binilisan ko nalang ang paglalakad.

Nako. Nagtampo na yata. Kunwari pa kasi.

"Pikon ka na n'yan?" I suddenly blurt out.

"No. Why would I?"

"Wala naman," sagot ko. "Bigla ko lang naisip. Do you still love him?"

"Who?" she asks.

"Sino pa ba, 'di 'yong ex mo. Mukha kasing hindi ka pa nakaka-move-on sa kaniya. Mamaya ginagamit mo lang pala akong rebound. Ang guwapo ko naman para maging panakip-butas lang."

"Sinong ex? Wala akong ex," malumanay niyang sabi.

"Bitter?"

Tumawa siya. "Joke lang! Ba't mo naman naitanong? Huwag mo sabihing mahal mo na ako?"

"Wala lang. At para sabihin ko sa 'yo, hindi pa kita mahal. Maghintay ka," sagot ko at saka tumawa nang nakaloloko.

Kinurot niya ako sa may tagiliran.

"Aray ko! Ang sakit no'n ha!" hindi ko napigilang isigaw.

"Makapagsalita ka, parang atat na atat ako. Ang kapal mo talaga."

"Bakit hindi ba?"

Ngumisi siya. "Kailan ba darating ang panahong 'yon?" Ano 'yan, pahiwatig? Hindi kaya mahal na niya ako?

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now