3rd Chapter

4.8K 145 3
                                    

PINIPILIT na lang ni Tyra na huwag matawa ng malakas habang pinagmamasdan ang shock na mukha ni Colin pagkatapos niyang sabihin dito na hindi siya makikipag-sex dito at ipipinta niya lang ito ng nakahubad.

Mukhang sa wakas ay naintindihan na nitong hindi siya ang klase ng babaeng iniisip nito. At iyon ang gustung-gusto niya – ang makita ang shock na mukha ng mga tao kapag nalalaman ng mga ito na mali ang tingin ng mga ito sa kanya. Hindi siya ang tipo ng babae na nagbabayad ng lalaki para mapaligaya siya. In fact, nafi-feature pa nga sa iba't ibang international magazine ang mga artwork niya.

"Just so you know, I'm Tyra Penelope Lopez. Mukhang wala kang kaalam-alam sa art kaya hindi mo ko kilala. Hindi sa pagmamayabang pero isa akong kilalang artist – I'm a nude painter, to be exact. Forte ko ang pagguhit at pagpipinta kung saan ang subject ko ay mga lalaking nakahubad."

Nanatili pa ring shock si Colin. "Kung gano'n... 'yong lalaking binayaran mo nang unang gabing nagkita tayo..."

"He was my model."

"At kaya nagpupunta sa host club ay para..."

"Para maghanap ng mga modelo," pagtatapos niya sa sinasabi nito. "Alam ni Lou 'yon, at sinasabi niya rin 'yon sa mga host niya na interesadong mag-modelo para sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinabi 'yon sa'yo. You're not a real host, are you?"

Napakurap-kurap si Colin, pagkatapos ay namula ang mukha nito sa galit. "Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"

"Mukha naman kasing nag-e-enjoy ka sa mga ilusyon mo." Ginalaw-galaw niya ang mga kamay niya gaya ng ginawa nito kanina. "Rawr?"

"Ginawa mo 'to para pagtrip-an na naman ako, 'di ba? Hindi ka na talaga nagbago!" galit na akusa nito, saka dinampot ang mga damit nito.

His gray eyes were burning in anger. Mukhang nainsulto talaga ito sa ginawa niya. Well, ilang beses din naman siya nitong ininsulto sa pag-iisip nito ng masama tungkol sa kanya. Saka wala naman siyang kasalanan kung mali ang iniisip nito tungkol sa kanya.

"You're really cruel, Tyra," galit na sabi ni Colin bago ito umalis at padabog na sinara ang pinto.

Nagkibit-balikat lang siya. Madali lang naman humanap ng panibagong modelo. Sigurado nga siya na kung gugustuhin niya, kahit ang premiadong aktor ng bansa ay magkakandarapang maging modelo niya. She was Tyra Penelope Lopez after all.

Naglakad siya patungo sa mesa. Binuksan niya ang Toblerone na tunaw. A melted Toblerone had always been her comfort food. Pero sa pagkakataong iyon, walang lasa ang tsokolate. Hindi niya kasi maalis sa isip niya ang sakit sa kulay abong mga mata ni Colin sa likod ng galit nito.


***

"I HATE that woman!" galit na bulalas ni Colin nang muli na namang gumuhit sa isip niya ang mukha ni Tyra. Damn that woman for being so beautiful!

Nagagalit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mapag-trip-an na naman siya ni Tyra. Sumosobra na talaga ang babaeng 'yon! Dala kasi ng sama ng loob niya dahil sa pambabasted ni Tyra noon sa kanya kaya ni minsan ay hindi siya nag-abalang hanapin ito. Ayun pala ay sikat na artist na ito.

"Colin, babe, what's wrong?" malambing na tanong ni Marielle sa kanya.

"Pinaglaruan na naman ako ng babaeng 'yon!"

"So, anong balak mo?" tanong uli ni Marielle, habang hinalik-halikan ang leeg niya.

Bahagyang inilayo niya ang mukha niya rito sa paraang hindi masasaktang ang damdamin nito. Hindi niya alam kung bakit nawalan na siya ng ganang makipagtalik o makipaghalikan man lang sa mga babae ngayon. "Kailangan kong makaganti."

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon