20th Chapter

4.4K 114 17
                                    

KULANG ang sabihing natatakot si Colin para kay Tyra. Nakikipagkarera ang tibok ng puso niya sa pagpapalipad niya ng kotse. Kausap ni Tyrone si Tyra kanina gamit ang cell phone niya. Ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya ay ang malamang ligtas pa rin si Tyra.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi siya makapaniwalang baliw pala ang Dylan na 'yon! Nagtatampo rin siya kay Tyra dahil hindi nito sinabi sa kanya ang problema nito tungkol sa pagkamatay ni Diamond. All along ay siya lang pala ang masaya sa kanilang relasyon habang ang dalaga ay may mabigat pa lang pinagdadaanan.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang bahay ni Tyra. Bukas ang gate niyon kaya madali siyang nakapasok.

Nilingon niya si Tyrone na nasa passenger's seat habang inaalis niya ang seatbelt niya. Tinakas niya lang ito sa ospital pero sigurado siyang pasunod na rin si Smoke at ang mga pulis sa kanila. "Hindi mo pa kayang protektahan ang sarili mo. Kagigising mo lang mula sa pagkaka-coma ng pitong taon."

"Ako ang frat leader ng Alpha Kappa. Kaya ko ang sarili ko. I need to save Tyra."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "You've been asleep for seven long years. 'Wag mong isiping katulad pa rin ng dati ang relasyon niyo ni Tyra."

Ipinaikot nito ang mga mata. "Naghiwalay na kami ni Tyra bago pa ko ma-coma, pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na ko mag-aalala para sa kanya," anito saka bumaba ng sasakyan.

Nanghihina si Tyrone at gusto sana niya itong tulungan pero alam niyang magagalit lang ito, kaya hinayaan na niya ito kahit iika-ika at mabagal itong maglakad. Matagal itong naratay sa kama kaya marahil hirap itong maglakad ngayon.

Nauna na siya sa loob ng bahay. Kadiliman at katahimikan ang sumalubong sa kanya pero may nararamdaman siyang presensiya ng kung sino ro'n.

"Tyra?"

"You really came faster than I expected. Nawalan tuloy ako ng oras tumakas."

Nilingon niya ang nagsalita. Kahit madilim sa sala ay naaninag pa rin niya ang mukha ng lalaking gusto niyang saktan ng mga sandaling iyon. "Dylan!"

Ilang sandali pa ay bumukas na ang mga ilaw. Nagalit at natakot siya sa nakita niya. Nakaupo si Dylan sa mahabang sofa habang nakahiga naman sa mga hita nito si Tyra na walang malay. Gamit ang kamay nito ay sinusuklay ni Dylan ang kamay nito sa buhok ng natutulog na si Tyra, samantalang ang isang kamay naman nito ay may hawak na baril.

Damn! Alam na siguro ni Dylan na gising na si Tyrone!

"Anong ginawa mo kay Tyra?!"

"Ah... 'wag kang mag-alala. Pinatulog ko lang si Tyra. Kung anu-ano kasi ang sinabi ni Tyrone sa kanya sa telepone. Ayaw na tuloy niyang sumama sa'kin."

He scoffed. "Sinong sasama sa baliw na tulad mo?"

Ikiniling ni Dylan ang ulo nito sa kanan, pagkatapos ay tinapat sa ulo niya ang dulo ng baril na hawak nito. "Ulitin mo pa ang sinabi mo at ito ang bubutas sa ulo mo."

Hindi siya natatakot mamatay ngayon sa kamay ni Dylan, pero natatakot siyang mamatay nang hindi naililigtas si Tyra. "Nalaman ko mula kay Tyrone ang ginawa mo sa kakambal mo. How dare you kill your own sister?!"

Mariing pumikit si Dylan at humawak sa sentido nito na para bang napakasakit ng ulo nito. His face was also distorted in pain. "Hindi ko sinadyang itulak si Diamond! Gusto ko lang siyang pigilan no'n! She wanted to hurt Tyra!"

Pasimpleng pinasok niya sa bulsa ng pantalon niya ang kamay niya. Kabisado niya ang phone niya kaya nagawa niyang i-on ang recorder niyon. "Kung gano'n, pinatay mo nga si Diamond."

My Favorite BullyWhere stories live. Discover now