16th Chapter

3.4K 95 2
                                    

"I'M IN love with Colin."

Napansin ni Tyra na bahagyang natigilan si Dylan sa ipinagtapat niya. Naroon sila ngayon sa isang coffee shop. Nakipagkita siya rito dahil gusto niyang ito ang unang tao na makaalam tungkol sa relasuon nila ni Colin.

Matagal bago ito nagsalita. "Mahal mo siya kahit alam mong maaari siyang mapahamak?"

"You will never be happy."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa hawakan ng tasa ng kape niya. "Hindi ko alam kung sinumpa ako ni Diamond dahil napahamak noon ang taong malapit sa'kin, pero ilang taon ko nang kinatakutan ang pagbabantang iyon. Inilayo ko ang sarili ko sa mga taong mahalaga sa'kin, maging sa ama ko, sa takot na pati siya ay mapahamak.

Nakakatawa dahil sa'yo lang ako naging malapit. Iniisip kong hindi ka sasaktan ni Diamond dahil kakambal ka niya. Pero tapos na 'yon. Alam kong walang masamang mangyayari kay Colin, gaya ng nangyari kay Tyrone. Mas matimbang sa'kin ang pagmamahal ni Colin, kaysa sa takot ko sa sumpa."

Matagal muli bago siya nakakuha ng reaksyon mula kay Dylan. "All right. Nakikita ko namang hindi na magbabago ang isip mo." Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Tyra, I want you to be happy. I hope Colin's the right man for you," nakangiting sabi nito.

Napangiti siya. "He is."


***

NANG makita ni Colin ang malapit na kaibigan niyang si Strike na kasama ang fiancee nitong si Cee-Cee sa bar kasama ang mga kaibigan nila, walang pag-aatubiling lumuhod siya sa harap ng dalawa.

"Strike, alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, pero maniwala ka, nagsisisi na ko." Dumako naman ang tingin niya kay Cee-Cee. "Cee-Cee, alam kong isa ako sa mga taong mali ang naging paghusga sa'yo. But I realized how mean I was to you. Please, forgive me."

Nagkatinginan sina Strike at Cee-Cee, bago bumuntong-hininga ang una. Nilapitan siya ni Strike at tinayo.

"Minsan ka nang lumuhod sa harap ko, hindi ko akalaing gagawin mo uli 'yan sa harap ni Cee-Cee. Alam ko kung ga'no katayog ang pride mo, kaya napatunayan ko na ngayon na talagang nagsisisi ka na. Pinapatawad na kita."

"Talaga?" paniniguro niya.

Kinutusan siya ni Strike sa noo. "Oo na nga, eh."

Nilingon niya si Cee-Cee. "Cee-Cee..."

Ngumiti si Cee-Cee. "Pinapatawad na rin kita, Colin."

Napasigaw siya ng malakas na "Yes" na ikinatawa ng magkasintahan at ng iba pa nilang kaibigan. Niyakap niya ng mahigpit si Strike, pero nang humarap siya kay Cee-Cee ay biglang humarang ang una.

Natawa siya. "Nah, I won't touch Cee-Cee. Nagbago na ko, 'no."

Namaywang si Strike. "Colin, pasensiya ka na rin kung tiniis ka namin dahil na rin sa pakiusap ng daddy mo, at dahil gusto kitang turuan ng leksyon."

Ngumiti siya. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya sa pagtitiis niyo sa'kin. Hindi ko rin naman ginustong humingi ng tulong sa inyo dahil nahihiya ako sa inyo bilang naging malaking puwerhisyo na ko. But don't worry. I'm living a dream right now."

"What do you mean?"

Tinapik niya lang sa balikat si Strike. "Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat." Tiningnan niya ang kamay ni Cee-Cee. Kumislap ang diamond ring sa daliri nito. Napangiti siya bago muling binalingan si Strike. "Pare, tatawagan na lang kita kapag kailangan ko na ang number ng jewelry shop na pinagbilhan mo ng engagement ring ni Cee-Cee."

"Ha?"

Ngumiti lang siya at nagpaalam na. Habang naglalakad siya palabas ng bar ay nilapitan siya ng mga babaeng dati niyang naka-fling, pero magalang na tinanggihan niya ang mga 'yon. Wala na siyang makitang interesante sa kahit sino sa mga 'yon ngayong kanya na si Tyra. He promised himself he would stay faithful to her because the night he made her his, he surrendered his heart to her. He was all hers.

Nang naglalakad na siya papunta sa paradahan ng mga taxi sa tapat ng bar ay nag-ingay ang phone niya. "Hello, baby."

"Colin, nasaan ka? Nasa bar ka, 'no?" paninita ni Tyra sa kanya.

Napangiti siya. "Baby, pauwi na ko. Nakipag-ayos lang ako sa mga kaibigan ko."

"At ang mga babae?"

"I turned down, of course. Nagseselos ka ba?" tukso niya rito.

"May pagkamalandi ka kasi. Nag-aalala lang ako na baka maakit ka nila since marupok ka," halatang nagbibirong sabi nito.

"Ouch. Wala ka bang tiwala sa'kin?" kunwari ay paghihimutok naman niya.

He heard her giggle. "Uwi ka na, ha? Nagugutom na ko."

Sinulyapan niya ang wrist watch niya. Kumunot ang noo niya. "Alas onse na ng gabi, hindi ka pa kumakain? Hintayin mo ko. I'll cook for you."

Tumayo siya sa dulo ng sidewalk kung saan makapal ang tao sa likuran niya. Lahat sila ay naghihintay sa pagpula ng stop light para makatawid sila. Pero habang abala siya sa pakikipag-usap kay Tyra sa cell phone, ay may kung sinong malakas na tumulak sa kanya mula sa likuran. Sa sobrang lakas niyon ay nawalan siya ng balanse at nasubsob pa siya sa kalsada.

Before he could stand up, a fast approaching van hit him.

My Favorite BullyWhere stories live. Discover now