Epilogue

5.2K 170 15
                                    

Two years after...

Rawr-rawr-rawr Restaurant

NAPANGITI si Tyra nang makakita siya ng wishbone sa kinakain nilang toasted chicken ni Colin. Nakangiting inabot niya 'yon dito.

"Colin, look. May nakita uli akong wishbone. Mag-wish ka uli since lahat ng hiniling natin dito, nagkatotoo. Noon, nag-wish ako na sana sa susunod, sa restaurant mo na tayo makakain. And see? After two years, nagdi-dinner na tayo dito sa sarili mong restaurant!"

Napaisip ito. "Well, you're right. Pero hindi ko rin naman magagawa 'to kung hindi ako pinahiram ni Daddy ng kapital."

"Ano ka ba? Nabalik mo na kay Tito ang kapital last year, at doble pa."

Napangisi ito. "Siguro nga totoo ang wishbone na 'to. Hmm. Sige. May isa pa kong wish." Ipinikit nito ang mga mata. When he opened his eyes, there was a mischievous glint on them. Inabot nito sa kanya ang wishbone. "Nag-wish na ko kaya itago mo 'yan."

"Bakit ako?"

"Sa'yo kasi nakasalalay kung matutupad ang wish ko," nakangising sabi nito.

Napakurap siya. "Ha?"

May kung ano itong dinukot sa bulsa nito. Isa iyong kaheta. Nag-unahan na agad sa pagpatak ang mga luha niya habang ang mokong naman ay tatawa-tawa pa.

"So?" kunwari ay naiinip na tanong ni Colin.

"Wish granted," nakangiting sagot niya.

Sumigaw ito ng malakas na "yes" saka mabilis na sinuot ang singsing sa daliri niya. Wala ring pagsidlan ang kaligayahan sa mga mata nito. "Matagal ko nang gustong mag-propose sa'yo, Tyra. Pero hinintay ko munang maging successful ang dalawang branch ng Rawr-rawr-rawr Restaurant ko. And now, puwede mo na kong ipagmalaki bilang fiance mo."

Pabirong inirapan niya ito. "Matagal na kong proud sa'yo 'no. Ang guwapo kaya ng abs mo," biro niya.

Nangislap ang kapilyuhan sa mga mata nito. "Uuuy. Miss na niya ang abs ko. Gusto mo ba siyang maka-date mamaya?"

Siya naman ang ngumiti ng pilya. "Hmm... mukhang hindi muna kami puwedeng magkita ng abs mo. Kailangang mag-ingat."

Kumunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at masuyong hinimas-himas ang tiyan niya. Sa ngayon ay wala pa iyong umbok, pero hindi magtatagal ay lalaki rin 'yon. Nanlaki ang mga mata ni Colin nang maunawaan marahil ang ibig niyang sabihin.

"Really?" excited na tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Two months na."

Muli ay sumigaw ng malakas na "yes" si Colin, pagkatapos ay tumayo ito at niyakap siya mula sa likuran. "I love you, Tyra!"

Bumuga siya ng hangin. "Colin... you're really a perv," naiiling na sabi niya, saka tinusok ng tinidor ang kamay nitong nakalapat sa kaliwang dibdib niya. Pinagtitinginan pa man din sila ng ibang customer sa restaurant.

"Aw!" natatawang reklamo ni Colin. "Hindi ko naman sinasadya, ha!"

Natawa na lang din siya. "Rawr. Rawr. Rawr."

-WAKAS-

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon