9th Chapter

3.5K 108 1
                                    

NILINGON ni Tyra si Colin na nasa passenger's seat matapos niyang i-park ang kotse niya. "Ready, Colin?"

Ngumiti ito, pero halatang kabado. "Para akong sira. Mas kinakabahan pa ko ngayon kaysa noong first day ko sa university natin."

Tinapik niya ito sa balikat. "Excited ka lang siguro."

Natawa ito. Mas naging relaxed na ang itsura nito. "I guess you're right. Excited nga ako." Nilapat nito ang kamay nito sa dibdib nito. "Ah, my heart won't stop beating fast."

"Really?"

"Oo, pakinggan mo."

Sa kanyang pagkagulat, inakbayan siya ni Colin pagkatapos ay kinabig pahilig sa dibdib nito. Dumikit ang kanang pisngi niya sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. Totoo ngang mabilis at malakas ang tibok ng puso nito.

Napangiti siya. "You must be really happy right now."

"Oo naman. Ngayon lang uli ako naging ganito kasaya."

Tiningala niya ito. Dahil sa posisyon nila ay magkalapit ng husto ang mga mukha nila. Nginitian lang siya ni Colin, kaya binigyan niya rin ito ng tipid na ngiti bago siya humiwalay dito. "Sige na. Pumasok ka na. Susunduin na lang uli kita mamaya."

Umiling ito. "Huwag mo na kong sunduin. Kaya ko namang mag-commute pauwi."

Tumango siya. "Sige, mag-iingat ka."

Ngumisi ito. "Sandali lang. May ibibigay pa ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

May kung ano 'tong nilagay sa kamay niya. "Good luck charm."

Kunot-noong tiningnan niya ang larawang inilagay nito sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang larawan iyon ni Colin. Half-body picture iyon at wala pa itong suot na pang-itaas do'n! "At ano naman ang gagawin ko sa picture mong 'to, ha?"

Tumawa ito. "Ayoko lang malungkot ka dahil buong araw mong hindi masisilayan ang abs ko, kaya 'yang picture ko na lang muna ang pagtiyagaan mo."

Nilamukos niya ang litrato saka 'yon walang kaabog-abog na binato sa backseat. "Hindi ko kailangang titigan ang abs mo."

Ngumiwi ito. "Ang lupit mo talaga. Anyway, hindi naman talaga 'yon ang ibibigay ko sa'yo." Mula sa malaki nitong bag ay naglabas ito ng dalawang magkapatong na food cointainer. "Ang sabi mo aalis ka, kaya ipinagluto kita para hindi ka na kumain sa kung saan. Ipagluluto uli kita ng hapunan pag-uwi ko."

"Hindi na kailangan. Hindi ko rin alam kung makakauwi ako mamaya."

Sumimangot ito. "Akala ko ba, ipipinta mo ko mamayang gabi?"

Bumuntong-hininga siya. "'Yon nga rin ang plano ko, pero dumating kasi 'yong pinsan ko na galing sa States kaya kailangan ko siyang puntahan ngayon."

"Basta, hihintayin kita. Hindi ako matutulog hangga't hindi ka dumarating," matatag na sabi nito, saka bumaba ng kotse. "Bye-bye, Ty."

Tumango siya. "Bye-bye."

Ngumiti si Colin, saka marahang sinara ang pinto ng kotse. Pagkatapos ay tumakbo ito papunta sa main building ng culinary school. Pero bago pa ito tuluyang makapasok ay humarap uli ito sa kanya, saka siya kinawayan.

"Thank you for driving me here, Tyra!" Pagkatapos ay ginawa nito ang paborito nitong pose. "Rawr!" Natawa ang mga estudyanteng nakarinig at nakakita sa ginawa ni Colin.

Maging siya ay natawa rin. She mimicked the movement of his hands. "Rawr," she mouthed back at him.

Tila natuwa si Colin sa ginawa niya. Nag-flying kiss ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa main building. Nang mawala ito sa paningin niya ay napatingin siya sa mga kamay niya na nakakuyom. Napabuntong-hininga siya. Nahahawa na siya sa mga kalokohan ni Colin, at nag-e-enjoy naman siya.

My Favorite BullyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant