6th Chapter

3.7K 117 0
                                    

HINDI inaalis ni Tyra ang tingin niya sa abs ni Colin. Iyon na kasi ang bahagi ng katawan nito na iginuguhit niya sa kanyang canvas gamit ang charcoal.

Nakaupo ngayon si Colin sa kama na may puting bed sheet. Simple lang ang pose nito. Bahagyang nakaliyad ito habang nakatukod ang mga kamay sa magkabila nitong gilid. Sa ngayon ay natatakpan pa ng puting tela ang pagkakalaki nito.

Ang totoo niyan, hindi naman niya kailangang takpan pa muna ang pagkalalaki ni Colin. Nasa kolehiyo pa siya ay sanay na siyang makakita ng mga hubad na modelo, mapalalaki man o mapababae. Ewan nga ba niya kung bakit pagdating kay Colin, naiilang siyang makita ang kahubdan nito. Marahil ay dahil napapatitig na lang siya sa katawan nito kapag nakahubad na ito kaya hindi siya makapag-concentrate sa pagpipinta.

Nakakatawa. Ilang hubad na katawan na ng lalaki ang nakita niya, pero pagdating kay Colin ay para siyang teenager na kinikilig-kilig pa.

Mula sa halatang matitigas na abs ni Colin ay bumaba ng kaunti ang tingin niya. Napalunok siya nang makita ang dalawang guhit sa magkabilang bahagi ng abdomen nito. Patungo ang mga guhit na iyon sa parte na tinatakpan ng puting tela.

Napalunok siya. I want to see it.

Umangat ng kaunti ang tingin niya. Colin's taut hips were very attractive. Bigla-bigla ay naisip niya ang sarili niyang mga binti na nakapalupot sa baywang nito...

Bigla siyang napatayo. "Mag-break muna tayo."

"Can't handle the heat, Ty?" nanunuksong tanong ni Colin.

Tiningnan niya si Colin. Nakangisi ito, at hindi man lang ito nag-abalang itago ang matinding paghanga na may kasamang pagnanasa na nakikita niya sa mga mata nito.

"Tyra, kung ano man ang iniisip mo, gusto ko rin 'yon," nang-aakit na sabi ni Colin. "My feelings for you haven't changed for the past eight years, even though we parted ways in a not so nice way."

Nagulat siya sa sinabi nito, pero katulad ng nakasanayan niya, binale-wale na lang niya 'yon. "I'm still not having sex with you, Colin."

Colin smiled lazily and sexily at her. "But admit it. You're attracted to me."

"It's just a normal physical attraction. At hindi 'yon gano'n kalakas kaya halos hindi ko rin maramdaman," pagsisinungaling niya saka niya ito tinalikuran.

Nagtungo siya sa mesa kung saan naghihintay sa kanya ang paborito niyang tunaw na Toblerone. Napapangiwi siya sa usapan nila ni Colin. Magaling naman siyang magtago ng emosyon, kaya bakit nahalata nitong attracted siya rito?

"Tyra?" malambing na tawag ni Colin sa kanya.

"O?" walang ganang tugon niya habang dinidilaan sa mga daliri niya ang tunaw na tsokolateng dumikit sa mga iyon nang buksan niya.

"I still like you. Alam mo naman kung anong nararamdaman ko para sa'yo noon, 'di ba? It's pure and unwavering."

Natigilan siya. She knew how devoted he was to her in the past. Pero mahirap paniwalaang hindi pa rin 'yon nagbabago sa mga lumipas na taon, lalo na't tila ibang Colin na ang kasama niya ngayon.

"Tyra, you were my "the one who got away". But now that we've met again, I'll make you "the one who I won't let go.""

Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Colin. Mukhang seryoso nga ang mokong sa mga pinagsasasabi nito! Pumihit siya paharap sa binata pero natigilan siya nang makitang nakatayo na pala ito sa likuran niya.

Tumingala siya kay Colin. Inilapat niya ang kamay niyang walang tsokolate sa dibdib nito upang magkaroon sila ng espasyo dahil masyado itong malapit. Kakaiba agad ang init na naramdaman niya ngayong nararamdaman niya sa ilalim ng palad niya ang matipunong dibdib ng binata. Biglang nangati ang kamay niyang gumapang pababa sa abs nito, patungo sa...

"You're too close, Colin."

He smiled seductively. "You're blushing, Ty."

"I'm not," kaila niya kahit ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

Sa kanyang pagkagulat, hinawakan nito ang isa niyang kamay na may tsokolate at inangat iyon sa bibig nito. Pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya nang isubo ni Colin ang daliri niya at dilaan ang tsokolate ro'n nang hindi binabali ang eye contact nila.

"Mmm. 'Sarap," sabi ni Colin sa mababang tinig, bago siya kinindatan at tinalikuran.

Naiwan naman siyang nakatulala lang habang sinusundan ito ng tingin. No'n niya lang napansin na hindi na pala nakatali sa baywang nito ang puting tela kaya ngayon ay malayang nakarap sa kanya ang puwitan ng binata habang nagsusuot ito ng boxers. And his naked butt looked firm and sexy. Again, it wasn't her first time seeing a man's butt. But it was the first time she felt so turned on.

Huminto sa pagsusuot ng boxers nito si Colin saka siya nilingon. Nakangisi ito. "I told you. You're blushing."

Taas-noong nilagpasan lang niya ito. Pero paglabas niya ng kuwarto ay napasandal siya sa pader at napadausdos ng upo. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon