17th Chapter

3.3K 106 1
                                    

PAGKAGALING ni Tyra sa nurse station kung saan inalam niya ang room number ni Colin, parang kidlat sa bilis na tinakbo niya ang pasilyo ng ospital.

Magkausap sila ni Colin kanina nang marinig niya ang malakas na ingay, kasabay ng pagkaputol ng linya. Ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Marielle. Ang babae ang nagsabi sa kanyang nasagasaan ng van si Colin sa harap ng bar kung saan ito nanggaling.

Nangako siya sa sarili niyang puputulin na niya ang paniniwala niyang isinumpa siya ni Diamond. Pero sa pagkakaaksidente ni Colin ngayon, bumalik ang takot sa puso niya.

Agad niyang binuksan ang pinto ng hospital room ni Colin. "Colin!"

Nilingon siya ni Colin na nakahiga sa kama. He smiled weakly at her. "Tyra."

Sinara niya ang pinto saka siya umupo sa gilid ng kama para inspeksyunin ang binata. May benda sa ulo nito at cast sa kaliwang braso. Bugbog din ang mukha nito na tila ba tumama iyon ng malakas sa matigas na bagay.

Hindi niya alam kung bakit biglang namilog ang mga mata ni Colin. Gamit ang walang pinsalang kamay nito ay pinunasan nito ang kung ano sa pisngi niya. "Tyra, bakit ka umiiyak?"

Napahikbi siya. "Nag-alala kasi ako sa'yo. 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na ingatan mo ang sarili mo?"

Bumuntong-hininga ito. "Accident happens, Tyra."

"Bakit ka naman kasi nagpasagasa?"

Natawa ito ng mahina. "Hey, it's not like I wanted to get hit by a van on purpose. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero parang may tumulak sa'kin habang naghihintay ako sa tabi ng stoplight."

Kumunot ang noo niya. "May tumulak sa'yo?"

Napaisip ito. "Parang gano'n na nga. Pero siguro, natulak lang ako sa dami ng taong nagmamadaling makatawid sa likuran ko."

Napatitig siya sa mukha ni Colin. Hindi niya alam kung paano ito hahawakan dahil sa pasa sa magkabilang pisngi ng binata, pasa sa gilid ng mga labi nito at putok pa ang kanang kilay nito. Mukhang napansin nito ang problema niya kaya tinaas nito ang magaling nitong braso.

"Come here, baby," malambing na sabi nito.

Tumalima siya. Pumasok siya sa ilalim ng magaling nitong braso para yumakap sa baywang nito at isandal ang ulo niya sa dibdib nito. He wrapped his good arm around her. "Tinakot mo ko, Colin."

"I know. I'm sorry."

"Wala na bang ibang masakit sa'yo?"

Narinig at naramdaman niya itong tumawa. "Relax, baby. Okay na ko. Wala namang ibang masakit sa'kin. 'Yon nga lang, hindi ako makakapagluto hangga't hindi pa magaling itong isa kong kamay."

Nalungkot siya. Kung kailan naman nag-aaral na uli si Colin ay saka pa ito naaksidente, at napuruhan pa ang kamay nito. "Colin..."

He smiled lovingly at her. "Tyra, masakit 'tong lips ko," paglalambing nito.

Sa kabila ng mga pangamba niya ay hindi niya nagawang tanggihan ang hiling nito. Siya na ang unang humalik kay Colin. They were busy kissing each other when the door flung open.

"Colin, heto na ang bi– oops."

Siya ang unang pumutol sa halik para tapunan ng malamig na tingin si Marielle. "Ikaw ba ang nagdala kay Colin sa ospital?"

Halatang natakot ito sa kanya. "A-ako nga, Miss Tyra. Nagkataon kasi na papunta ako sa bar na pinanggalingan niya kaya nasaksihan ko ang nangyari. Sumama na ko nang dalhin siya ng ambulansya sa ospital."

"May iba ka bang tinawagan para ipaalam ang nangyari kay Colin?"

"Tinawagan ko na sina Ur, kaya sigurado akong papunta na rito ang mga kaibigan ni Colin. Ang sabi rin niya, tatawagan na rin nila ang daddy ni Colin."

Tumango lang siya. Binalingan niya si Colin na tila kabado. Binigyan niya ito ng magaang na halik sa mga labi para ipaalam dito na hindi niya iniisip na nagtataksil ito sa kanya. Malinaw namang sinabi ni Marielle na hindi ito kasama ni Colin sa bar kaya wala siyang dapat ipag-alala.

Tumunog ang cell phone niya. Si Dylan ang tumatawag kaya lumabas muna siya ng kuwarto bago iyon sinagot.

"Dylan?"

"Hi, Tyra. I'm going back to the States three days from now. Bago 'yon, gusto ko sanang makasama ka pa. Are you free tonight?"

"Dylan, nandito kasi ako sa ospital ngayon kaya hindi ako puwedeng makipagkita sa'yo."

"Ospital? May nangyari ba sa'yong masama, Tyra?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling siya. "Walang masamang nangyari sa'kin, Dylan. Si Colin... siya ang naaksidente."

Matagal bago ito muling nagsalita. "I don't want to say this, but I told you. Sasaktan at sasaktan ni Diamond ang mga taong mahal mo. I think my sister really cursed you. I know this sounds absurd, pero hindi natin maitatangging nasasaktan talaga ang mga taong malapit sa'yo. Si Tyrone noon, si Colin naman ngayon."

Muli ay nilukob ng takot ang buong sistema niya. Gaya ni Dylan ay 'yon din ang iniisip niya. Siguro para sa iba ay nakakatawa at mahirap paniwalaan, pero sa tingin niya ay sinumpa talaga siya ni Diamond para hindi siya maging masaya habambuhay.

Nanghina siya sa nalaman. Basta na lang niyang pinutol ang tawag nang hindi nagpapaalam kay Dylan. Lutang pa rin ang isip niya nang tahimik siyang bumalik ng private room ni Colin, pero natigilan siya nang marinig ang pagbungisngis ni Marielle.

"Colin, I can't believe na na-tame mo nga ang tigress na si Miss Tyra! Nagtagumpay kang akitin siya! Now that you seduced her, kailan mo siya iiwan gaya ng pustahan natin?"

Kung gano'n, nakipagpustahan pala si Colin kay Marielle na maaakit siya nito, pagkatapos ay iiwan siya nito. Ang ibig sabihin lang niyon, gumaganti nga lang si Colin sa kanya dahil sa ginawa niyang pananakit sa damdamin nito noong kabataan nila.

"Marielle, alam kong nagpustahan tayo noon, pero may nangyari. Totoong nahu –"

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kuwarto, dahilan para matigilan si Colin sa pagsasalita. "Oo nga naman, Colin. Kailan mo ko iiwan para naman alam ko rin kung kailan ko ipapatapon ang mga gamit mo sa bahay ko," mapait na sabi niya.

Bumakas ang takot sa mukha ni Colin. "Tyra, listen to me first."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin bago niya ito tinalikuran. Hindi siya makapaniwalang si Colin na labis na nagpasaya sa kanya ang siya ring mananakit sa kanya.

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon