15th Chapter

3.4K 109 0
                                    

NAPABUNTONG-hininga na lamang si Tyra nang magising siya sa tabi ni Colin. Nakadapa ito at nakaharap sa kanya ang guwapong mukha nito. Maingat niyang inalis ang braso nito na nakadantay sa tiyan niya. Hinila niya ang T-shirt ni Colin sa headboard ng kama ay sinuot iyon para takpan ang kahubdan niya.

Patayo na sana siya sa kama nang bigla siyang hilahin ni Colin pahiga.

"Saan ka pupunta?" malambing na tanong ni Colin bago siya nito dinaganan.

Napangiti siya. "Shower."

He kissed her jaw lazily. "Sabay na tayo."

Kinulong niya ang mukha nito sa pagitan ng mga palad niya. Sinabi na niya kay Colin na mahal niya ito, kaya wala na siyang dahilan para hindi ilabas dito ang damdamin niya. "Colin, kung mali ang mahalin ka, ayoko na munang maging tama. Gusto ko munang maging masaya."

Colin held her hand and smiled lovingly at her. "You just said the things I wanted to tell you since the night you saw me walking around your house with only my briefs on."

Ngumiti lang siya, pero nauwi rin 'yon sa buntong-hininga. "Do you remember Diamond?"

Napaisip ito. "'Yong maliit na babaeng parati mong kasama noon?"

Tumango siya. "She's Dylan's twin sister. She died after I transferred to another university."

Bumakas ang simpatya sa mga mata nito. "Yes, I heard about her suicide. Pero ngayon ko lang nalaman na pinsan mo pala siya."

Tumango lang siya. "And a few months after her death, Tyrone got involved in an accident. He's still in coma."

Bumakas ang gulat sa mukha nito. "I didn't know..."

"Hindi na ikinalat ng pamilya ni Tyrone ang nangyari. Nasaktan ako dahil sa mga nangyari sa kanila. Hindi ko yata kakayanin kung may masamang mangyayari rin sa'yo."

"'Yon ba ang dahilan kung bakit mo ko tinaboy noon?"

Tumango lang siya. Hindi pa siya handang ipagtapat ang tungkol sa dahilan ng pagpapakamatay ni Diamond. Ang kaya palang niyang ibahagi rito ay ang takot niya na may masamang mangyari rin dito gaya ng nangyari sa mahahalagang tao sa buhay niya.

Bumuntong-hininga si Colin. "Tyra, I will live for you. Nagawa ko ngang magbawas ng sandamakmak ng fats para magpa-impress sa'yo, ang mabuhay pa kaya para makasama ka?"

"Really? Nagpapayat ka para lang akitin ako at hindi para ipamukha sa'kin na nagkamali ako nang bastedin kita noon?" natatawang tanong niya.

"Well, gusto ko no'ng una na magsisisi ka sa pambabasted mo sa'kin. Pero nang magkita uli tayo, hindi ko na napigilan ang sarili kong akitin ka dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto ko. You're my first love, Tyra. Kaya siguro minahal agad uli kita nang magkasama tayo ngayon. You'll probably be my last as well."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Kung makakalimutan kita, sana noon pa. Kung hindi ikaw ang para sa'kin, hindi na sana tayo nagkita uli. But I wasn't able to forget you, and we met again. It only meant one thing: we're meant to make this love happen this time."

"Can I really be happy this time?"

Natawa ito. "Of course! My purpose in life is to make you happy!"

Napangiti siya. Sa kasiyahan at sinseredad na nakikita niya sa mga mata ni Colin, naging madali para sa kanya ang paniwalaang pasasayahin siya nito. Malungkot ang mag-isa. Pero mas malungkot kung si Colin ang mawawala sa kanya. She was willing to take the risk now, just to be with him. "Let's make it happen this time, Colin."

He smiled lovingly at her. Pagkatapos ay dinikit nito ang ilong nito sa ilong niya. "Rawr. Rawr. Rawr."

Natawa na lang siya nang isubsob ni Colin ang mukha nito sa leeg niya, at simulang halikan iyon. She was starting to get in the mood, too, when her phone started ringing. Sinagot niya 'yon sa pag-aakalang iyon ang agent niya at kukulitin na naman siya tungkol sa progress ng painting niya, pero ibang boses ang sumalubong sa kanya.

"Daddy," malamig na bati niya sa ama niya.

Ilang taon na ring nakakulong ang ama niya sa piitan pero ni minsan ay hindi pa niya ito binibisita sa kabila ng madalas nitong pagtawag sa kanya. Galit siya sa ama niya dahil sa kahihiyang ibinigay nito sa kanya noong kabataan niya.

Tumigil si Colin sa paghalik sa kanya at nag-angat ito ng tingin. Ikiniling nito ang isang ulo sa ibang direksyon habang nakikinig sa usapan nila ng ama nila kung matatawag ngang usapan ang panaka-naka niyang pagsagot ng matigas na "hindi" sa lahat ng hiling ng ama niya. Gusto kasi ng daddy niya na makita siya kaya nakiusap uli itong bisitahin niya, kahit sandali lang.

Bumuga siya ng hangin matapos makipag-usap sa ama niya. "Sinabi ko naman na sa kanyang 'wag na niya kong tatawagan."

Bumuga rin ng hangin si Colin. "Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil tulad mo, hindi rin kami magkasundo ni Daddy. Pero matapos kong marinig kung paano ka makipag-usap sa daddy mo, na-realize ko kung gaano rin ako ka-harsh sa ama ko."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Tyra, kung ako lang, wala akong pakialam kung maging patapon ako habambuhay. But now, I want to become a better person for you. And I should start by fixing my relationship with my father."

May mainit na bagay na bumalot sa puso niya. "Gagawin mo 'yon para sa'kin?"

Nakangiting tumango ito. "Oo naman. Gusto kong maging buo dahil ayokong biguin ka. You have me at my worst, but I want you to have me at my best, too."

Pinaghalong kilig at tuwa ang naramdaman niya. Her heart was about to explode with so much happiness. Ipinakita at ipinaramdam niya 'yon kay Colin sa pamamagitan ng ngiti ng galing sa puso niya. "Masaya akong marinig 'yan. Kung handa ka nang makipag-ayos sa ama mo, siguro oras na rin para makipag-ayos ako kay Daddy. Buo tayo 'pag magkasama tayo, pero hindi naman siguro masama kung maging buo din tayo bilang mga indibidwal."

Hindi naman gano'n kahirap ang makipagbati sa ama niya dahil bukod sa galit niya rito noon, isang bagay na lang naman ang pumipigil sa kanya na makipaglapit dito – ang sumpa ni Diamond. Pero ngayong nandito na si Colin, alam niyang magiging maayos na ang lahat.

My Favorite BullyWhere stories live. Discover now