4th Chapter

3.7K 129 2
                                    

NAKARAMDAM si Tyra ng kirot sa puso niya habang pinagmamasdan ang wala pa ring malay na si Tyrone. Kung anu-anong aparato ang nakakabit sa katawan nito, at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na ang mga iyon na lamang ang bumubuhay sa binata. Pitong taon mahigit nang comatosed si Tyrone sa ospital na 'yon.

Hinawakan niya ang kamay ni Tyrone. "Tyrone, si Tyra 'to. Naniniwala akong magigising ka. Kailangan mong magising."

Minahal niya si Tyrone, pero hindi siguro sing lalim ng nararamdaman nito para sa kanya. Minsan nga, naiisip niyang komportable lang siyang kasama ito dahil pareho sila ng pinagdadaanan noon.

Anak si Tyrone ng isang drug lord, samantalang anak naman siya ng isang congressman na nakakulong ngayon dahil sa kaso ng katiwalian.

Noong nasa college sila ay pareho silang notorious ni Tyrone. Siya ang head mistress ng Beta Sigma Sorority at si Tyrone naman ang frat leader ng Alpha Kappa. Parehong kilalang bayolente ang mga pinamumunuan nilang grupo.

Si Tyrone ang una't huli niyang naging boyfriend. Naging sila noong eighteen years old sila, pero makalipas ang dalawang taon ay naghiwalay din sila. Iyon kasi ang panahon kung kailan naging napakagulo ng buhay niya.

"Anong ginagawa mo rito, Tyra?"

Pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya si Tita Teresa, ang ina ni Tyrone. Napatayo siya at pinunasan ang mga luhang hindi niya namalayan na pumatak na pala. "Tita–"

"Hindi ba't sinabihan na kita na huwag na uli pupunta rito? Umalis ka na," galit na pagtataboy ng ginang sa kanya. "Alam naman nating lahat na ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan ngayon ang anak ko."

Napayuko siya. "Gusto ko lang naman ho na kamustahin ang kalagayan ni Tyrone."

"Ngayong nakita mo nang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko, siguro naman ay puwede ka nang umalis?"

"Babalik na lang ho uli ako," magalang na paalam niya.

"Hindi mo na kailangang bumalik," halos pabulong na sabi ni Tita Teresa na nagpahinto sa kanya sa paglabas. "Simula nang makulong ang asawa ko, ikaw na ang tumulong sa'kin sa gastusin dito sa ospital. Pero sana naiintindihan mo kung bakit ayoko nang magkaroon pa ng ugnayan sa'yo ang anak ko."

Hindi siya sumagot. Tahimik na lumabas na lang siya ng kuwarto kahit mabigat ang loob niya sa pag-alis. Pero hindi naman niya masisisi ang ginang. Tita Teresa is right--- this is all my fault.

Pitong taon na ang nakararaan, magkikita sana sila ni Tyrone dahil may importanteng bagay daw itong sasabihin sa kanya. Pero sa meeting place nila, napag-trip-an siya ng isang fraternity group na galit sa kanya dahil minsan na-bully ng sorority niya ang kapatid na babae ng frat leader niyon. Ipinagtanggol siya ni Tyrone. Dumating din ang mga ka-frat ni Tyrone kaya nagawa nilang itaboy ang mga kaaway.

Pero nang patakas na ang mga kalaban, sinagasaan ng mga ito si Tyrone gamit ang van. Iyon ang naging sanhi ng pagka-comatosed ng binata.

I'm sorry, Tyrone...

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon