10th Chapter

3.3K 98 0
                                    

NAABUTAN ni Tyra na natutulog sa sofa si Colin pag-uwi niya. Hindi na niya ginising si Colin dahil pagod siya. She was drained physically, emotionally and mentally.

Dumiretso siya sa banyo niya para mag-shower. Pero dahil lutang pa ang pag-iisip niya, tumayo siya sa ilalim ng shower nang hindi inaalis ang mga damit niya. Nanunuot ang malamig na tubig sa katawan niya, pero hindi niya 'yon alintala habang nagbabalik-tanaw.

"Tyra, bakit lilipat ka ng ibang university? Paano ang Beta Sigma?" natatarantang tanong ni Diamond.

"I quit, Diamond. Ayoko nang maging head mistress ng Beta Sigma. Lumipat ako ng university dahil gusto ko na nang tahimik na buhay." Nasa huling taon na siya ng kolehiyo pero pinili pa rin niyang lumipat ng unibersidad.

"You're leaving me, Tyra?" takot na tanong ni Diamond.

"Pagod na kong alagaan ka, Diamond. Kaya please lang, 'wag mo na kong susundan. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa, at hayaan mo kong magkaroon ng tahimik na buhay."

Para ayusin ang buhay niya, umalis siya sa bahay na tinitirhan nila nina Dylan at Diamond, at lumipat siya sa isang dormitoryo. Maayos naman na ang kambal no'n, lalo na si Dylan na nagkaroon ng interes sa pagpasok sa kompanya kung saan may malaking shares ang pamilya Lopez. Nakipaghiwalay na rin siya kay Tyrone no'n.

Pero natanggap ni Diamond ang pagbabagong-buhay niya.

"Simula nang iniwan mo ko university natin, naging impiyerno na ang buhay ko!" galit na sumbat ni Diamond sa kanya habang kausap niya ito sa cell phone.

"Nasaan ka, Diamond?"

"Binalikan ako ng mga taong b-i-n-ully ng Beta Sigma noon! Ako ang sinaktan at inapi nila! Nagmakaawa ako sa'yong balikan mo ko at protektahan uli, but you still turned your back on me, Tyra!" Humagulgol na si Diamond. "Kasalanan mo kung bakit ako naging miserable!"

"Diamo –" Natigilan siya nang makita si Diamond na nakatayo sa rooftop ng pinakamataas na gusali sa unibersidad niya. Isang hakbang na lang nito ay mahuhulog na ito! Nakaramdam siya ng matinding takot. "Diamond!"

"I'm tired of being bullied, Tyra."

Tumakbo siya papasok sa gusali upang akyatin sa rooftop si Diamond. "Calm down, Diamond! Pupuntahan kita! Mag-usap tayo!"

"I wish that you will suffer all your life, Tyra. You will never be happy," banta nito sa malamig at patay na tinig.

Tumatakbo na siya nang may marinig siyang sigawan. Nang lingunin niya ang gusali, ang mabilis na pagkahulog ng katawan ni Diamond sa kalsada ang nakita niya.

Sumigaw si Tyra habang umiiyak upang burahin ang imaheng iyon sa isipan niya. Halos walong taon nang patay si Diamond pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang guilt sa dibdib niya.

Napasandal siya sa pader pero dahil basang-basa na ang damit niya mula sa pagkakababad niya sa shower, mabilis siyang nadulas paupo sa tiles na sahig ng banyo niya.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry," sunud-sunod na bulong niya.

"Tyra!"

Narinig niya ang boses ni Colin, pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagsigaw at pag-iyak.

Mayamaya ay pumasok na sa banyo si Colin. Pinatay nito ang shower at hinablot ang nakasampay na tuwalya at ibinalot iyon sa kanya.

"Shit, Tyra! What have you done to yourself?"

Tinangkani Colin na buhatin siya pero umiling lang siya. Bumuga ito ng hangin, pagkataposay nag-squat paharap sa kanya. Pagkatapos ay niyakap siya nito. Hindi na siyananlaban. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ni Colin hanggang sa kumalmasiya    

My Favorite BullyWhere stories live. Discover now