13th Chapter

3.5K 113 0
                                    

NAGLALABA si Tyra sa likuran na bahagi ng bahay niya. Kailangan niya ng distraction kaya ginagawa niya 'yon. Nang gabing sabihin ni Colin na mahal siya nito, tahimik niya 'tong iniwan sa restaurant. Hindi siya makapaniwalang mahal uli siya nito! Gayunman, hindi niya maipagkaila sa sarili niya na natuwa siya sa sinabi nito.

She was alone and lonely for the past eight years. Akala niya, imposible nang maging masaya siya uli. But Colin came and proved her wrong. Dahil sa mga kapilyuhan at kakulitan nito, nabasag ang depensa niya. Na hindi naman niya pinagsisisihan dahil sino ba naman ang gustong maging malungkot habambuhay, 'di ba?

Mahal na nga niya siguro si Colin, pero natatakot naman siya.

"You will never be happy, Tyra."

Mariing napapikit siya nang marinig ang mga huling salita ni Diamond bago ito nagpakamatay sa harap niya. Bigla ring nag-flash sa isip niya si Tyrone na wala pa ring malay hanggang ngayon sa ospital.

Alam niyang mali, pero hindi niya maiwasang isipin na tila ba isinumpa siya ni Diamond dahil napahamak si Tyrone ilang buwan matapos nitong magpakamatay.

"Hey, I didn't know it's laundry day today!"

Nalingunan niya si Colin na nakasilip sa back door. "Ah, naisipan ko lang bigla na maglaba ngayon."

"Sana sinabi mo agad sa'kin para kanina pa kita natulungan," sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya.

Bigla siyang napatayo nang bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya. "Hindi na. Kaya ko naman na." Tinalikuran niya si Colin at kinuha niya ang water hose para punuin sana ang timba na paglalagyan niya ng mga kinusot niyang damit.

"Tutulungan na kita," giit ni Colin.

Napasinghap siya nang hawakan siya nito sa braso. Sa pagkataranta niya ay pumihit siya paharap dito, at nawala sa isip niya na bukas ang hawak niyang water hose. Nasinghap si Colin nang mabasa ito.

"Sorry!" hinging paumanhin niya, saka pinatay ang water hose. "Sorry talaga."

"Nah," bale-walang sabi ni Colin, saka nito hinubad ang nabasa nitong T-shirt.

Natigilan siya habang pinapanood si Colin na maghubad ng pang-itaas nito. Hindi iyon ang unang pagkakataong naghubad ito sa harap niya, pero iyon ang unang pagkakataon na tila bumagal ang pag-ikot ng mundo habang sinusundan niya ang bawat galaw nito, lalo na ang paggalaw ng kalamnan nito sa matitigas nitong mga braso.

"Ako na ang magsasampay, ha?" alok ni Colin, saka walang kahirap-hirap na binuhat ang timba na naglalaman ng mga kinusot niyang damit kanina.

Naikuyom naman niya ang mga kamay niya habang pinapanood ang pag-flex ng mga muscle sa magkabilang braso ni Colin sa tuwing pipigain nito ang mga basang damit bago iyon isampay. Parang tanga siya nang sinundan ng tingin ang pagpatak ng pawis ni Colin sa noo, pababa sa mukha nito, sa leeg hanggang sa matitipunong dibdib ng binata. There was really something special about sweaty hunks. Ang bango-bango pa ring tingnan ni Colin kahit pawisan na ito!

Dapat ay sanay na siyang makakita ng mga machong katawan. Pero hayun siya at pinagnanasahan si Colin na inosenteng nagsasampay lang ng mga nilabhan niyang damit.

Umiling-iling siya, saka tumayo sa loob ng malaking batya, saka inapak-apakan ang mga damit doon na binabad niya.

Muli na namang dumako ang tingin niya kay Colin. Nakatalikod na ito mula sa kanya kaya malaya na niya itong napagmamasdan. Ah, his broad shoulders and strong-looking back would surely look good on her canvas.

"Tyra, tapos mo na bang banlawan itong nasa kabilang timba?" tanong ni Colin nang lingunin siya nito.

Wala sa sariling napatango na lang tuloy siya kahit hindi naman niya naitindihan ang tanong ni Colin.

Yumuko si Colin para kunin ang damit sa timba na pipigain, pero himbis na damit ay bra niya ang hawak nito!

Napasinghap siya at dali-daling bumaba sa timba at inagaw niya ang bra niya mula rito. "Pervert ka talaga!"

Napakurap ito, pero nang makabawi ay ngumisi ito. "Mahilig ka pala sa lace. Sexy."

Napatili siya sa labis na frustration. Muli, hindi niya masisi ang binata sa panunukso nito sa kanya dahil siya naman ang nakalimot na undies niya ang nakalagay sa timba na 'yon.

Para makaganti ay naglagay siya ng bula sa mga kamay niya mula sa nilalabhan niya, saka iyon winisik sa mukha ni Colin.

"Aw! Nahilam na ko!" reklamo ni Colin, pero natatawa naman ito.

"Dapat lang 'yan sa'yo para hindi ka na makapam-boso uli!"

"Hey, hindi ako namboboso ng mga babae... ikaw lang. Exemption ka kaya be proud!" halatang nagbibirong sabi nito.

Napasinghap siya. Tuluyan nang natunaw ang paggagalit-galitan niya. Natawa na siya sa pinagsasasabi nito. "Maniyak ka talaga!"

"Sa'yo lang 'no!" natatawang sagot nito.

Hinawakan na siya ni Colin sa magkabilang pulsuhan para tumigil siya sa paghahagis ng bula rito. Sa kanyang pagkagulat, hinapit siya nito sa baywang. Nagkalapit ang mga mukha nila, pero nakapikit naman ang binata.

"My eyes, Ty. Mahapdi na. Alisin mo 'yong bula," nakasimangot na sabi nito.

Kumawala muna siya rito para maghugas ng kamay gamit ang water hose, pagkatapos ay pinunasan niya ang mga mata nito ng basa niyang kamay. "Okay ka na?"

He slowly opened his reddish eyes. "Okay na. 'Yong lips ko na lang."

"Ha?"

Colin suddenly crashed his lips against her and kissed her hungrily. Hinapit siya nito sa baywang. She tried her best not to respond to his kisses but when he gently bit her lower lip, she moaned and she finally gave in. Hinila niya ito sa batok para mas palalimin pa ang pagtugon niya sa mga halik nito.

Colin pressed her body against him even more. Pumailalim na sa loob ng shirt niya ang isa nitong kamay. He gently cupped her breast, as he entangled her tongue with his. Naging malikot na rin ang mga kamay niya na gumapang na sa matitipuno nitong dibdib, pababa sa abs nito. Kinurot at pinanggigilan pa niya ang mga abs ni Colin na ikinaungol nito. His lips left her mouth to kiss her neck.

And finally, her hands reached its destination. Nagtagumpay siya sa pagtanggal ng belt ng binata, pero nang 'yong zipper na ng pantalon nito ang binubuksan niya, bigla na lang silang inistorbo ng pag-iingay ng doorbell.

The magic was broken. Mabilis siyang humiwalay kay Colin. Pareho silang hingal ng binata. Sigurado rin siyang namumula ang buo niyang mukha. Her lips were probably swollen, too.

Colin's eyes were still full of passion and desire. Halata ring iritado ito dahil nabitin ito. "Sino ba 'yang istorbo na 'yan?"

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon