Chapter One

75.8K 1.1K 17
                                    



"SHE'S beautiful!" Pabulong na bulalas ng isang society debonair kay Matthew habang lumalakad sa catwalk ang signature model na si Janine del Castillo, wearing a seductive black semi-formal dress.

Ang V-collar ay napakababa and any moment the audience expected to take a glimpse of those two perfect firm breasts. And yet, seductive the dress it may seem, it revealed nothing. Just like the model herself, the sexy smile and the seductive movement ay nagbabadya ng pagiging hot and passionate. And yet looks can be so deceiving.

"Pero k'widaw, pare," patuloy ng debonair. "...she's a big block of ice that wouldn't thaw kahit sa pinakamainit na oven."

"Shut up, Mark," si Matt na nasa pagitan ng iritasyon sa kaibigan at paghanga sa kasintahang hindi lamang ang kalalakihan ang namamangha kundi maging kababaihan man na nanonood ng fashion show na iyon.

"Kilala mo ako, Matt," patuloy nito sa pagbulong. "Remember she was my girlfriend first for four weeks."

"You are sour graping, pare," sagot ni Matt na hindi hinihiwalayan ng tingin ang kasintahan. "...dahil nakipag-break sa iyo si Janine."

Natawa ang lalaki at muling nagsalita nang marahan. "Sa mga naging kasintahan ni Janine, Matt, wala siyang binreyk. She's deceivingly sweet that you could develop tooth decay. The men had ended the relationship. At hindi uubra ang pagiging gigolo mo diyan, she'll never thaw. She doesn't have a passionate bone in her body. You'll find the word in the dictionary, it's called frigid."

"You are inviting trouble, pare," babala ni Matthew.

Ngumisi lang ang lalaki. "Hindi mo sisirain ang gabing ito, pare ko. But then, take my advice, find another girl."

Hindi sumagot si Matthew. Pero ang pagkakatitig sa kasintahan ay ganoon na lang katiim habang itinaas ang dalawang kamay para sa palakpak.

Nakabibingi ang palakpakan habang naglalakad sa catwalk si Janine, while cameras and light bulbs flashes in her direction. Siya ang signature model ng sariling creation. At dalawa ang kahulugan ng mga palakpakang iyon: paghanga sa kanya bilang isa sa most sought after and highest paid models in town at pagkilala sa pinakabatang fashion designer ng Pilipinas.

She was about to make the final turn nang may hindi sinasadyang masulyapan ang mga mata niya sa pinakasulok na bahagi ng bulwagang iyon. A familiar face she had long forgotten or so she thought. She caught her breath and almost faltered her steps. Kung nag-iba man ang ekspresyon ng mukha niya'y maaaring ituring ng ilan na dahil sa mga nagkikislapang camera.

She could almost hear the pounding of her chest. Nag-angat siya ng tingin at sa sunod-sunod na kaba ay muling tiningnan ang sulok na iyon ng bulwagan, amidst the crowded room. Pero wala na siyang nakita. Pinaglalaruan lamang siya marahil ng mga mata niya. She sighed in relief, kasabay niyon ay may humalong panghihinayang sa sulok ng dibdib niya. Somehow, she expected him to emerge from the crowd.

"Congratulations, Janine," halos panabay na sabi ng naggagandahang modelo nang pumasok siya sa likod ng make-shift stage sa loob ng isang malaking bulwagan sa five-star hotel kung saan ginanap ang show niya.

"Thank you girls," nakangiti niyang sagot. Tuluyang nakalimutan ang sandaling pagkagulo ng damdamin niya.

"You made it again, Jan!" nakatawa at excited na salubong ng socialite na si Emma del Castillo. "Sa response ng mga matron at socialites sa mga design mo, I am sure you will be enundated with orders. And you really are gorgeous, darling. Kung nakita mo lang sana ang mga mata ng kalalakihan."

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now