Chapter Two

54.7K 945 37
                                    



"HONEY," si Matt na nilapitan si Janine matapos nitong i-unplug ang wire ng telepono. Hinagkan siya sa may punong tainga.

"Please, Matt." banayad niyang itinulak ang kasintahan at tumayo at dinampot ang silk robe sa sofa at isinuot. At nang tangka niyang itali iyon ay pinigilan ni Matt ang mga kamay niya.

Sumunod ang binata at niyakap siya mula sa likuran. "What was in that call that changed your moods, darling," his voice soft and seductive. He was kissing her nape in a desperate try to recapture the moods she had before that damn call.

Humarap si Janine sa kasintahan at tumingala rito. "I am sorry, Matt, but it's—"

"Business. What else is new, Janine?" nairitang agap ni Matt at pinakawalan siya, "Iyan naman lagi ang idinadahilan mo, 'di ba?"

"I am sorry to spoil this evening, Matt." nakikiusap ang tinig niyang tumingala rito. "But—"

"Don't insult me, dammit! Tawag lang ng kung sinong tao ay nakalimutan mo na ako. You can't even have the decency of putting off your business tomorrow!"

"It isn't business," aniya na itinali ang sash ng roba nang kung paano na lang. "M-my stepsister... died six days ago. At... at inatake sa puso ang... mother ko."

"Step—" he stopped at naguluhang tinitigan siya. "What are you talking about? Akala ko ba'y nag-iisa ka na lang sa mundong ito maliban sa Tita Emma?"

"I lied," walang anumang sagot niya. Isinandal ang sarili sa dingding at ipinagsalikop ang dalawang braso sa dibdib at tinitigan ang telepono. She silently wished na sana'y hindi ito nag-ring at hindi niya tinanggap ang tawag na iyon.

"You lied! Ipinaglihim mong may kapatid at ina ka?" ulit nito sa pinaghalong galit at pagkalito. "Ipinaglilihim ba ang ganoong bagay?" Pagkatapos ay tinitigan siya nang matagal bago lumambot ang mukha at nilapitan siya. Inabot at niyakap.

"I am sorry, honey. That was inconsiderate of me. It's just that I want you so much and—" he planted a soft kiss on her lips. "I'll stay with you tonight and tell me all about it...," wika nito sa maunawaing tinig.

Umiling ang dalaga. "No, Matt. Gusto kong mapag-isa. Please, I have a lot of thinking to do."

Natilihan ang binata sa determinasyon sa mukha niya. Isang matalim na paghinga ang binitiwan nito bago galit na dinampot ang amerikana sa settee at isinabit sa balikat. Hindi pinagkaabalahang ibutones na muli ang polo shirt.

"You know where to find me if you want me, Janine. I mean, really want me," pagalit nitong sinabi. Pagkatapos ay nanlulumong umiling. "I don't really understand you at all. Hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay mo. May pakiramdam akong gusto mo lang ng lalaki sa background mo para masabi ng ibang normal ka. Pero sa kabila ng hindi ka nawawalan ng lalaki sa tabi mo ay hindi ka normal!" She winced as the truth of his words had strike home.

"Rumors were right, you're polite and lovable and sexy," patuyang patuloy nito. "Oh, no one can fault you that. But behind that seductive appearance is a block of ice! At hindi kita kayang tunawin and I doubt if there will ever be." pagkasabi niyo'y mabilis na lumabas ng silid ang binata, out of her unit and perhaps out of her life, just like the men before him.

Sinundan niya ng tingin ang pintong nilabasan nito. Manghihinayang ba siya?

Slowly, lumakad siya patungo sa settee at naupo. Nahahapong isinandal ang ulo and thought of what happened minutes ago. She treated her relationship with Matthew halfheartedly. Tulad din ng mga nagdaang boyfriend niya. Dumarating at umaalis ang mga lalaki sa buhay niya na tila siya nagpapalit ng damit.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz