Chapter Ten

40.8K 899 63
                                    



"ANAK ako ni Consuelo Cordero, Jake," she spoke softly. "And Karla was my stepsister but I doubt if she ever knew about it," she added sadly.

Jake was dumbfounded. Humakbang ito patungo sa pang-isahang sofa at naupo. Hindi agad maipasok sa isip ang impormasyong narinig.

"There's no way I could tell you about it before. No one knew. I only wanted to see her and it wasn't possible for her to recognize me since she left me when I was two weeks old. But I guess she suspected from the very beginning. She saw the resemblance I had with my father."

Naguguluhang umiling si Jake. "You're very much younger than Karla, walong taon more or less. Paanong nangyari iyon? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa Mama Consuelo."

Isang marahang tango ang isinagot niya. Pagkatapos ay pahapyaw na ipinaliwanag dito ang buong pangyayari.

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago nagsalita si Jake. "And I happened to make your time worthwhile. A passing interlude," he said angrily as if talking to himself. Nagsalubong ang mga kilay ni Janine sa sinabi nito.

Tumayo si Jake at humakbang palabas. Nasa pinto na ito nang lumingon sa kanya.

"Alagaan mo ang mama sa abot ng kakayahan mo," wika nito sa mariing tinig. "Pero wala kang pakialam sa anak ko." naglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. Then smiled sarcastically. "Mula ulo hanggang paa, designers' label ang suot mo. And I wouldn't even be surprised kung hindi mo alam ang daan patungo sa kusina sa mansion ninyo and know the difference between pots and pans. All your life, sinisilbihan ka ng mga katulong at pagkatapos ay sasabihin mong narito ka para kay Kathleen?"

"I do not understand this." gusto niyang magalit sa panunuya nito pero pinalampas niya at naguguluhang tumingin dito. "Sinabi ni Consuelo na—"

"Wala akong pakialam sa sinabi niya sa iyo. Dito nakatira si Kathleen, Janine, dahil ipinagpilitan ng mama iyon mula ng mamatay ang Papa Anselmo. She's old and lonely and I couldn't refuse. At lalong hindi ko magawang alisin ngayon dito ang anak ko sa kabila ng hindi ito ang nararapat na environment para sa kanya. My daughter is sick and I won't entrust her to virtual stranger!" Ilang minuto nang nakakaalis ang lalaki'y nanatiling nakatayo si Janine, a pain in her heart. Stranger.

ALAS-SIYETE ng gabi nang pagbuksan niya ng pinto si Jake. He was in his usual faded blue jeans at light blue denim long sleeves rolled up a little. And she could smell the faint scent of his bath soap na humalo sa natural nitong amoy and it brings back memories of that long ago... of soft wind and promises.

Biglang naningkit ang mga mata ni Jake pagkakita sa suot niya.

"W-wala akong ibang damit maliban sa suot ko kanina. So, I—I—" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin sa galit na nakita sa mga mata ni Jake.

She was wearing one of Karla's semi-formal dresses. Isang purple satin na marahil ay hindi kahabaan kay Karla subalit maiksi ang dating sa kanya since she's taller. At marahil ay hapit sa katawan nito subalit maluwag sa kanya. But among her stepsister's accessories she found a black satin belt and matched it with the violet dress. Sa mga damit ni Karla ay iyon lamang ang nakita niyang maaari niyang gamitin, using her designer's instinct.

"I—I am sorry. Tumawag na ako sa Maynila. Umalis na ang driver upang ihatid ang kotse ko at gamit. He will probably be here before midnight."

"Hindi ballroom dinner ang pupuntahan natin. Wala akong makitang diperensiya sa suot mo kanina! At kay Karla lang bagay ang damit na iyan!"

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें