ISANG linggo ang matuling lumipas at walang araw na hindi sila magkasama ni Jake. Sa umaga ay sinasalubong siya nito sa boundary ng lupain ng mga Cordero at Falcon upang samahan sa regular niyang jogging. Sa hapon naman ay ang binata na rin mismo ang nagbibigay sa kanya ng mga dapat niyang isulat sa ginagawang thesis. And she pretended to ask intelligent questions. At mahusay at matiyagang sinasagot naman iyon ng binata. At aminin man niya o hindi ay nahuhulog nang husto ang loob niya kay Jake Falcon.
At hindi man niya itinatanong ay nalaman din niya mula sa mga katulong sa bahay ng mga Cordero ang tungkol sa galit ni Karla kay Allie at Greg, ang pinsan ni Jake. At ang kabiguan ng stepsister nang pakasalan ni Greg si Allie sa halip na ito. Binale-wala ni Greg ang kasunduan ng mga magulang nito at ng mga magulang ni Karla and married the woman he loved.
Sa kabila ng malamig na pakikitungo ni Karla sa kanya ay nakadama siya ng simpatya para dito. Binigyang katwiran na kaya ganoon ang kapatid ay dahil sariwa pa sa puso nito ang kasawian. Consuelo maintained her distance at hindi maka-penetrate si Janine sa kabila ng ganoon na lang ang pagnanais niyang mapalapit dito. Umaasam na kung hindi man niya maipakilala ang sarili bilang anak, then she would have settled for friendship. Pero mukhang hindi gustong ibigay iyon ng dalawang babae na maliban kay Emma at Stefano ay blood relations niya.
And she would have gone back to Manila kung hindi lang dahil sa dalawang dahilan: Una, ang patagalin pa ang pagsasama nila ni Consuelo gaano man kalamig ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi na siya marahil magkakaroon pa ng pagkakataong mapalapit na muli sa ina sa ibang panahon at gusto niyang samantalahin.
Ang pangalawang dahilan: si Jake Falcon.
HUMIHINGAL na ibinagsak ni Janine ang katawan paupo sa mamasa-masang damuhan. Sunod-sunod ang paghingal dahil sa mahabang pagtakbo.
"Wala pa tayong kinse minutos na tumatakbo," ani Jake na nakatunghay sa kanya, arms akimbo. Nilalaro ng mabining hangin ang buhok, ganoon din ang kamisetang abuhin na medyo nababasa na ng pawis.
"I'm running out of breath," sagot niyang banayad na tumaas-baba ang dibdib. Bumaba si Jake sa tabi niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Then I guess you need this," he captured her mouth and softly traced her lips with his.
"S-stop it," mabuway niyang saway. Namamangha siya sa sarili dahil sa mabilis na pagdaloy ng init sa katawan niya, down to her bossom. "Y-you're not making me—breath!" Sinikap niyang iiwas ang mukha but he was cupping her head firmly. Ang isang kamay nito'y nasa ilalim ng sweatshirt niya sa likod.
"Take your oxygen from me, babe." he grinned as he caught her mouth again and gave her that shattering kiss.
She moaned as passion exploded. And literally sucked air from his lungs as she gasped when Jake's hand moved from her back to her breasts, kneading it softly.
She hurriedly grasped for air nang iwan ni Jake ang mga labi niya and kissed the hallow of her throat. Pagkatapos ay itinaas nito ang jogging shirt niya and his mouth replaced his hand as his tongue and teeth gave her alternate delights.
"Oh, Jake..." she shivered and stunned at the same time. Hindi niya mapaniwalaan ang puwersang dulot ng lalaking ito sa kanya. Heart, body, and mind.
She was writhing and gasping and out of control. She followed instinct, her hands went to the bottom of his shirt, itinaas ito at pinaglaro ang mga kamay sa matipunong dibdib and curled her fingers on the forest of hair. His skin was hot and moist mula sa pawis. Pinaglakbay niya ang mga kamay sa tagiliran ng binata at sa likod, delighting the pleasure of his firm and muscled body. She was so hot that she couldn't control the overflowing desire and her need for this man. Bumaba ang kamay niya sa baywang ng binata and mindlessly tried to unhook his jeans.
BINABASA MO ANG
Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)
RomancePangako by Martha Cecilia Published by PHR