Chapter Eleven

41.1K 865 54
                                    


Nagmulat nang mga mata si Janine. Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Muli siyang pumikit and slowly opened her eyes para i-adjust sa liwanag.

Napabangon siyang bigla nang makitang nakatayo sa may paanan ng kama niya si Kathleen, kipkip ang Barbie nito.

"Oh, hi, good morning," nakangiting bati niya. "Come here, and give me a kiss."

Bahagyang nagsalubong ang munting mga kilay. Mayamaya'y sumampa sa kama ang bata at gumapang patungo sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"That was sweet," ani Janine na niyakap ang bata sa banayad na paraan. Napuna niyang basa ang buhok nito at amoy sabong pampaligo. "Oh, nakaligo ka na. Can you really bathe on your own?"

Umiling ang bata. Pagkatapos ay bumaba ng kama at hinila ang kamay niya. Natatawang bumaba siya at sumunod dito. Hila-hila siya nito palabas at pababa ng hagdan.

"Hey, slow down, pumpkin, baka mahulog tayo." natatawang napahawak siya sa barandilya ng hagdan.

Sa ibaba'y nalanghap niya ang aroma ng nilagang kape at nilulutong almusal. Tuloy-tuloy sila sa kusina. Itinuro ng bata ang matandang babae bilang pagsagot sa tanong niya kanina kung sino ang nagpaligo rito.

"Oh. Magandang umaga po, Nana Rosa," aniya na nginitian ang matandang babaeng nakilala na niya noon pa.

Bahagya lang ang pagkagulat sa mukha ng matanda nang makita siya. "Ihahanda ko na ang almusal. Sandali na lang ito," wika nito sa malamig na tono sa pagtataka niya. Sa pagkakatanda niya'y mabait at mainit ang pagtanggap sa kanya ng matandang babae noon.

"Si—Kathleen na lang ho ang pakainin ninyo, Nana Rosa. Nagkakape lang ho ako sa umaga." ang kalam ng sikmura niya sa naamoy na niluto ng matanda'y biglang naglaho sa animosity sa mukha nito.

"Ikinalulungkot kong hindi mo nagustuhan ang pritong tapa at sinangag at tawilis. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong pagkain at lulutuin ko." tumalikod ito pabalik sa kusina.

Nalilitong napayuko kay Kathleen si Janine. Ngumiti ang bata at isinenyas na kumain siya. Oh, well, hindi niya ibig insultuhin ang matanda sa pagtangging kumain. Nang maupo si Kathleen ay naupo rin siya.

"Nagbago ang isip ko, Nana Rosa," wika niya. "Nakakagutom ang t—taw—tawilis ba ang tawag ninyo dito?"

Nilingon siya ng matanda. "Tawilis nga at masarap iyan. Teka at igagayat kita ng kamatis." bahagyang nag-iba ang tono nito at tumalikod na uli.

Inangat niya ang isang maliit na pritong isda na may hawig sa tuyo. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung paano kinakain ang ganoong kaliit na isda. Hawak pa rin sa ere ang buntot ng isda ay niyuko niya si Kathleen at bahagyang bumulong.

"Nah." she wrinkled her nose. "I don't think you can eat this. I don't even know how. This is too small at maraming tinik. Dapat ipagbawal ng batas ang panghuhuli ng ganito kaliit na isda. What d'ya think, young lady?" the child giggled.

"Good morning, ladies," si Jake na hindi niya namalayang dumating at pumasok sa dining room. Dinaanan siya ng tingin at masuyong hinagkan sa buhok si Kathleen na tumingala at hinagkan sa pisngi ang ama. "So dumating kagabi ang kotse at gamit mo?"

Tumango siya. "Thirty minutes after you left. The driver left early this morning back to Manila. He will take the bus."

Nagkibit ng mga balikat si Jake. Kinuha ang tawilis sa kamay niya at ibinalik sa bandehado. "Sa mahihirap ay kinakain na ang ganyan kaliit na isda, Miss del Castillo," ani Jake na ang mga mata'y nasa kanya. His lips twisted in a promise of a smile.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now