Chapter Sixteen

83.6K 1.6K 217
                                    



NASA bar si Jake nang dumating siya at kasalukuyang inuubos ang laman ng kopita. Lumingon ito pagkakita sa kanya. For a long moment they were staring at each other. Si Janine ang unang nagbaba ng paningin at humakbang patungo sa sofa at naupo. She didn't think her knees could take the confrontation.

"W-why did you marry my—step-sister?" anas niya.

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jake bago sumagot. "It's either I was chivalrous or a stupid, desperate fool." nagkibit ito ng mga balikat. Muling nilagyan ng laman ang kopita. "Naalala mong hindi kita masamahan sa morning jog nang umagang iyon dahil may kakausapin akong tao?" Wala sa loob siyang tumango and bit her lip, that was the day she died a small death. "Si Karla ang taong iyon. Gabi pa lang ay tinawagan na niya ako na puntahan siya sa umaga because she needed my help. Remember the bank manager na nag-refer sa iyo sa mga Cordero?" tanong nito uli.

Muli ay tumango siya. "I—never met him though. Ang Tita Emma ang kumausap sa kanya..."

"He was Karla's lover."

Nagsalubong ang mga kilay na tumingala si Janine sa lalaki.

"Bago ka dumating sa Lucban ay alam na ng marami na mag-boyfriend ang dalawa. Hindi tagarito si Fred kundi taga-Lucena subalit isang taon na siya sa bangko. Ilang araw mula nang dumating ka sa Lucban ay nag-file ng indefinite leave si Fred. Later that week, nalaman ni Karla na nagpalipat ng ibang assignment si Fred at walang nakakaalam kung saan."

"I-ipinaliwanag na ng—mommy na pinlano ang lahat sa umagang iyon, but... but... did you have to kiss her?" Hindi niya gustong banggitin iyon subalit hindi niya mapigil.

Tumingala sa kisame si Jake at mapait na ngumiti. "She kissed me and I had to obliged. She was crying almost hysterically. That kiss was nothing, Jan. More on consoling her. In fact, seconds after that, sinabi kong baka hindi magandang tingnan kung abutan mo kami sa ganoong tagpo and told her about us. Nang kumalma si Karla ay nagpaalam ako at sumunod sa ruta natin sa bukid. Hindi kita nakita kahit hanggang sa pinakadulo ng daan." nilingon siya nito expecting her to say something pero nanatili siyang hindi kumikibo. "Ipinasya kong dumaan muna sa kamalig bago muling bumalik sa mga Cordero...

"Noong araw na umalis ka, gusto kitang habulin kahit na nasaktan mo ako. Haul you back, sa ayaw at sa gusto mo. But I knew it would be foolish. Naisip kong pinaglalaruan mo nga lang ako habang ginagawa mo ang thesis mo." he drew his breath wearily.

"Ilang araw mula noon, kinausap ako ni Karla, suggesting that we marry, tutal pareho lang naman kami ng sinapit. At first I thought it crazy para sabihin niya sa akin iyon. She solicited my symphaty and pity. Kasali na ang pangongonsiyensiya na nabigyan na ni Greg ng kahihiyan sa bayang ito ang pamilya niya. Pagkatapos ay mauulit na naman at maaaring ikamatay ng Papa Anselmo. I was desperate and hurt, ang pinangakuan kong pakakasalan ay ginamit lang akong pampalipas-oras. I tried to see you but—"

"Did she tell you she was pregnant?" agap niya sa sinasabi nito. Umiling si Jake. Nagsalubong ang mga kilay ni Janine sa sagot nito. "Then how did you know that Kathleen wasn't—"

"I never did once touch her," he declared huskily, ang mga mata'y nakatitig sa kanya na tila ba hinihintay na salungatin niya. Subalit nanatiling nakamata si Janine dito. She opened her mouth to say something and closed it again. No matter what, she believed him.

"I have wanted not to care nang ipanganak si Kathleen. Pero hindi ko matiis ang bata na naiiwang lagi kay Nana Rosa at bihirang silipin ni Karla. It was then that I started to care and I have come to love her as my own. If you noticed, she had the color of your eyes." Jake stared at her in tender longing that warmth spread through her. And he added in a whisper: "She reminded me of you..."

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now