Ang Tanga Ko

1K 45 12
                                    

03/31/15

--

Siguro halos lahat kayo dito ngayon may paniniwala na kapag naghiwalay ang isang magkasintahan ay mga lalaki agad ang sinisisi. Yan din ang paniniwala ko dati. Pero nag-iba ang paniniwala kong iyon. Nagkakamali din ang mga babae. Nagkaboyfriend ako. Siya na siguro ang pinaka-sweet, malambing, mapagbigay, komportableng boyfriend sa lahat. Halos ibigay niya ang lahat sa akin.

~*~

Naalala ko pa yung una nating pag-uusap. Nag-usap tayo tungkol sa kantang pinapakinggan ko. Tinanong mo ako kung anong kanta iyon at sinabi ko sa'yo, "Bestfriend by Jason Chen". Pinakinggan mo ang mga kanta ni Jason Chen kaya nagkasundo agad tayo. Halos araw-araw natin pinag-uusapan ang tungkol sa mga kanta niya kaya ayun naging matalik na kaibigan na kita. Nakakatawa ka nga kasi di ka marunong kumanta at yung boses mo di pa umabot sa puberty stage. Kaya pinilit mo akong turuan kang kumanta. Nakakatawa ka nun kasi nung sinabi kong bawal ka uminom ng malamig na tubig, halos umiyak ka kasi 'di ka na makakainom ng paborito mong Powerade na inumin. Pero ang nakakatuwa lang ay sumusunod ka sa mga sinasabi ko.

Dahil sa mga bonding natin araw-araw ay nahulog ako sa'yo. Natatakot ako na malaman mo kaya ipinagkalat ko agad na si Jake yung gusto ko kahit 'di naman totoo. At tsaka, may gusto ka din kay Angel, na isa sa mga matatalik kong kaibigan, kaya minabuti kong itago nalang ang nararamdaman ko para sa'yo.

Pero nagkamali ako. Akala ko kaya kong itago pero isang araw inimbita tayong manuod ng "Insidious 2" sa sinehan. Sumama ako, sumama ka din. May mga kaibigan din tayong sumama. Siguro mga anim tayo nun. Pagpasok natin sa cinema ay tumabi ka sa akin at pinahiram mo sa akin ang jacket mo. Grabe ang tensyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Habang nanunuod tayo ay biglang naging blanko ang isipan ko. Wala akong maisip kundi ang pagnanasa na halikan ka. Kaya nung naging madilim ang sinehan ay hinila kita at hinalikan agad sa labi. Nung natauhan ako sa ginawa kong paghalik sa iyo ay agad akong humingi ng tawad sa iyo. Nung nakauwi agad ako ay tinext kita. Humingi na naman ako ng pasensya at bigla kang nag reply, "Bakit ka nagsosorry?" Di pa ako nagrereply ay nag text ka na naman, "Are you inlove with me?" Di na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya sinabi ko agad ang tunay na nararamdaman ko para sa'yo. Halos mabitiwan ko ang cellphone ko nung nagreply ka ng, "I'm inlove with you too." Hindi ko alam kung anong napasok sa ulo ko at agad akong naniwala sa'yo. Akala ko pagkatapos nung nangyari ay magiging awkward na tayo sa isa't-isa pero ikinabigla ko nung mas naging sweet ka pa sa akin. Madalas mo akong nililibre ng snacks, naging mas maalaga ka sa akin, lagi kang nakadikit, lagi kang nandiyan para i-comfort ako. Nanliligaw ka na pala nun. Sasagutin naman kita agad eh pero di mo pa ako tinatanong.

Naging mas malapit pa tayo sa isa't-isa kaya binigay mo sa akin ang email at password ng Facebook mo. Binuksan ko ang account mo at hinalungkat yung mga messages. Nagulat ako nung nakita ko na nagchachat pa pala kayo ni Angel, ang ex-crush mo. Napansin kong ang sweet mo parin sa kanya kaya tinext agad kita at tinanong kung may nararamdaman ka pa para kay Angel at sinabi mo naman ang totoo. "Oo," ang sagot mo. Umiyak ako. Di tayo nag usap mahigit tatlong araw pero di naman kasi natin matiis ang isa't-isa kaya nag bati agad tayo.

Makalipas ang apat na buwan, Disyembre na at dun mo ako tinanong kung pwede ba akong maging iyo. Ika-17 ng Disyembre nun. May practice kami sa choir. Nagmamadali akong umakyat papuntang penthouse pero hinila mo yung bag ko at sinabi mo, "May inilagay akong note. Basahin mo pagkatapos ng practice niyo."

Nung matapos na ang practice namin, halos makalimutan ang tungkol dun sa note. Palabas na ako ng campus nung maalala ko yung note. Tumigil ako sa may gate at kinuha ko yung note sa bag at binasa.

"Will you be my girlfriend? I love you."

Napangiti ako nung nabasa ko ang note. Kaya pala 'di mo ako tinatanong kasi sinakto mong sa "17" yung magiging monthsary date natin dahil alam mong paborito ko ang numerong yun. Bigla akong nag-panic at tumakbo ako pabalik ng campus para hanapin ka. Takbo ako takbo at hinanap kita kahit saan nung biglang may nabunggo ako. Napatingin ako sa nabunggo ko at napangiti nung nakita kong ikaw yun. Hinahanap mo din pala ako. Sinabi ko agad ang sagot ko sa note mo. Nakita ko ang ningning sa mga mata mo nung narinig mo ang sagot ko. Niyakap mo ako na para bang sinasabi ng mga yakap mo na hinding hindi mo ako papakawalan. Sinabi mo sa akin na ako na lang talaga ang mahal mo at wala ka nang nararamdaman para kay Angel. Nagsama tayo ng masaya. Kung may problema man tayo ay nasusolusyunan natin agad yun. Hindi natin hinahayaan ang mga away o kahit ano man na sirain ang ating relasyon. Naalala ko nga yung huli nating away. Sinabi ko sa'yo na dapat ang general average mo next school year ay 85 above kung hindi ay hihiwalayan kita. Ang cute mo nun kasi umiyak ka. Humagulhol ka pa nga eh. Kaya agad ko naman din binawi iyon at niyakap kita. Hinalikan mo ako sa labi at niyakap ng mahigpit.

One ShotsWhere stories live. Discover now