Ang Alamat ng Singsing

98 7 1
                                    

This is a school task. I thought I'll just post it here for memories. Don't mind this.

--

Noong sinaunang panahon ay mayroong isang munting lungsod na napakapayapa; simpleng mga bahay at simpleng mga pamumuhay lang. Walang kahit anong away o alitan ang inyong masasaksihan sa lugar na ito. Ang mga nakatira rito ay puno nang pagmamahal sa kanilang mga kapwa.

Isa sa pinaka-nagpapaantig sa puso ng mga tao sa lungsod ay ang magkasintahang Singson at Luningning. Kahit na nakatira ang mga ito sa bahay na mayroon lamang isang palapag at gawa lamang sa kahoy ay masaya pa rin silang namumuhay dahil para sa kanila, mas importanteng magkasama silang dalawa.

Si Luningning ay isang masayahing dalaga na palaging gustong kasama si Singson. Kahit nagtatrabaho si Singson sa palayan ay nakasunod pa rin siya sa binata. Hindi naman nagrereklamo si Singson dahil gusto rin naman niyang makasama si Luningning. Bata pa man ay magkalapit na magkaibigan na ang dalawa kaya noong parehos nilang nawala ang mga magulang nila dahil sa giyera ay naisipan nilang magsama sa isang bahay at magtulungan. Doon nabuo ang kanilang pag-iibigan.

"Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang iyan. Sugal ko, magsasama na iyan hanggang kamatayan man." Bigkas ng isang kapitbahay nila isang araw.

Pauwi na sina Luningning at Singson galing sa palayan nang marinig nila ang usapan ng dalawa. Nakayakap si Luningning sa braso ni Singson at nakayuko itong naglakad habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawang matatandang babae.

"Hanggang kamatayan lang? Ang sugal ko naman ay magkakasama pa rin ang dalawang iyan kahit sila ay kaluluwa na lamang!" Ani naman ng kausap niya.

Napangiti lamang si Luningning nang marinig niyang pinag-uusapan ng mga kapitbahay nito kung gaano kahaba ang pagsasamahan nila ni Singson. Ang paniniwala niya ay hindi sa panghabang-buhay lamang magtatapos ang pagmamahalan nilang dalawa.

"Ang pagmamahalan namin ni Singson ay hanggang sa pagtapos ng katapusan," saad ni Luningning sa sarili. Narinig ni Singson ang sinabi ni Luningning at kinuha ang kamay ng dalaga at hinalikan. Tinitigan ni Luningning ang magkahawak na kamay nila ni Singson. Inihambing ng dilag ang kamay niya sa kamay ni Singson at napansin na magkasing-haba lang pala ang pang-apat nilang daliri. Napangiti si Luningning dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin nito- itinadhana sila para sa isa't isa.

Kinabukasan ay nagulantang ang mga tao sa munting lungsod nang mayroong nagsidatingan na mga kabalyero. Halos isang dosenang kabayo at mga nagniningning na mahahabang espada at mga kalasag ang makikita. Nagbulongan ang mga tao sa kung ano ang posibleng balita na hatid ng mga ito. Hinipan ng isang kabalyero ang trumpetang dala-dala niya at nagpakawala ito ng isang napakalakas na tunog kaya kaagad namang natahimik ang mga tao.

"Mga mamamayan ng Kaharian ng Anello, ako ay inatasan ng ating Hari na i-anunsyo sa inyo ang papalapit na giyera." Malakas na saad ng kabalyerong malalim ang boses.

"Mayroon na namang giyera?! Kailan ba matatapos ang mga iyan?!" Biglang sigaw ng isang mamamayan dahilan nang pagsimula na namang magbulongan ang mga tao.

Hinipan ng kabalyero ang trumpeta nang kay lakas kaya agad natahimik ulit ang karamihan ng tao nang halos mabasag na ang kanilang pandinig. "Magsitahimik kayo! Upang matapos ang digmaan na ito ay kailangang lumaban sa giyera ang lahat ng mga lalaki na miyembro sa pamilya ninyo. Kung sino man ang hindi tumupad sa kautusan na ito ay ipapahiya sa lahat ng tao habang pinupugutan ng ulo!"

Nagdaan ang mga araw at dumating na ang araw ng digmaan.

"Hindi ako makakapayag, Singson! Kailangan mo akong isama! Kung hindi mo ako isasama ay hindi ka rin maaaring pumunta roon!" Iyak ni Luningning sa kasintahan nito.

One ShotsWhere stories live. Discover now