Chapter 3

1.5K 43 0
                                    

Mabilis lang ang naging biyahe ni Irene dahil Hindi ganon ka trapik sa highway kaya naman nakarating agad siya sa restaurant nila nagmadali si Irene dahil excited syang ibalita sa ate niya ang resulta.

"Atee,ate may good news ako" hinihingal pasya,

"Sandali nga kumalma ka lang ano ba yun" umupo muna sila sa upuan na may table saka sya huminga ng malalim at,

"Ate ayos na may mag susuply na satin ng desserts" unang balita ni Irene,

"Really? That's the good news" napalakpak pa ang ate nya sa tuwa.

"And guest what? Kung sino ang supplier natin?"

"Mm sino?" Nanghuhula si Aileen, "ate si Mrs.lani legaspi at matagal ng kaibigan nila mama't papa kaya Hindi ako nahirapan dahil gusto nyang makatulong satin" kumukumpas pa ang hintuturo ni Irene sa habang nagkukwento

"Wow biruin mo yun at least may makakatulong satin" masayang sabe ng ate nya

"Alam mo ate sobrang sarap ng mga cakes at ice cream nila saktong sakto yun dito sa restaurant natin para mas maingganyo pa ang costumers na kumain dito.

Niyakap ni Aileen ang kapatid bilang pasasalamat sa malaking tulong nito sa negosyo nila.

"Good job bunso pag igihan mo pa ha!" Bilin ng ate nya.

Kinabukasan...maagang umalis ng bahay ang magkapatid para magbantay sa restaurant. Bandang 9 am tumawag si Mrs.lani Kay Irene para sabihing on the way na ang supply nila ng ice cream at cake,

pagkatapos syang tawagan ni Mrs.lani nagpunta sya sa counter para sabihan ang iba na maglagay ng pictures ng dessert sa harap ng counter at idagdag sa menu ang bagong desserts.

Sinunod naman agad yun ng mga associate nila at pagkatapos magawa yun pinauna nang pakainin ng lunch ang mga associates nila para naman mamaya ay may energy silang magsilbe sa mga costumers na darating.

11:00 am....

Nagbukas na sila ng restaurant at hinanda na lahat ng dapat ihanda, makalipas lang ang 30 minutes nag umpisa ng pumasok ang mga costumers mayroong bantay sa pintuan para eassist ang costumers sa bawat bakanteng table.

Sila Aileen at Irene ay nag monitor sa loob ng office nila kung saan nakikita ang mga tao at lahat ng staff sa loob at labas ng restaurant dahil bawat kanto ay may CCTV na nakakabit para mamonitor nila ang mga nagyayare.

Mukang naging maganda nga ang resulta ng karagdagang desserts sa menu nila dahil sa bawat oras na lumilipas mas lalo pang dumarami ang mga costumers na pumapasok sa restaurant nila,

Napakasaya ng dalawa dahil unti-unting tumataas ang sale nila.
.
.
.
Lumipas ang mga araw na pagmomonitor nila nabawi na nila ang mga araw na nalugi ang restaurant dahil patuloy pa rin ang pag supply ni Mrs.lani sa kanila. 

"Look tumaas pa lalo ang bilang ng mga taong dumadayo sa restaurant natin" pagbabalita ni Aileen,

"Oo nga ate well I hope na mas lumaki pa ang kita natin" nakangiting sagot ni Irene sa ate nya.

"Ate Alis muna ako may lakad kasi kami ni cheska" paalam niya.

"Sige ingat kayo huwag kayong mag papagabi ha" bilin ng ate nya.

"OK ate bye" nagbeso sila saka dinampot ni Irene ang bag niya sa chair at saka umalis.

May plano silang magkita ngayon ni cheska sa coffee shop dahil may pag uusapan sila nang makarating na si Irene sa place na pagtatagpuan nila pumasok na sya sa loob at inilibot ang tingin para hanapin si cheska.

Agad naman nya itong nakita sa bandang window glass nya nakita si cheska nakaupo ito at nang makita sya kumaway agad si cheska sa kanya then nginitian nya rin ito.

"Hi Irene here"
"Pasensya ka na ngayon lang ako nagkaroon ng time kasi naman inuna Kong asikasuhin ang restaurant namin" paliwanag niya,

"Anong ka ba OK lang buti pinayagan ka ng ate mo" sabe ni cheska

"Sabi ko kasi kasama kita" palusot ni Irene.

"So ginawa mo pa akong dahilan hay ikaw talaga by the way bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ni cheska

"Magpapasama sana ako sayo para puntahan si Alex" explained ni Irene,

"Eh diba ang cold na sayo ng lalaking yun gusto mo parin?

"Ano ba naman tanong yan of course boyfriend ko sya kaya sige na samahan mo na ako" pagmamakaawa ni Irene

"Sige bahala ka magpakamartir ka run Alam ba to ng ate mo?" Tanong ulit niya.

"Of course not kaya nga ako magpapasama sayo eh, para Hindi malaman ni ate dahil siguradong magagalit sakin yun" pambabara ni Irene Kay cheska..

"Hay oh Edi Tara na, pero San mo sya pupuntahan Alam mo ba?"

"Oo mas madalas sya sa condo tumatambay kesa sa labas kaya Tara na" yaya ni Irene na tumayo na at naunang maglakad kaya itong si cheska nagmadali na ring maglakad para sundan sya.

Nag taxi lang sila para makarating sa condo ni alex, gusto nyang surpresahin ang boyfriend dahil mag iisang linggo nang Hindi nya nadadalaw si Alex ngayon lang sya nagkaron ng time para gawin to.

Pagdating nila sa building pumasok agad sila at dumiretso sa elevator, on the 9th floor ang condo ni Alex sa room 214 bandang dulo ng building.

Nang makarating sila. Sa 9th floor kaagad na lumiko si Irene para puntahan ang room ni Alex..

"Oh eto na yun room 214 sya hintayin mo na lang ako dito ha Hindi rin ako magtatagal" bilin nya sa best friend nya,

"Oo sige dito lang ako good luck sayo" at binuksan ni Irene ang door dahil Alam nya ang passcode ng door ni Alex.

Pagkapasok niya sa loob nag dahan dahan siyang maglakad para Hindi marinig ni Alex ang ingay niya nilibot nya ang sala pero wala,

dumiretso naman sya ng kusina pero wala pa rin naisip niya na Baka natutulog lang ito sa kwarto kaya dahan dahan ulit syang naglakad papunta sa pintuan ng kwarto
.

Mabagal lang ang pagbukas nya ng pinto then naglakad sya sa bandang kaliwa kung saan makikita ang kama ni Alex..

"Mm Parang may umuungol binabangungot ba sya?" Bulong nya sa sarili kaya naglakad na syang tuluyan.

"Ah ale-" natulala si Irene sa nakita at halos Hindi makagalaw na para bang na frozen ang buong katawan niya....





Hi readers bitin ba kayo sa nangyare?, ano nga ba yun? Sundan sa next chapter good luck..

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now