Chapter 14

877 27 0
                                    

"Late night na pala kailangan na nating magsara" utos ko sa mga staff, sa totoo lang marami pa rin ang pumapasok na costumers para kumain, ang kaso I saw my all staff are so tired, overtime na nga ang nangyare,

"Pero ma,am maraming costumers pa po ang pumapasok" sambit nung isang staff na may hawak na trey

"Hindi pa ba kayo napapagod late night na eh y'all have to rest para bukas, kaya eclose niyo na ang resto, wag na rin kayo mag entertain pa ng iba tapos umuwi na kayo"

Hindi tama na abusuhin ko ang mga employees ko I should follow their exactly time work, pumasok muna ako sa office ko para ayusin ang mga papel na nakapatong sa desk ko, mga documents na kailangan kong pirmahan, much better kung tatapusin ko na to para pagdating ko sa bahay rest at ipapasa ko na lang Kay ate.

*knock knock*!!..

"Come in"

"Irene mukhang pagod na pagod ka, ihahatid na kita sa bahay niyo" umupo sya sa harap ng table ko na syang ikinatulala ko

"Ah hindi na siguro Aaron mas ikaw nga itong pagod kesa sakin kaya dapat na dumiretso ka na sa bahay niyo" nang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa harapan ko..

"Makita lang kita nawawala na ang pagod ko!" Natigil ako sa pagsusulat at napatitig sa kanya, hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman ng sabihin nya yun

"Ah ikaw talaga bolero ka"
"No hindi, totoo ang sinasabi ko, sa totoo lang inspiration din kita habang nagluluto ako kaya hindi ako ganon kaboring sa kitchen"

Ano ba Aaron Bakit sobrang gentleman mo sakin hindi ka ba naiirita sa inaasal ko sayo?,

Para bang may kung anong gumugulo sa isip ko na hindi ko talaga kayang ipaliwanag as of now, pumayag na akong ihatid nya sa bahay.

"Gusto mo bang magkape muna sa loob-"

"Hindi na salamat, hinatid lang kita para masigurado kong safe ka" bigla syang humikab "antok na antok ka na Aaron mabuti pa nang umuwi ka na para makapagpahinga" totoong nag aalala ako sa kanya walang halong pagpapanggap

"Mabuti pa nga oh pano muna na ako see you tomorrow my angel" nagulat ako sa itinawag nya sakin

"Angel? Bakit angel?" Pagtataka ko "kasi ikaw ang angel ng buhay ko hulog ka ng langit sakin at napakaganda mo parang isang anghel" hinawakan nya ang kamay ko at lumapit sakin,

"Makita lang kita buo na ang araw ko, siguro kapag nawala ka sakin baka hindi ko kayanin baka kapag iniwan-"

"Tama na yan Aaron mabuti pa umuwi ka na at magpahinga" natahimik sya sandali pero agad din nagresponse at ngumiti, "sige magkita na lang tayo bukas" hinalikan nya ako sa noo at naglakad na palayo,

Habang pinagmamasdan ko sya, may guilty akong naramdaman, dahil sa sinabe nya I don't know how to react in what he feel if I'm gone to him, kung ganon mas lalo syang masasaktan kapag nalaman nyang ginagamit ko lang sya!

I'm sorry Aaron I'm sorry...
.
.
.
.
"Irene tanghale na ha bakit hindi ka pa bumabangon?" Tinignan ko yung orasan 10:00 am na kaya napabangon agad ako "sorry ate napagod lang ako kagabe" tumaas bigla yung kilay nya "bakit anu bang ginawa mo kagabe?" Curious nyang tanong

"Of course sa resto, dahil sobrang daming costumers ang pumapasok kaya napagod kaming lahat"
"Sigurado ka? Eh wala ka namang ginagawa dun dahil boss ka at hindi employee" minsan talaga hindi ko maisip kung imbestigador o secret agent tong si ate matanong kasi eh tapos kapag sinagot mo naman hindi maniniwala?

"Yup I'm sure" I give her an innocent look to believe her and...."OK bumangon ka na dyan mamaya pumunta ka na sa resto" tumango lang ako Lumabas sya pero bago sya tuluyang umalis huminto sya sa pintuan ko at tinignan ulit ako "bakit ate may kailangan ka pa ba?"

"Bakit hindi ka pa kumikilos bangon na dyan hurry" kaya pala! At isinara nya ang pinto, I breath so deep because I lied to her the truth is I'm not tired causes of work I tired because...

(Flashback)

Nang wala na si Aaron pumasok na ako sa loob at dumiretso na sa kwarto, tatangkain ko na sanang matulog nang makita ko ang laptop sa tabi ng unan, kaya umupo muna ako at binuksan ang laptop,,

"May notifications from Instagram" pagbukas ko nakita ko ang picture ni alex. Ibang babae nanaman ang kasama nya sa post asshole talaga at malanding babae, lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa kanya,

I look for he's twitter account at nabasa ko ang lahat ng Twitter update nya

*tweet by @alexfuentavella 5hrs

My feelings was so complicated...

At kung ano ano pang post na nakakainis pero nacurious ako sa post nyang complicated? Bakit hindi na ba nya mabilang kung sino ang pipiliin nyang ikama? Such a jerk!

At kung hindi ako nagkakamali may post sya sa twitter na gusto nang mapag isa at may lugar syang pupuntahan, which I guest sa isang resort sa Batangas next week, well thanks for this media coz I got a planB.

"Just wait for my second little revenge alex"

(End of Flashback)

Yan ang totoo kung bakit ako tinanghale ng gising, makaligo na nga para masabi ko agad Kay Aaron na may bakasyon kaming gagawin next week I'm sure na mag eenjoy ako sa planong ito..

"Good morning ma,am"
"Goodmorning si Aaron?"

"Nasa kitchen na po maaga nga pong pumasok eh"

"Ah ganon ba sige puntahan ko lang sya kayo na ang bahala dito"

"Sure po ma,am" pumasok ako sa kitchen usually namang ginagawa ng mga nasa kitchen ang pagluluto nakita ko agad sya

"Aaron!" Kumaway ako sa kanya pagkakita nya sakin agad syang lumapit at bumeso sakin "tinanghale yata ang angel ko" aba namilosopo agad sya

"Ah kasi may sasabihin sana ako sayo" lumapit pa sya sakin at binigyan ako ng tingin na nakakapanghina ano ba tong sinasabi ko...

"Ano yun?"
"Ah balak ko sa nang magbakasyon next week sa resort Batangas baka gusto mong sumama" napaisip sya bigla sa sinabe ko

"Pero may trabaho-"
"Wag mo nang alalahanin yun may sweldo ka pa rin naman kahit na hindi ka magluto dito

"Pero yung pamilya ko-"
"Don't worry about them too ako na ang bahalang magpadala sa kanila

"Wag na Irene nakakahiya baka isipin pa nila at ng ate mo na oportunista ako at saka alam ba ng ate mo to?"

"Sasabihin ko pa lang to sa kanya ako ng bahala at saka ako naman ang may gusto nito kaya nothing to worry OK pumayag ka na lang" sana pumayag sya....

"OK basta para sayo papayag ako" yun lang at bumalik na sya sa pag luluto pero "Aaron" pigil ko sa kanya "mm?"

"Salamat ha"
Ngumiti lang sya at hinalikan nya ako sa noo bago sya bumalik sa pagluluto..

Finally magagawa ko ang planB ko mag sstay kami dun hanggat nandun si Alex aalis lang kami kapag aalis na rin sya pero hindi matatapos yun ng hindi ko nagagawa ang plano ko...






(Enjoy reads!
Mahuhulaan niyo ba kung ano ang pwedeng mangyare between them!)

@mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now