Chapter 6

1.2K 35 0
                                    

Irene's POV:

*cringgggg,cringgggg*

Nagising ang diwa ko dahil sa alarm clock na nasa tabi ng kama ko na nakalagay sa night stand kinapa kapa ko hanggang sa mahawakan ko ang alarm clock at pinatay ito habang nakapikit pa din,

tapos nun humilata ulit ako Maya Maya iminulat ko ang kaliwang mata ko dahan dahan at "aahh!"

Nasilaw ako bigla pagsilip ko ulit, dun ko lang napagtanto na maliwanag na kaya tinignan ko ang alarm clock nang makita ko 11:00 na,

siguro magtataka kayo kung bakit ganun ang oras instead around 6 but no, dahil sinadya ko talaga na mag alarm ng ganong oras dahil ayoko pa talagang bumangon parang ang bigat bigat ng katawan ko as in ayokong gumalaw sa kinahihigaan ko, gusto Kong matulog maghapon pero alam Kong pupuntahan ako ni ate para lang piliting bumangon.

"Irene" speaking of kasasabi ko lang. "Pasok" sambit ko habang kinukusot ko ang mata ko, namamaga pa nga dahil sa pag iyak ko kagabi.

Pumasok si ate at umupo sa tabi ng kama ko,"tanghali na hindi ka pa tumatayo dyan don't tell me magpapakalunod ka sa tulog dahil sa lalaking yun!" Ang sungit talaga niya.

Akala ko tapos na ang pag iyak ko pero hindi, dahil hindi ko inasahang may luha na pa lang tumutulo sa kaliwang pisngi ko kaya pinahid ko agad. "Don't worry I'll be fine" pretending like OK but inside not.

"Sumunod ka na sa baba ha at kumain mauuna na ako sayo kailangan pa ako sa resto, after mo, sumunod ka sa resto maliwanag?" Tumango lang ako sa sinabi nya.

Naglakad na sya palabas ng kwarto ko, no choice ako kaya pumunta na ako ng banyo para maligo.

30 minutes after..

Tapos na akong maligo at naghanap ako sa kabinet ng isusuot pero kahit isusuot hindi pa rin ako makapili, nagsuot na lang ako ng black T-shirt at navy blue pants then blinower ko ang buhok ko at hinayaang bagsak lang ito wala ako sa mood magkulot ng hair even use make simple lang din tapos kinuha ko ang pouch ko saka bumaba.

Pagbaba ko sa sala nakaready na nga ang pagkain wala man sa mood umupo pa rin ako at kumain.

After Kong kumain lumabas na ako para magpahatid Kay manong papunta sa restaurant namin.

Habang nasa biyahe kami wala akong ibang magawa kundi tumingin lang sa labas ng bintana at napag isip isip ko kung baka sincere pa rin si Alex na makausap ako, no matter what I still love him, pero hindi pa rin sya nagpaparamdam sakin.

Ewan ko ba bakit sa kabila ng mga sinabe ko sa sarili ko at ginawa nya sakin nagigibabaw pa rin ang puso ko, nakakainis.

Pagdating ko sa restaurant sinalubong agad ako ng mga staff namin para bumati nginitian ko lang sila at tumuloy sa loob "si ate?" Tanong ko sa isang staff na naka pwesto sa cashier "andun po sya ma,am sa loob ng office" turo nya sakin "salamat" at pumasok na ako sa loob.

"Ate!" Sumilip ako "oh buti nakasunod ka agad akala ko mag mumukmok ka sa bahay" gulat ni ate "wala rin naman akong magawa sa bahay kaya tutulong na lang ako rito" paliwanag ko sa kanya umupo ako sa couch at pumikit sandali "Irene pwede mo bang kausapin si Mrs.legapi?" Sambit niya nilingon ko sya "bakit ate may problema ba?" Inayos ko ang upo ko "wala naman, kasi mas tumataas na ang sale ng restaurant natin because of desserts so I want you to talk her para doblehin ang desserts na dinidiliver satin" habang nakatingin pa rin sa papers na hawak niya.

"Sige ate ako na ang bahala" tumayo na ako at aalis na "Irene" tinawag ako ni ate "Hmm?"
"Are you sure your OK?" Pag aalala nya "yes I'm OK I'll go ahead" walang gana Kong sagot naglakad na ako palabas ng restaurant at nagpahatid Kay manong papunta Kay Mrs.legaspi.

Pagdating ko dun pinadiretso na ako ni manong guard dahil kilala naman niya ako. Kumatok ako sa pinto ni Mrs. Legaspi at rumesponse naman agad kaya pinihit ko na yung doorknob at pumasok.

"Ah Mrs.legaspi-"
"Tita, yan na lang ang itawag mo sakin" ang bait talaga niya "OK po mrs- ay tita" lumapit ako at umupo

"What can I do for you iha?" Tanong niya "sabi kasi ni ate gusto niyang doblihin yung pagdedeliver ng desserts sa restaurant"

"Ah ganon mukang maganda ang naging sale ng foods niyo sige ako nang bahala ipapadoble ko na lang sa mga tauhan ko" ngumiti sya sakin at nagpaalam na ako sa kanya.

Pagbalik ko sa restaurant pumunta muna ako Kay ate para sabihin ang balita tapos nagpaalam ako para pumunta sa park kung saan tahimik at walang gulo.

Pagdating ko sa park umupo ako sa upuang nasa ilalim ng puno at nagisip isip. Kinuha ko ang phone sa bag ko at sinubukan Kong tawagan si Alex nagriring naman ang phone nya,

mga tatlong beses ko nang sinubukang kontakin sya kaso hindi talaga nya sinasagot talaga bang kinalimutan na niya ako?

Dun ko lang napagtanto na may umaagos ng Luha sa mga mata ko dahil naramdaman Kong bumagsak ito sa kamay ko.

Nakuha ang attention ko sa panyong bumungad sa harapan ko kaya nilingon ko kung sino sya "miss tahan na ito oh gamitin mo tong panyo ko" sabi sakin ng lalaking nasa harapan ko

"ikaw?" Hindi ako makapaniwala "ikaw si miss Irene diba?" Mahinahon nyang Tanong "oo ako nga ikaw yung sa ice cream factory diba?" Tanong ko pabalik "ako nga maiba ako bakit ka nga pala nag iisa dito at umiiyak ka pa?"

"Sandali bago ko sagutin ang tanong mo wala ka bang work ngayon?" Umupo sya sa tabi ko
nang hindi nya inaalis ang tingin nya sakin

"day off ko ngayon kaya pumunta ako rito para rumaket" medyo pawisan nga sya "rocket?" Tumaas ang dalawang kilay ko "oo para extra kita na rin" sambit niya "eto sayo na lang para ngumiti ka" binigyan niya ako ng kwek kwek "pero tinda mo to" pagtanggi ko sa kanya.

"OK lang kainin mo na yan para naman sumaya ka" pambobola nya no choice kaya "salamat dito" kinain ko na yung kwek kwek inferness masarap sya paborito ko kasi to

"nga pala hindi mo pa sinasagot ang Tanong ko" napahinto ako sa pagsubo at napatingin sa kanya tapos tumingin ako sa ibaba Maya Maya naluha nanaman ako.

"Yu-yung boyfriend ko kasi nahuli ko syang may kinakamang babae" humagulgol na ako "napaka walang kwenta nyang lalaki sobrang tanga nya na pinakawalan nya ang isang tulad mo" nag iba na rin ang aura ng mukha nya.

"Pero mahal ko pa rin sya" pilit Kong pinipigilan ang luha ko pero ayaw talagang tumigil hinawakan nya ang braso ko at isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya para ecomfort ako,

hinayaan ko na lang ang sarili Kong sumandal sa kanya kahit na hindi ko pa sya ganoong kakilala napagaan nya ang loob ko.

Siguro 15 minutes ang itinagal ng pag iyak ko saka lang ako tumigil at hinarap sya ulit "ahh salamat sa comfort at salamat din sa kwek kwek"

tumayo na ako at tumalikod sa kanya ng may maalala ako "wait yung panyo mo pala ibabalik ko na lang kapag nalabhan na"

Bigla syang ngumiti may nakakatawa ba sa sinabe ko?
"Hindi na sayo na yan" sambit nya "ikaw bahala salamat sa lahat-"

"Aaron ang name ko"
"Salamat sa lahat aaron" pag ulit ko

"Walang anuman basta kung kailangan mo lang ng kausap o masasabihan ng sama ng loob puntahan mo lang ako dito" tinuro pa nya ang pwesto nya

Tumango lang ako at umalis na.

Soon you'll be MINE (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora