Chapter 23

779 29 9
                                    

Aaron's POV:

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare, Simula lang nung nag usap si jean at Irene, nagkaroon na ng awkward moment sa pagitan nilang dalawa

Kahit tinanong ko na ang isa sa kanila, hindi pa rin sumasagot, nag away ba sila? O baka naman girl talk lang kaya hinayaan ko na lang muna

"My queen gusto mo ng ice cream?" Tanong ko at umupo sa tabi nya, pero umiling lang sya, nasa loob kami ng office nya ngayon dito sa resto ng ate nya, nag out of town kasi ang ate nya para daw sa meeting!

"Next time na lang siguro" sambit nya na nakayuko pa rin hinawakan ko ang noo nya, hindi naman mainit

"Bakit ang tamlay mo tungkol pa rin ba to sa pinag usapan niyo ni jean nung isang araw? Sabihin mo sakin kung may ginaw sya-"

"Nothing to worry I'm still OK, pero" humarap sya sakin at hinawakan ako sa mukha "mamahalin mo pa rin ba ako kung dumating ang araw na may nagawa ako sayong kasalanan?"

Matamlay na sabi nya at halos maluluha na, kaya ipinagtaka ko ng sobra "oo naman wala ka naman tinatago sakin diba?" Mahinahon kong sagot dahil don tuluyan na syang lumuha

"Patawarin mo ako Aaron I'm so sorry, mahal na mahal kita" yumakap sya sakin ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko,

"Ano bang nangyayare sayo, hindi kita maintindihan" naguguluhan ako sa kinikilos nya

"Wala lang toh nagdrama lang ako" sambit nya at pinahid ang luha sabay ngiti

Gusto ko man alamin ang totoo pero parang ayaw nyang sabihin..


Irene's POV:

Sa tuwing titignan ko si Aaron lalo lang akong nakokonsensya at natatakot

Dalawang araw na lang ang natitirang palugid sakin ni jean, kung hindi ko sasabihin ang totoo malamang si jean ang aamin na pwedeng ikasira ng tuluyan ang relationship namin at ikaguho ng mundo ko

Gusto ko nang umamin Kay Aaron but may pumipigil sakin na sabihin yun until

*blink* tumunog ang phone ko senyales na may nagtext

Si Alex!

'Magkita tayo kung ayaw mong nalaman ni Aaron ang tungkol satin'

Sabi nya na ikinakaba ko ng sobra dalawa na silang nang bablackmail sakin ayoko nang gawin pero nagpunta parin ako sa lugar na sinabe nya

"Anu pa bang kailangan mo" inis kong tanong, nakangiti lang sya habang unti unting lumalapit sakin,

"Simple answer, bumalik ka sakin that's all"

"What the heck are you thinking, may boyfriend na ako" irritable kong sagot na lalo nyang ikina smirk bwisit!

"Why? I'm just-"

"You just want to ruin my life"

"No I love you Irene sakin ka lang"

Lumapit sya sakin at hinila ako sa braso saka hinalikan ng sobrang diin,

Pinilit kong magpumiglas sa kanya pero lalo nya lang akong ikinulong sa bisig nya..

"Irene?" Nabitawan ako ni Alex actually kaming dalawa dahil sa nag salita paglingon namin...

"Aaron? Ah please let me explain" taranta kong sabi, umalis bigla si Aaron at tatangkain ko na sana syang habulin ng hawakan bigla ni Alex ang braso ko

"Don't tell me hahabuli-"
Sinampal ko sya ng sobrang lakas sa galit ko tinulak ko rin sya "ano masaya ka na ba na sinira mo kami ni Aaron?"

Tumakbo na ako para habulin si aaron

At ramdam kong sobra syang nasaktan sa nakita nya, sana lang hindi sya maniwala sa nakita nya,

"Aaron sandali wag mo akong iwan" nang abutan ko sya at huminto pero nakatalikod sakin "Aaron please hindi totoo yung nakita mo maniwala ka-"

"Maniwala? Kitang kita naman na nakikipag halikan ka sa ex mo, o baka naman talagang hindi ka nakipaghiwalay sa kanya at boyfriend mo parin sya-"

"Hindi totoo yun" pigil ko nabalutan ng katahimikan ang paligid at pareho kaming umiiyak

"Matagal ko nang hiniwalayan si Alex pakiusap maniwala ka sakin" habang nagmamakaawa ako sa kanya

"Bakit hindi mo sabihing ginamit mo lang si Aaron para makapghiganti Kay Alex" mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko sa pagsulpot ni jean sa likuran namin

"Ano yung sinasabe mo?" Galit na tanong ni Aaron

"Wag kang maniwala-"

"Tumigil ka Irene" pigil nya sakin at lumapit Kay jean

"Ginamit ka ni Irene para makapghiganti Kay Alex at para na rin bumalik si Alex sa kanya"

Naikuyom ni Aaron ang kamay nya at humarap sakin "lahat pala ng pinapakita mo sakin hindi totoo?"

"Please totoong minahal kita-"

"Lahat ng mga ginagawa natin isang malaking pagpapanggap at kasinungalingan lang?"

"Please Aaron pakinggan mo ako" lumapit ako sa kanya at niyakap sya pero agad nya rin akong tinulak

"Akala ko iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko, akala ko ikaw na ang babaeng magpapasaya sa buhay ko pero 'KASINUNGALINGAN' lang pala ang lahat" umalis na sya at sumunod si jean sa kanya

Habang ako naiwang sawi at hindi alam ang gagawin

Pano na?

Nangyare na ang kinatatakutan ko!

Mawawala na sakin si Aaron, nawasak na ang mundo ko, parang nawawala lahat ng sakin,

Bakit ba nangyayare sakin toh? Nagpakabuti naman ako Kay Aaron, minahal ko naman sya ng totoo, pero nang dahil sa isang pagkakamali,

Nawala lahat ng yun!

Hindi ko alam kung pano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko ng wala si sya

Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, sana mamatay na lang ako ngayon para hindi ko na nararamdaman ang ganitong sobrang sakit na halos unti unti akong pinapatay

Walang kasiguraduhan kong maghihilom pa ba ang sugat sa puso ko ngayong nawasak na ito ng sobra sobra

Ang kaiisa isang taong nagpahalaga at nagmahal sakin ng totoo, kung kelan natagpuan ko na ang lalaking iibigin ko ng buong buhay ko, nawala na

Bakit ngayon ko lang narealize kung kelan nawwala na sakin, kung hindi ko ba ginamit si Aaron mangyayare ba to?

Sana lang mapatawad pa nya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya,

Totoong mahal ko sya at papatunayan ko yun sa lahat, Aaron please wag mo akong susukuan, kumapit ka lang at pangako aayusin ko ang lahat ng ito, pangako

Ipaglalaban kita hanggang kamatayan, pangako yan, aayusin ko ang lahat ng ito I love you Aaron.












(Lagot na nangyare na ang kinatatakutan ni Irene.

Sorry for late update medyo busy kasi ako dahil back to school na ulit ako

Enjoy reads!)

Follow me: @mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon