Chapter 10

1K 36 4
                                    

"Ate Vivian!" Tawag ko "sandali andyan na!" Sigaw nya mula sa bakuran? Anong ginagawa nya dun, "oh Irene ang aga mong nagising nag jogging ka ba?" Alam nya kasi kita naman sa suot ko.

"Opo, ate Vivian pwede mo ba akong ikuha ng ice bag?" Pakiusap ko "bakit may bukol ka ba?" Kinapa kapa nya ang ulo ko kaya hinawakan ko ang kamay nya para pahintuin kakahawak

"Wala po akong bukol nagkaspring po ang paa ko"

"Hala kung ganon pano ka nakauwi dito gayong may pilay ka?" Pag aalala nya "hinatid po ako ni Aaron"

"Sino naman yun? Wala ka namang nababanggit sakin tungkol sa kanya nililigawan ka ba?" Nagulat ako sa sinabe nya

"Hindi po kaibigan ko lang sya at may boyfriend ako" explained ko "o sige dito ka lang kukuha lang ako ng yelo" sambit nya at naglakad papunta sa kusina.

Ilong sandali lang "Eto ang yelo ilagay mo sa paa mo, maghahanda lang ako ng breakfast nyo"

"Si ate pala gising na?" Pag iiba ko habang inilalapat ko ang yelo sa paa ko "hindi pa pero gigising na rin yun sige dyan ka muna" tumango lang ako at bumalik na sa kusina.

"Irene napilay ka raw sabi ni ate Vivian ano bang ginawa mo?" Napalingon ako sa lumalapit sakin gising na pala si ate "natapilok ako sa hams" maikling paliwanag lang ang ginawa ko "patingin nga!" Umupo sya para tignan ang paa ko "mabuti pa dalhin natin yan sa hospita-"

"Wag na ate mawawala din to mamaya, hindi na rin sya masyadong masakit" gastos lang yun "sigurado ka?" Tumango ako bilang sagot "basta kung sumakit pa ulit yan sabihin mo agad sa akin para madala natin yan sa hospital" si ate talaga minsan OA

"Irene, Aileen halika na kayo dito luto na ang breakfast" tawag ni ate Vivian mula sa kusina "susunod na po" sagot ni ate, inalalayan nya ako hanggang sa makaupo ako at sabay na kaming nag breakfast.

After naming kumain nagpahatid ako Kay ate sa kwarto para magpahinga at magtext na rin Kay Alex

Pagkaupo ko sa kama kinuha ko ang phone ko sa tabi ng kama ko at nagtext Kay Alex

(To: Alex

Hi babe good morning gising ka na?)

(Kumain ka na ng breakfast)

(Anong ginagawa mo?)

(Tulog ka pa)

(I miss you)

Sa limang text na yun ni isa wala syang reply bakit kaya samantalang noon nagrereply agad sya madalas nga sya yung unang nagtetext kesa sa akin tapos tumatawag pa, pero ngayon isang oras na ang lumipas wala pa rin syang text siguro tulog or busy sana nga yun lang.

Maghapon akong nasa bahay dahil binilinan ako ni ate na wag na munang lumabas at maghinga na lang kaya wala akong ibang magawa kundi mag laptop pinuntahan ko ang Instagram ni Alex para hindi ako mabored sa bahay

Mm? May mga bagong post sya siguro yung date namin to last night,

Nang puntahan ko ang post nya nakita ko ang picture na kasama nya ang isang babae? Sino to sandali! Namumukaan ko to ha!

Nanginginig na naman ako sa galit "bakit Alex, bakit?" Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala, samantalang ang saya saya pa namin at buong akala ko ginagawa na nya ang lahat para mag worth ang relationship namin,

Pero bakit ganito ang ginagawa nya sakin?

*criinngg criinngg*

"Hello Irene napatawag ka!"

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now