Chapter 5

1.2K 38 1
                                    

Pagpasok ko sa sala derederetso lang ako, tulala ako habang naglalakad kahit yung mga maid namin hindi ko na napapansin na bumabati sakin.

Nang paakyat na ako ng hagdan may pumigil sa kamay ko dahilan para mapahinto ako sa paghakbang.

Nilingon ko kung sino at bumangad sa harapan ko si ate,

Si ate? Akala ko nasa restaurant pa sya!

"Ate anong ginagawa mo rito? Diba nasa restaurant ka pa?" Pagtataka ko,

"Irene may hindi ka ba sinasabe sakin?" Walang ganang tanong ni ate mukang nag suspense na sya sakin.

Nagkunwari akong maayos,"ha?wala naman ate bakit mo naman naitanong?" Ngumiti ako para makombinsi sya,

"Irene kilala kita Alam ko kung nagsasabe ka ng totoo o hindi" pagsusungit niya oo nga naman simula ng ipanganak ako si ate na ang tumulong mag alaga sakin kaya talagang wala akong maitatagong sikreto sa kanya.

Hindi ako makapagsalita bagkus umiyak ako sa harapan niya,,"ate!" Habang umiiyak ako lumapit sakin si ate para yakapin ako,,

"Anong bang nangyare?" Tanong nya habang hinahaplos ang likod ko,"ate niloko ako ni Alex, ang sakit sakit ate" lalo pang lumakas ang pag iyak ko,

"Sinasabe ko na nga ba at una pa lang hindi ko na mapagkakatiwalaan" galit na sabe ni ate,

" Tara dun tayo sa kwarto mo mag usap" inalalayan niya ako paakyat hanggang sa makarating na kami sa kwarto ko umupo kaming pareho ni ate sa kama ko at dun ko na inilabas ang sama ng loob ko.

"Ate pinuntahan ko si Alex sa condo niya para sana surpresahin sya kaso......nahuli ko sya ate na may kalantaryo sya sa kama niya na Babae pareho silang nakahubad at..at..a-"

"Shhhh wag mo nang ituloy naiintindihan kita mas maganda kung kakalimutan mo na yan hindi na ako makakapayag na makalapit pa sya sayo"

Pag uunawa ni ate sa sitwasyon ko. Niyakap ko si ate dahil yun ang kailangan ko sa ngayon dun ko binuhos ang luha ko sa balikad ni ate

"Ate so-r-ry" utal Kong sabe
"Bakit ka nagsosory Irene?" Tanong niya

"Sorry ka-kasi hindi a-ako nakinig sayo sorry kasi sinuway kita at nakipagkita pa rin ako sa kanya" pagsusumamo ko Kay ate

"OK lang at least sa pagsuway mo sa akin nalaman mo ang totoo na niloloko ka lang ng lalaking yun" kalmadong sabe ni ate

"Salamat ate"

"Mabuti pa magpahinga ka na at mamaya sabayan mo ako sa pagkain then bukas tulungan mo akong magbantay ng restaurant"

"Ate pwede bang ikaw muna ang magbantay ng restaurant dito muna ako sa bahay" pagsumamo ko ulit sa kanya

"Ganon ba? Ikaw ang bahala basta kalimutan mo na yung walang kwentang lalaking yun"

"Salamat ulit ate magpapahinga na ako" saka ako humiga at tumalikod Kay ate, tinapik ako ni ate saka sya lumabas ng kwarto at Sinara niya ang pinto, namumugto pa rin ang mga mata ko at bigla na lang tumutulo nang hindi ko napapasin.

Tumayo ako at kinuha ko sa bag ko yung cellphone saka ako bumalik sa pagkakahiga, pagbukas ko ng cellphone ko bumungad sakin ang 50 text messages at 32 miscalls,

galing Kay alex, inignore ko yun at pinindot ko ang gallery andun lahat ng pictures namin simula sa pagiging friend,sa panliligaw hanggang sa naging kami at mga monthsary date namin,

habang pinagmamasdan ko ang bawat pictures nakikita ko na napakasaya pa namin dito nung hindi pa sya nanlalamig sakin, kung titingnan ng iba masasabe nila na perfect couple kami na para bang mag asawa na kami.

Pero ngayon? Nawala sa isang iglap lang nagbago ang lahat, bigla bigla sumasagi sa isip ko na sana hindi na lang nangyare to sana hindi ko na lang nakita ang pagtataksil ni Alex sakin, puro SANA,

Lahat ng pictures namin ni Alex binura ko na tanging pictures lang namin ni ate ang natira after nun shinutoff ko ang cellphone ko

ayokong makarinig ng kahit anong tunog ng text or tawag sa cellphone ko peace of mind ang kailangan ko ngayon

tapos inilagay ko sa stand box sa tabi ng kama yung phone at nagtalukbong ako ng kumot at naghintay hanggang sa naramdaman Kong bumibigat na ang mga mata ko at hindi ko na namalayan na unti unti na akong nakakatulog..

Sana bukas OK na ang lahat.
.
.

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now