Chapter 4

1.2K 38 0
                                    

Irene POV:

Nagpasama ako Kay cheska para esurprise si Alex almost one week ko na kasi syang Hindi nakakausap at nakikita kamusta na kaya yun?

Pagdating namin ni cheska sa building dumiretso na kami sa elevator at ako na ang pumindot ng 9th floor button.

Habang nasa loob kami ng elevator Parang nakakaramdam ako ng kakaiba pero Hindi ko na pinansin pa siguro dahil lang to sa pagod kaya ganun,

"Ang taas ng condo nya ah!" Reklamo ni cheska na kanina pa Hindi mapakali sa kinatatayuan,
"Natural maimpluwensyang tao sya kaya Hindi malayong magawa nya ang gusto nya" pinaliwanag ko at tumigil naman sya sa kakalikot.

Nasa 4th floor na kami pero nakaramdam nanaman ako ng kakaiba bakit ba ano bang problema ng pakiramdam ko,
Binalewala ko na lang ito basta ang importante makita ko ang mahal ko,after 3 minutes tumunog na ang elevator saka ito bumukas, naglakad na agd kami papunta sa condo niya nang nasa tapat na kami ng room 214,

"Oh eto na yun room 214 sya hintayin mo na lang ako dito ha Hindi rin ako magtatagal" sabe ko sa kanya

"Oo sige dito lang ako good luck sayo" tapos nun pinindot ko na yung code sa pintuan nya, Alam ko yun dahil dati pa lang ibinigay na nya ang code ng condo sakin para daw anytime pwede ko syang puntahan,pag kapindot ko ng code agad itong tumunog at umilaw ng green meaning tama yung code na nilagay ko at bukas na ang door.

Nagdahan dahan ako para Hindi niya malaman na nandito ako nung silipin ko ang sala,

Wala sya? Siguro nasa kusina

Sinilip ko yung kusina pero..

Mm? Hindi kaya tulog sya? tama Baka natutulog sya pero ganitong tanghale? Mabuti pa puntahan ko na lang.

Dahan dahan kong pinihit ang knob ng pinto nang buksan ko yun "MMM.." may ungol akong narinig Hindi kaya binabangungot sya kaya nagdali dali na akong pumunta sa kama nya pero,"Ale-" para akong napako sa kinatatayuan ko ni hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko bakit bakit?

"Irene?" Nagulat sya na nakita nya ako,"let me explai-"

"No!" Putol ko sa kanya nagbabadya ng tumulo ang Luha sa mga mata ko,,

"Bakit mo nagawa sakin to ha? Anong kasalanan ko sayo?" Tuluyan nang bumuhos ang luha ko sa galit,

"Halos awayin ko na ang ate ko para lang ipagtanggol ka, nagawa ko pang magsinungaling para lang surpresahin ka ngayon pero mukang ako ang nasurpresa" ang sakit sakit ng ginawa nya

"Irene hayaan mo akong magpaliwanag" tumakbo sya papunta sakin hahawakan niya sana ako pero sinalubong ko sya ng sampal,

"Ang kapal ng mukha mo Alex ni minsan Hindi kita nagawang lokohin tapos eto? May kinakama ka nang babae? Who's that fucking girl" nilagpasan ko si Alex at umakyat ako sa kama para maturuan ko ng lection ang malanding babaeng to,

"Hayop kang haliparot ka nang aagaw ka ng boyfriend ng may boyfriend" patuloy ko pa ring sinasabunutan yung babae at pinagsasampal ko hanggang sa lumapit na si Alex at sinubukang awatin ako pero sinapak ko sya "huwag kang mangialam dito" dahilan para mapaatras sya, binalikan ko ulit yung Babae at pinatikim ko ulit ng magkahalong sampal sabunot at kung anong pang kaya Kong gawin

"aray tama na bitawan mo ko" pagmamakaawa ng haliparot, dahil sa galit nagdilim ang paningin ko dahil sa kanila.

Hindi ko namalayang hinila na pala ako ni cheska para maawat, "kayong dalawa Hindi pa ako tapos sa inyo lalong lalo ka na Alex pagsisisihan mo na niloko mo ko from now on I don't want to see your face anymore never" ibinato ko sa kanila yung mga unan bago ako umalis "mga baboy"

"Tama na Irene Tara na" away sakin ni cheska at hinila na ako palabas ng condo.

Pagpasok namin sa elevator dun bumuhos ang Luha Kong gusto nang kumawala,napasandal ako sa sobrang bigat ng loob ko,

"Mga hayop sila pano niya ako nagawang lokohin anong bang kulang ko ano bang mali sakin?" Habang humahagolgol ako.

"Wala,walang kulang sayo at mas lalong walang Mali sayo, sadyang siraulo lang ang boyfriend mo" sinubukan niya akong ecomfort pero ang sakit eh pinagmuka nya lang akong tanga,

"Kung wala cheska bakit Parang Hindi pa ako enough para sa kanya nagawa nya pa akong ipagpalit sa iba" hanggang ngayon Hindi pa rin nag sisink in sa utak ko ang mga nangyare.

Tumunog na ang elevator at aakma na kaming lumabas kaso "Irene sandali mag usap muna tayo ng maayos" si Alex ang bumungad sa elevator

"Do you think na papayag pa akong lokohin mo ulit? Kung talagang may respeto ka pang natitira sakin huwag mo na akong gagambalain pa" itinulak ko siya at mabilis akong naglakad para maka alis na ako sa empyernong building na to.

Pagsakay namin sa taxi pinaderetso ko sa bahay dahil ayokong malaman ni ate Baka mag alala pa sya o should I say malalagot ako sa kanya..

Manong dito na lang po ibinaba na kami sa tapat ng gate namin,

"Salamat cheska sa pagsama sakin sorry din nasayang ang oras mo dahil sakin" pag hingi ko ng tawad sa kanya.

"Best friend kita Irene kaya hindi kita papabayaan kahit anytime mo akong tawagan OK lang darating at darating ako" pagcocomfort nya sakin,buti na lang talaga at may best friend akong katulad nya kung hindi pano na lang ako.

Pumasok na ako sa gate wala akong ibang gustong gawin kundi matulog,magpahinga, sana bukas wala na ang sakit na to sana panaginip lang ang lahat ng ito dahil sa tuwing bumabalik sa isip ko ang mga nangyare sobra lang akong nasasaktan dahil mahal ko sya.

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon