Chapter 17

811 23 3
                                    

Best friend....

Nagtanong ako sa lobby kung nandun pa si Alex pero wala na sya, umalis sya after nya akong makausap,

Kaya wala ng reason para mag stay pa kami dito kaso lang, nag suggest si Aaron na kung pwede daw bukas na kami umuwi 'DAHIL' makikipagkita sya sa jean na 'BESTFRIEND' daw nya,

Matagal daw silang hindi nagkita kaya labag man sa loob ko, pumayag na lang ako, ano nga naman ang karapatan ko? Ginagamit ko lang sya, kung tutuusin wala akong rights para panghimasukan ang buhay nya,

Aaron's POV:

"Grabe hindi talaga ako makapaniwala na ikaw na yan ang ganda mo jean" sambit ko dahil high school pa nung huli kaming magkita kaya namiss ko talaga sya

Nasa isang cafe kami na bahagi din ng resort na to "talaga? Maganda ako?" Sambit nya bago ininom ang ice coffee na hawak nya "oo naman"

"Bakit hindi mo ako nagustuhan?" Nagulat ako sa sinabe nya "syempre best friend kita" sumimangot sya "bakit may Mali ba akong nasabi?" Tanong ko

"Ah haha wala naman by the way may surprise pa ako sayo" sambit nya

"Surprise?" Pagtataka ko tapos bigla syang nagturo sa likuran ko kaya lumingon ako sa tinuturo nya at laking gulat ko na si "Vincent?"

Best friend ko rin sya katulad ni jean, same school lang kami nag aral kaso lang naghiwa hiwalay din kaming tatlo dahil ibat iba na kami ng college school na pinapasukan!

"Yeah bro its me the handsome" hanggang ngayon pilyo pa rin sya "andito ka rin?"

"Yup kakauwi ko lang nung isang araw galing paris" umupo sya sa gitna namin ni jean at inagaw ang iniinom kong coffee

"Umorder ka nga ng sayo wag yung akin" pagdadamot ko ugali kasi talaga nya na nang aagaw bigla ng pagkain

"Hay parang walang nagbago sa inyo ha nagtatalo pa rin kayo, ikaw naman Vince kakarating mo lang nang aagaw ka agad" singit ni jean "of course of course I'm handsome" ay yabang lang?

"Oo gwapong alien" pang aasar ko "tama na yan order ka ka na lang sagot ko" sambit ni jean.

Kwentuhan dito kwentuhan doon, sa tagal naming hindi nagkita, narami na ang nagbago "bro nasabi na ba sayo ni jean?" Biglang sabi ni Vincent kaya napalingon ako sa kanya "sabihin? Ang ano?"

"Na may gu- ouch!!! Sakit nun ha!" Binatukan sya ni jean kaya naputol ang sasabihin nya, nakita kong tinignan nya ng masama si Vince anong meron sa dalawang to? "So meaning hindi mo pa nasasabi?" Ang weird ng dalawang to

"Ano ba yun at ayaw nyong malaman ko!" Tumawa ng pilit si Vince at "na ililibre nya tayo"

"Ahh akala ko naman kung ano na"

Irene's POV:

Nakakaboring naman dito mag isa lang ako wala akong magawa dahil wala naman dito si Alex at hindi ko sya magagantihan, paikot ikot sa kama, cellphone dito, tanaw sa bintana hayss asan ba kasi si aaron? Sundan ko kaya? Tama yun na lang para malaman ko rin ang ginagawa nila!

Saan ba yun pwedeng pumunta? Wala naman kasi syang nabanggit sakin kung saan sila magkikita nung jean

Napadaan ako sa isang cafe, pagpasok ko napahinto ako dahil nakita ko sa bandang kanan naka upo sila Aaron at jean then may isa pa silang kasama sino yun?

Umupo ako sa may likuran nila at ipinantakip ko yung menu na nasa table para hindi nila ako makita.

Hindi naman sa tsismosa ako pero makikiusisa na rin, nagtatawanan sila, napansin kong iba yung tingin ni jean Kay aaron parang may something sa babaeng to

Marunong akong kumilatis ng babae dahil babae rin ako alam ko kung panong da moves ang ginagawa nila until marinig ko yung isa nilang kasama na nagsalita

"Bro nasabi na ba sayo ni jean?" Sambit nya ang alin?

"Sabihin na ano?" Curious naman ni aaron na lumingon kay jean "na may gu- ouch sakit nun ha" binatukan ni jean yung lalaki pero nagtataka ako anu yung ayaw ituloy na sasabihin dapat nung lalaki?

Sabi na nga ba may something to eh no way hindi ako papayag puntahan ko na lang sya para matigil na ang kahibangan nya!

"Hi babe" bungad ko hinalikan ko sa pisngi si aaron na ikinagulat nila "Irene? Anong ginagawa mo dito?" Nagtaka si aaron sa pagdating ko "wala lang I'm just bored, wala ka kasi dun" umupo ako sa tabi nya at yumakap

"Wooahhh bro girlfriend mo? Hindi mo man lang nabanggit ang ganda, hi miss I'm Vincent" inabot nya ang kamay nya ganon din ang ginawa ko

"I'm Irene GIRLFRIEND of Aaron" diniinan ko ang salitang girlfriend saka tumingin Kay Jean I saw her bitter face "ah guys CR lang ako" paalam nya sabay alis see bitter..

"Swerte mo bro" sambit ni Vincent "ano ka ni Aaron?" Pag iiba ko "best friend"

Lumingon ako Kay aaron "oo bff ko rin, hindi ko nga alam kung bakit naging bff ko yan" natawa ako sa sinabe nya "grabe ka talaga bro sakit sa fes" humawak pa sya sa mukha nya as if he true hurt

"Joke lang pilyo yan pero inside mabait yan" pambawi naman nya at itong si Vince eh ngumiti na pagkalapad lapad "yown salamat"

"May gusto ka ba Irene, kape, dessert-"

"Wala" gulat nila "huh? Anong gusto mo sabihin mo" sambit ni aaron na parang nalilito

"IKAW!"

"Naks Irene makahugot wakas nag bublush tuloy si bunny" hinampas nya si Vince para manahimik ito "talaga ba?" Ang hot ng pagkakasabi nya sabay hawak sa bewang ko, ngayon ako naman ang nag blush nakaramdam kasi ako ng kuryente sa kanya at para bang may butterfly sa stomach ko na nagwawala

"Hoy tama na yan respect naman sa walang lablayp" nagtawanan kaming tatlo until jean was back as usual bitter pa din

Talaga bang best friend lang ang tingin nya Kay Aaron? malalaman ko rin!










(Thank you for appreciating this book!! The next chapter will post within 8hrs Enjoy reads!)

Follow me : @mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now