Chapter 28

751 21 5
                                    

Aileen & cheska's POV:

"Ate Aileen kumpleto na itong documents"

"Salamat cheska, ikaw muna ang maghatid ng pagkain Kay Irene sa kwarto nya, may aasikasuhin lang ako"

"Sige ate no problem"

Dinala na ni cheska ang pagkain sa taas habang si Aileen naman ay naghahanda na para sa pag alis ng....

"Ate ate....." Sigaw ni cheska mula sa taas

"why are you shout!"

"Ate si Irene wala sa kwarto nya"

"WHAT??" Gulat ni Aileen at nagtatatakbo papunta sa kwarto ni Irene na sinundan naman ni cheska.

"Irene?" Hinalugbog nya ang buong kwarto pero wala sya

"Wala talaga sya ate hinanap ko na sya pero wala talaga"

"Saan naman kaya sya pupunta eh parang wala pa sa katinuan yun?" Pag aalala ni Aileen, bumaba na sila to search all around of house but no one Irene's here

"Sino ba hinahanap niyo!" Biglang sulpot ni ate Vivian yung isa sa maid nilang matagal ng nagtatrabaho sa pamilya nila

"Ate Vivian si Irene nawawala sya hinahanap namin" bigla itong ngumiti na parang may ibig sabihin..

"Wag niyo na
syang alalahanin, ayos na sya" nakangiti pa rin ito dahilan para maguluhan ang dalawa

"Imposible ni ayaw ngang lumabas ng kwarto y-"

"Bumalik na sya sa dati nagpaalam nga sakin na pupunta na sya ng resto para asikasuhin yun, dahil matagal syang nawala" Napa 'Eh' na lang yung dalawa at napakamot sa ulo,

"Ano bang nakain nun at bigla na lang nagkaganon!" Tanong ni cheska Kay Aileen

"Hay basta maging masaya na lang kayo at OK na sya" sabay iling at bumalik na sa kusina si ate vivian. Dali dali nang umalis yung dalawa puntang resto at hindi nga sila nagkamali dahil andun nga si Irene at masayang masaya ito sa pakikipagusap sa mga staff at pag aasikaso ng mga costumers kaya nilipatan na nila ito,

Agad naman silang sinalubong ng ngiti ni irene

"Hi ate, hi cheska" sabay yakap sa dalawa na ipinagtataka talaga ng dalawa

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Aileen at taka rin syang tinignan ni Irene "edi nagtatrabaho, ang daming costumer oh" itinuro pa ang mga costumers na kumakain sa mga tables,

"No I mean diba..... Ayos ka lang ba talaga?"

"Oo naman ate ano ka ba! Buti pa tulungan niyo na lang akong mag asikaso ng costumers" lalakad na sana pero pinigilan sya ni Aileen

"Seryoso ako Irene, ayos ka lang ba talaga?"

Umiling na lang ito at tumawa "ate ayos nga lang ako, ano ba naman ang mangyayare sakin kung lagi lang akong magmumukmok diba!"

Walang bakas ng kahit anong kalungkutan o sama ng loob sa kanya dahil normal na normal ang kilos nito at pati ang pag ngiti

"Namiss ko ang best friend ko finally bumalik na na" sabay yakap at halos mangiyak ngiyak na sa tuwa "ako pa ba Irene kaya to" pagmamayabang nya at nagkunwaring may muscle sa braso

Pati si Aileen na seryosong seryoso, lumambot at napaluha dahil sa galak isang taon na kasi ang nakalipas ng magkadepression si Irene as in wala na sa sarili kaya napakasakit Kay Aileen na makitang nagkaganun ang kapatid nya,

Na kahit anung gawin nya eh no effects kaya sobrang nagulat sya na bigla na lang bumalik sa dati ang kapatid nya pero kahit ganon pa man masaya pa rin sya dahil nabawasan na ang problema nya at parang nabunutan ng tinik sa lalamunan..

"Bakit ka naman umiiyak ate be happy lang OK ba yun" hindi na nagsalita si Aileen basta lumapit na lang ito at niyakap ng mahigpit si Irene

"Teka sali ako!" Parang batang nakiyakap si cheska dahilan para magtawanan silang lahat at nag group hug.




Irene's POV:

Alam kong nagtataka pa rin kayo kung bakit ako biglang sumaya, while I'm in depression day, wala akong ibang naiisip kundi ang mga nangyayare sakin since Aaron's left,

Aaminin ko muntik na akong magpakamatay ng mahawakan ko ang cutter na nasa table study ko, pero nung bigla na lang may boses na lumitaw kung saan at hinanap ko yun hanggang sa ma sight ko ang dalawang taong nasa likuran ko

Si mama at papa

Naluha ako bigla at halos hindi alam ang gagawin nabitawan ko ang cutter na hawak ko at nilingon sila

"M-mama pa-papa" habang patuloy pa rin ako sa pag iyak

"Anak wag na wag mong gagawin yan," sabi ni mama na may halong pag aalala "pero kasi.."

"Wag mong sayangin ang buhay mo anak dapat na pinahahalagahan mo ang buhay na ipinahiram lang ng dyos satin" sigunda ni papa na lalong nagpaiyak sakin

Lumapit si mama sakin at niyakap ako habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya "anak magtiwala ka sa dyos, maaayos din ang problema mo basta magtiwala ka babalik din sya sayo"

Parang may pinaparating si mama sa sinasabi nya kaya naman tinanong ko ulit sya

"Mama anong ibig nyong sabihin?"

"Basta anak wag kang mawawalan ng pag asa babalik din sya at magmahalan kayong magkapatid ha, kayo na lang ang natitira at wala n kami ng papa mo sa tabi niyo" sambit ni mama at pinahid ang luha ko

"Oo nga anak pero hindi ibig sabihin na hindi na namin kayo mababantayan dahil nandito lang kami palagi ng mama niyo para bantayan kayong magkapatid, mahal na mahal namin kayo"

Niyakap nila ako at ganun din ang ginawa ko pero kumalas din agad sila at naglakad palayo, sinubukan kong habulin sila "mama papa wag niyo po akong iwan" kaya lang parang hindi nila ako narinig nagpatuloy sila sa paglalakad at unti unting naglaho

Wala na akong nagawa kung hindi umiyak, pero kahit paano nabawasan na ang bigat sa dibdib ko at napangiti na rin ako sa wakas.

Simula non bumalik na ako sa dati at sinabe ko sa sarili ko na iingatan ko na ang buhay ko, dahil narealize ko kung gaano kahalaga ang buhay at kailangan pa ako ni ate

Kahit masakit man sakin ang nangyare pipilitin kong makalimutan lahat ng sakit at magsisimula ulit sa umpisa,

Ganun naman talaga ang buhay kailangang magpatuloy at hindi porke nadapa ka ay mananatili ka na lang nakadapa, dapat ay bumangon ka pa rin at ipagpatuloy ang buhay kasama ang pagharap sa maraming pagsubok sa buhay.












(Here's the update..enjoy reads!)

Follow me: @mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now