He's getting into my nerves

2.5K 53 1
                                    

Vanna's POV

"Nakakainis mukha na tayong zombie!" Reklamo ni Ann pagkapasok namin sa room. Pinagtitinginan tuloy kami kanina pa. Hindi kasi namin namalayang nakatulog kami kagabi kakaiyak. Ang masaklap pa sa couch kami nakatulog at si Megan nahulog dahil sa kagaslawan matulog.


"Pero priceless talaga yung mukha ni Megan kanina! May picture ako sayo! Tulo laway ka pa ha!" Pang-aasar sakanya ni Ann. "This is all your fault, bitch!" Hinampas nito si Megan. World War na naman ang dalawa. Nakakaistress sila tignan.



"Good morning class." Napatayo kami bigla nang magsalita si Shitty sa harap. Hindi man lang namin napansin ang pagpasok nya. Ito kasing dalawa ang harot at ang ingay. Kahapon pa ako hindi makamove on dahil hindi ko ineexpect na siya ang magiging substitute teacher. Ano bang ginagawa ng taong 'to dito? Businessman ito tapos biglang naging teacher? Hindi ko alam kung ano bang gusto rin sa buhay nitong lalaking ito! Hindi tuloy ako makafocus din sa subject na ito dahil naalala ko yung ginawa kong kahihiya sa bar!

"Good morning, Siiiir!" Masiglang bati ng mga klase lalo na ng mga kababaihan kong kaklase.


"Oh bakit nakabusangot ang mukha mo?" Tanong sakin ni Megan. "Wala." Walang-gana kong sagot at nag-focus nalang ng tingin sa unahan. Hindi dapat ako magpaapekto sakanya. Sino nga ba naman siya? Isa lang naman siyang business partner ng mga magulang ko.



"Okay, everyone. Before we start our class, I want you to introduce yourself so I would be able to know you very well. Let's start from the first row." Tumayo naman yung babae kong kaklase saka humarap sa amin. Kahapon hindi namin ito nagawa kasi nga biglang pinatawag sila ng Dean dahil may urgent meeting daw ang mga teachers. Kaya kahapon buong araw pinagawa lang kami ng mga activities.


"Ehem. Good morning, sir ! My name is Alexia May Gotcha. 16 yrs old and I thank you." at nag flying kiss pa! Tumayo naman yung kasunod ni Alexia.



"Hello, everyone! My name is Clea Mandia. I'm sexy and hot!" Sabay titig pa nang malagkit kay sir! Hindi na nahiya!


Sunod-sunod naman na nagpakilala ang mga kaklase ko hanggang si Ann na ang sumunod.



"Hi, everyone! I'm Ann Trimontel. 16 yrs old. Maliit pero wild. Rawr!" Natawa naman ang buong klase. Siraulo talaga! Sumunod naman si Megan sakanya.


"Hi. I'm Megan Shin. Maganda since birth. No boyfriend since birth but ready to mingle!" Sabay kindat. Tumayo naman na ako kasi ako na ang susunod.



Bakit bigla ako kinakabahan?!

Pumunta na ako sa harapan at nag umpisa ng magpakilala. "Hello, everyone. I'm Shavanna Monreal. You can call me Van for short." Nakangiti kong sambit at magu-umpisa na sana ako maglakad pabalik sa upuan ko nang magsalita si Shitty!


"Is that all?" Habang diretsong nakatitig sa mga mata ko! Damn him. Oh Earth! Just swallow me! Tumango na lamang ako. "What's your adjective?" Mabilis na tanong nito. Nakakainis ah! Kanina yung classmate ko wala naman siyang follow up na tanong!



I cleared my throat "I think that's all." Ilang minutong katahimikan ang namayani nang magsalita muli siya. He's really getting into my nerves!


"I see." Mahina nitong aniya at nakatitig talaga sa'kin! What the hell?! Hindi ba siya naiilang sa ginagawa niya?! Mamaya kung ano isipin ng mga classmates ko!



Kunwa'y umubo-ubo ito."That's all for today. Goodbye, class." Aniya at mabilis na lumabas ng classroom.

Baliw na talaga siya! Hindi ko alam kung anong trip niya! Nakakainis.

"Ano ba yan natapos ang klase sa introduce yourself!"

"Oo nga eh! Huhu di ko na makikita si Sir!"

"Puntahan nalang natin sya sa office niya!!"

"Taraa! Masilayan man lang si sir!!"

Bulungan ng mga kaklase ko at isa-isang nang nagsilabasan ng room.

"Ay power! Hindi kinaya ni sir ang titig mo sis!" Natatawang saad ni Ann nang makalapit ako sakanila.

"Iba ka talaga, Van! Hahaha! Iba ang karisma mo!" Gatong pa ni Megan.

"Whatever. I think he's tripping me. Akala niya siguro uurungan ko siya." I smirked.

He wants to play? Then good luck. Hindi ko siya uurungan sa laro niya.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now