CHAPTER 20

1.8K 40 1
                                    

Vanna's POV

"Look, Van oh. You two look good together here." Pinakita sakin ni Ann ang picture namin kanina.

Megan uploaded our pictures. Mukhang alam ko na kung anong ibig sabihin ni Shitty doon sa text niya. Pero paano niya nalaman? Don't tell me, friends sila sa facebook?

"Friends ba kayo ni Mr. Vanierre sa facebook?" Tanong ko kay Ann para makasigurado.

Binigyan niya naman ako ng tingin na mapang-usig. >.<

"Yes, Van. Friends kami. Inadd namin si sir nung unang meeting natin sakanya." Natatawang sagot ni Ann.

"Whatever."

"You know para madagdagan naman yung pogi kong friends." Biro pa nito. Inirapan ko naman ito. Mabilis ko naman tinignan ang facebook account ng lalaking iyon at saka ko napagtantong mutual friends nga namin si Ann at Megan!

"Teka nga lang, may gagawin lang ako." Sabi ko kay Ann.

"Ano ba yan! Iiwan mo rin ako?!"

"Babalik rin ako agad."

"Fine! Bumalik ka agad, Van ha!" Tinanguan ko naman siya at tuluyan nang umalis para umakyat sa taas kung nasaan yung kwarto namin.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong dinial ang number ni shitty at naupo sa kama. Hindi ko maipaliwanag kung bakit para akong natataranta! Nakadalawang ring naman bago nito nasagot ang tawag ko.

"A-h k-asi.." Napakagat ako sa kuko ko! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Ang tanga-tanga ko naman kasi bakit ko tinawagan?! Para saan?! Nakakainis na para bang responsibilidad kong magpaliwanag sa lalaking ito!

"How's the party? Have you enjoyed?" Feeling ko tuloy ang sarkastiko ng pagkakatanong nito! Nakakainis!

"Y-eah. Marami kasing food."

"Hmm. Why did you call by the way?" Parang bigla naman naging cold ang tono nito! Teka ano ba kami?! Bakit ganyan siya magreact?! Nakakainis siya ha!

"A-re you mad?" Kusang gumalaw ang bibig ko para magtanong!

"I'm not. Why would I?" Painosenteng tanong nito.

Ah hindi ba? So ako lang nagfeeling?!

Nakakainis 'to ha. "Ah wala. Sige, balik na ako at baka hinahanap na 'ko NON." Pagdidiin ko sa hulin word.

"Van. Stop it."

"Stop what?" Painosente ko na ring tanong sakanya.

"F-ine. I was jealous." Mahinang aniya. Bigla namang tumalbog puso ko sa sinabi nito! A-no daw?!

"Are you still there?"


"A-h y-eah."


"Please don't do that again. I k-now I have no rights..." Malalim itong bumuntong-hininga. "Damn it." Mahinang mura nito.

"Nevermind, Van. You must enjoy the party."

"Umamin ka nga sakin."

"What?"

"Bakit ka ba nagkagusto sakin?" Nasapo ko ang noo ko nang marealize kung ano ang tanong ko! Minsan talaga hindi na rin ako nag-iisip hmp!

"There's no specific reason. I just did."

"Pero mas marami pang mas deserving sakin. Hindi mo na kailangan mag—"

"You're worth the wait, Van."

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now