Advice

2K 38 0
                                    

Vanna's POV

Magdamag naman akong hindi pinatulog dahil sa usapan namin ni kagabi ni Shitty. Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Paano ba nagsimula ito? Paano kami naging ganito? Bakit ambilis naman yata ng mga pangyayari? Parang kailan lang enemy ko siya! -____-

"Anak, you okay?" Nabalik ako sa reyalidad nang tapikin ako sa balikat ni mommy atsaka naupo sa tabi ko. Nasa sala kami ngayon.

"Of course, mom." Tinitigan niya naman ako nang maigi. "Don't lie. I can feel you're not okay." Napataas naman ako ng kilay.

"Pano niyo naman nasabi mom?" Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Namiss ko yung ganto kami ni mommy. Madalas kasi busy na sila sa business kaya madalang nalang kaming magkaroon ng oras para kumustahin ang isa't-isa at makapag-usap nang ganito.

"I'm your mother. Alam ko kung may bumabagabag sayo o wala." I sighed. Hindi naman big deal iyon eh.

"Mom can I ask you something?" Naramdaman ko naman ang pagtango nya.

"Magagalit ba kayo mom kung sakaling magkagusto ako sa taong mas matanda sakin?"

She lift my chin up at iniharap sakanya. "Anak, kung saan ka masaya, syempre susuportahan ka namin ng dad mo. Alam mo namang prinsesa ka namin. Ikaw lang ang nag-iisa naming anak kaya kung anong gusto mo ay ibibigay namin sayo dahil alam naming alam mo naman ang ginagawa mo." Nayakap ko naman si mommy dahil sa sinabi niya. She is really the best.

"Mom, thank you and I love you always!" Teary-eyes kong sabi.

"I love you too, sweetie. Your happiness will be our happiness too." Napangiti naman ako. "Oh siya kumain na tayo ng almusal." at sabay kaming pumunta ng dining.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni mommy.
_____________________________

"Vanna, anong gusto mong regalo?" Tanong sakin ni Ann na abala magkutkot ng daliri niya.

"Anything. Basta galing sa puso mo/niyo." Sagot ko habang busy sa pagtipa sa laptop.

"Sino ba iyang kachat mo ah?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ang gaga! Agad ko namang nalayo yung laptop. "Wala."

"Ikaw ah! Nagsisikreto ka na." Kunwari ay inirapan ako.

"Namimiss ko na si Megan!!" Maktol niya at bumalik ulit sa couch. Andito na naman kasi siya sa bahay at hindi namin kasama si Megan dahil may importanteng lakad daw ito ngayon.

"Akala mo naman hindi kayo magkikita." Sambit ko at saka tinuon muli ang tingin sa laptop ko dahil kausap ko lang naman ang teacher ko!

Tyron : How's your day, babygirl?

Tignan mo itong lalaking ito. Masyadong biglang ang komportable na sa pakikipag-usap sa'kin hmp!Pero bakit hindi ko masabihan na tumigil na siya?! Kasi gusto ko rin?! Ganon ba!? Napakamot ako sa labi ko kasi parang tangang nakikipag-away sa sarili.

Me : Okay naman. Ikaw?

Tyron : Yes. But it will be more better if I see you.

Tignan niyo kung gaano kaharot ang taong ito! Pero natutuwa naman ako sa mga sinasabi niya?! Nakakainis hmp!

Me : Edi magkita tayo.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya agad kong kinuha at sinagot kung sino ang tumatawag.

"I wanna see you." Bungad niya agad ng sagutin ko.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now