Night with him

2.1K 50 0
                                    

Vanna's POV

"Alam mo? Ang gulo mo sis!"

"Ano ba 'yun?"

"Tantanan mo nga ako, Megan."

"Sus, nagtatanong lang naman!"

"Ano ba kayong dalawa? Kung pumunta lang kayo dito para mag-ingay, aba lumayas na lang kayo." Sabi ko sa dalawang kanina pa nag-uusap sa gagawin nila para sa birthday ko. 2 weeks na lang kasi ay birthday ko na. Mas excited pa ang dalawa sa birthday ko!

"Pwede ba kalmahan niyo? Matagal pa ang birthday ko. 2 weeks pa." Sambit ko sa mga ito at kumuha ng chichirya. Andito kami ngayon sa sala nanonood ng movie.

"Duh? September 21 na iyon bitch! Eh september 8 na ngayon!"

"2 weeks pa Ann. Wag kang excited!" Binato niya naman ako ng unan "Ewan ko sayo!" Natawa na lang ako. Totoo naman, ang tagal-tagal pa!

Bigla ko namang naalala ang nangyari nung isang araw. Matapos naming mag-inuman ni sir hindi ko namalayang nalasing pala ako! Ang hard naman pala kasi ng inumin na in-order nya! Masuwerte na lang talaga ako at hindi niya ako tinake advantage habang lasing ako. Nakakahiya rin sakanya dahil hinatid pa pala ako non dito sa bahay. Oo! Hinatid nya ako sa bahay! Nalaman ko na lang nung sinabi sakin ni mommy. Inasar na naman nga nila ako! Napakagat rin ako ng labi nang maalala rin ang usapan namin! Mabuti na lang talaga at hindi niya na ako kinulit pa tungkol doon.

"Bitch!" Nabalik naman ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Ann. "O bakit?"

"Asan nga pala sila tita at tito? Hindi ko sila nakikita dito ngayong araw ha."

"Nag-grocery sila kasama si Yaya." Sagot ko.

"Omygosh!! Omygooooosh!" Napalingon naman kami kay Megan nang bigla itong sumigaw. "Oa mo teh ah!" Saad dito ni Ann.

"Waaaah! Nakakakilig kayaaa! Sana lahat ng lalaki ganyan!"

"Ang panget mo naman kiligin." Banat ni Ann kay Megan.

"Mas panget ka! Wag kang magpapatalo." At ayun nagwrestling na naman yung dalawa! Ang gulo talaga nila lagi!

"Para kayong mga bata." Binato ko sila ng unan. Tinignan naman nila ako pareho at saka ngumisi ng nakakaloko.

"Sige subukan niyo hindi na kayo makakaapak dito sa bahay!" Pagbabanta ko nang subukan rin nilang ibato sakin ang unan. Tumawa naman silang dalawa. Tinaas ko naman yung gitnang daliri ko sa kanila na lalo nilang ikinatawa. Mga abnormal!

_______________________________

Natapos ang buong araw na nanood, kumain at nagharutan lang kaming tatlo sa bahay. Mabuti na lang talaga pumupunta sila dito dahil ang lungkot minsan kapag mag-isa. Lalo na at wala naman akong kapatid.

"Bye chickas! See you tom." Paalam ng dalawa at hinalikan ako sa pisngi.

"Take care." Pahabol ko pa bago tuluyan silang makapasok ng sasakyan. Nang hindi ko na matanaw ang kotse nila ay papasok na sana ako ng bahay nang may biglang pumaradang motor sa harapan ko. Alam ko na agad kung sino ang taong ito.

"Can I talk you for a ride, beautiful?" Kaswal na tanong niya at tuluyang hinubad ang helmet.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko! Wala talaga siyang pakialam!!! Basta basta na lang pumupunta dito sa bahay! Naging komportable naman ata to masyado dahil sa pag-uusap namin nung nakaraan hmp!

Hindi naman ako kumibo at nakatitig lang sakanya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hindi ko maintindihan dahil may part sakin na gustong sumama kaya bigla ko na lang nasabi na "Magbibihis lang ako." Akmang papasok na ako nang hawakan nya ang kamay ko.

*dug dug* *dug dug*

"No need. You look perfect tonight." He smiled. Wala na akong nagawa kundi ang umangkas! Buti na lang naka pajama ako. "Hold tight." sabi niya na agad ko namang sinunod. Gulong-gulo na ako kaya kailangan kong malaman kung bakit ganito ang pakiramdam ko kahit alam kong sobrang mali!

"Kayaaaaah!" Sigaw ko nang bigla niyang paharurutin ng sobrang bilis ang motor niya! Napapikit nalang ako sa takot. Naramdaman ko naman ang paghagikgik nya. Letse siya! Papatayin ata ako sa takot!

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit basta naramdaman ko na lang na tumigil na ang motor niya. Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata ko at namangha bigla sa view.

"Wow!" Napanganga naman ako ng sobra dahil sa nakikita kong view.

"You like it?" Tumango-tango ako at ngumiti ng pagkalapad-lapad at inalalayan naman akong bumaba ng motor.

Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko. "I'm happy to hear that." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila sa mas malapit na pwesto kung saan lalong nakikita ang ganda ng view. Napakaganda dito. Para kang nasa langit tapos nakikita mo yung buong lugar. Napakaliwanag pa. Dumagdag pa yung lamig ng hangin kaya mas lalong magaan ang ambiance.

"Matagal mo na bang alam ang lugar na ito?" Tanong ko. Tumango naman siya. Ang sarap sa pakiramdam sa totoo lang.

"Alam mo ba? First time kong makaranas ng ganito." Natatawang sambit ko. Napalingon naman sya sakin. "Sit beside me." Sinunod ko naman siya. "What do you mean?" Dugtong nya pa habang nakatingala na sa langit.

"Ganitong pakiramdam. I used to get chocolates, gift, and stuff. Pero this one really hits different." Mahabang sagot ko rito.

"Thank you for making me feel this way." Dugtong ko pa. He just tapped my head and smiled.

"Anything for you."

Kunwari'y napaubo ako. "What we are doing is obviously wrong, right?" Pag-iiba ko ng topic. Hindi kasi ako mapakali dahil alam ko sa sarili ko na mali talaga ang ginagawa namin.

"Are you still mad at me?" Biglang tanong niya at tumingin na sa akin.

Natawa ako nang mahina. "I won't be here sitting next to you if I'm mad at you."

Napakamot naman siya sa ulo niya at napangiti. "Thank you for being here with me." Sinserong aniya.

Ngumiti ako at napaiwas ng tingin. "Can you give me more time? I'll figure things out myself so we could finally talk about it." Nasabi ko na lamang dahil gusto ko rin makasigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya. Kailangan kong makasigurado bago ako magbitaw ng mga salita.

"Of course, Van. Even if it takes forever. I will wait for your answers." Aniya kaya napangiti na lamang ako bilang sagot.

Encounter [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora