Chapter 19

1.7K 36 1
                                    

Vanna's POV

"Welcooomeeee love birdsss!!!" Sigawan ng lahat nang pumasok sa reception sila tito at tita. Nakita ko naman na maluha-luha si tita habang si tito ay nakangiti.

"Thank you. Thank you everyone." Naluluha pa ring pasasalamat ni tita. Lumapit naman sila samin at sa mga bisita para makipag beso-beso.

"Let's enjoy the partyyyy! Wala ng iyakan. Hahaha." Natatawang sabi ni tito Rick na kapatid ni Tita Magda na mom ni Megan.

Nag-umpisa naman na ang party habang kaming tatlo ay naupo sa ibang table. Yung iba naman ay lumalangoy na sa pool.


"Swimming tayo, girls!" Biglang sabi ni Megan habang kumakain ng hawak-hawak niyang pizza.

"Ayoko mamaya na." Sagot ni Ann na busy sa pagtipa nito cellphone.


"Heller!" Kinaway-kawayan naman siya ng kamay ni Megan sa harap ng mukha niya. "We're here to enjoy! Wag kang bumusangot diyan, bakla ka!"

"Eh kasi naman!"

"Ano bang problema mo, Ann?" Tanong ko.


"Wala. Katext ko lang si mommy. Otw na daw sila ni daddy." Palusot pa niya. Ako pa lolokohin ng babaeng ito. Umirap nalang ako sa kawalan.


"Wait may papakilala pala ako sainyo." Ani Megan at mabilis na umalis.


"Hello girls!" Napalingon kami ni Ann kay Megan na kababalik lang at ngayon ay may kasama ng lalaki. "Girls, meet my cousin, Dwayne. Dwayne meet my bestfriends, Ann and Shavanna." Pagpapakilala ni Megan. Nakipag-kamay naman kami ni Ann sakanya.

"Hi, ladies." Nakangiti niyang bati samin.

"Hi, Dwayne. Cousin ka pala ni Megan.I bet this is the first time we met each other." Ngiting-ngiti na sabi ni Ann.

"Ah yeah. Sa Thailand kasi ako nakatira pero nang mag-third year ako, lumipat na ako dito sa Pilipinas." Nakangiting sambit ng pinsan ni Megan.

"Oh siya join ka muna samin, Dwayne." Sabi ni Megan kaya ngumiti naman ito at tumabi sa'kin. May available seat pa kasi sa tabi ko.

"Hi." simpleng bati ko sakanya.


"I guess you're Shavanna?" Nakangiting tanong nito kaya tumango naman ako habang nakangiti.


"Yep.. Teka paano mo pala nalaman ang name ko?"


Napakamot ito bigla sa ulo niya. "Madalas kasi kayo ikwento ni Megan."


"Ahhh. Pero wait, sabi mo sa Thailand ka nakatira dati? Ang galing mo naman ata magsalita ng Tagalog."


"Oh that? Yung mommy ko kasi tinuturuan kami and kapag nasa bahay kami dapat ang salita namin ay Tagalog."

"Oh that's nice." Nakangiti kong sagot sakanya. Buti naman may nakakausap na ako. Yung dalawa kasi busy rin kaya wala akong masyadong kausap.

"Btw, you're just the same age as Megan?"

"Ah yeah. Why?"


"Really? Hindi halata ha." Natatawa niyang aniya. Nahiya naman ako.


Natawa naman ako ng mahina. "Ikaw ba?"


"19. Mag tu-twenty na this September."


"Wow. Kailan birthday mo?"


"September 20." Tumango-tango naman ako.

"Nice. Magkalapit lang tayo. Ako naman 21 hehe." Nahihiya kong sambit. Nadidistract ako sa malaporselana niyang ngipin.

"Really?!" Napatango na lang ako. Wala na akong masabi.


"Btw, saan ka pala nag-aaral ngayon?"


"Univeristy of ManPhil." Maikli kong sagot.


"What a coincidence? Doon din ako nag-aaral."


"Really? Hindi ka namin nakikita. Ahh sabagay college ka na nga pala, kaya nagkaiba tayo ng building. Anong course mo?"


"I'm taking Business Ad."


"Nice." Nginitian ko ito.

"Dwayne pinopormahan mo bestfriend ko ah." Singit ni Megan kaya napakamot naman sa ulo itong si Dwayne.

"Tumigil ka nga dyan Megs. Issue ka masyado."


"Sus. Ang haba ng hair mo Van ah!" Pang-aasar pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga eh! Ano bang gamit mong shampoo, sis?" Biglang singit naman ni Ann.


"Ewan ko sainyo." Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako ng pizza. Tumawa lang si Ann at Megan at nag busy-busyhan uli sa kani-kanilang ginagawa.


"Are you okay?"

"Yeah. Sanay na ako sa dalawang yan." Sagot ko kay Dwayne at nginitian ko ito.


"Pagpasensyahan mo na rin ang pinsan ko."



"Okay lang yun, ano ka ba!" Natatawa kong sabi dito. "Sanay na ako diyan."

"Baliw masyado no?" .

"Yeah." Sagot ko at pareho kaming natawa.

"Dwayne, Van!" Sabay naman kaming napalingon kay Megan nang sumingit ito sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Dwayne.


"Bakit?"

"Let's take a picture." Ngiting-ngiti niyang aniya.

"Dwayne, lapit ka naman ng konti kay Van para sakto tayo dito sa picture." Sumunod naman si Dwayne sa sinabi ng pinsan nito. "Ayan perfect!"

"Okay guys! 1,2,3, smile!" Nagulat naman ako nang maramdaman ko yung kamay ni Dwayne sa balikat ko kasabay noon ang pagtunog ng camera.


"Kayaaah! Ang sweet nyo! Look oh!" At winagayway pa ni Megan ang phone nya sa harap namin. Baliw talaga!


"You're really beautiful. Lalo na kapag malapitan." Nahihiyang sambit ni Dwayne kaya nahiya din tuloy ako. Tinanggal naman na nito yung braso niya sa balika ko.

"One more guys!" Sabi ni Megan at nagtawag p ng tao para picturean kami. Umayos uli kami ng upo at ngumiti sa camera.

"Ayan! Ang cute natin ditong apat oh!" Ngiting-ngiti na sabi ni Megan. Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.

"Dwayne, tara na!" Biglang tumayo si Megan nang tawagin ito ng mom niya.

"Excuse us. Puntahan lang namin sila tita." Pagpapaalam ni Dwayne.

"Sure." Nakangiting sabi ko.

"Iwan ko muna kayo dito ha. Puntahan lang namin sila mommy." Pagpapaalam rin ni Megan kaya tumango naman kami ni Ann.

"Uy sis haba ng buhok! Mukhang type ka ng pinsan ni Megs ha!" Sabi ni Ann at inilapit ng konti ang upuan sakin.

"Tumigil ka, Ann. Assuming ka masyado. Friendly lang yung tao ha."

"Sus! Halata naman!" Natatawa pa niyang bwelta.

"Nako. Pag ikaw hindi tumigil sa kakaasar sakin, mas malala ibabalik ko sayo." Pagbabanta ko kaya tinawanan naman ako nito.

"Joke lang! Love you!" Aniya at nagbusy-busyhan na uli sa cellphone niya. Hindi ko na lang ito pinansin at biglang umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Inopen ko ito para makita kung sino ano yung notification at agad na tumabad sakin ang text ni Shitty.

From : 0909*******

Seems like you're enjoying the night with someone. :)

Napakunot-noo naman ako sa text nito. Anong sinasabi nito?

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now