CHAPTER 25

1.8K 39 0
                                    

1 year later.

Vanna's POV

"Hey van, what's your next class?"

"Chemistry." Sagot ko kay Megan.

"So kita nalang tayo sa canteen later." Tinanguan ko naman ito. "Ikaw ba, Ann. Ano bang vacant class mo?"


"1:00 pm pa."


"Magkakapareho tayo."

"Even Richo."

"Oh siya magkita-kita nalang tayo later. Sige na malelate na ako." Sambit ko at nauna na akong umalis kasi baka malate pa ako sa klase ko. Maldita pa naman ang prof ko doon.


Nag-vibrate naman ang phone ko habang naglalakad ako sa corridor papunta sa next class ko. Agad ko naman itong kinuha sa bulsa at tinignan kung sino ang nagtext.



I smiled when I saw his name on my inbox.

From : Sweetheart

Hey, sweetie. How's your first class? What time your vacant is?  I'll drop by later. Let's eat together. I missed you so much. I love youu!

Nireplyan ko naman agad siya at napangiting ibinalik ang cellphone sa bulsa at pumasok na sa classroom.

--------------------------------------

"Nakakapagod mag-aral kahit wala naman masyado pinapagawa!" Reklamo ni Ann habang kumakain kami dito sa restaurant na lagi naming kinakainan pag vacant naming lahat. Btw, 2nd year college na kaming lahat ngayon at 2nd week na ng August kaya medyo hindi pa gaano kaheavy mga pinapagawa. Magkakaiba kami ng course na kinuha kaya minsan hindi magkasalubong mga schedule namin.



"Babe wag ka na magreklamo, pare-pareho lang tayo." Ani ni Richo, na boyfriend niya na ulit. Nagkabalikan uli sila pagkatapos ng ilang buwan na suyuan nila. Lumipat na rin pala si Richo sa university na pinapasukan namin.

"Gusto mo isaksak ko itong tinidor sayo?" Pinanlisikan naman ng mata ni Ann si Richo.



"Mahal na mahal mo talaga ako 'no?" Nagbabatuhan na naman sila ng mga kung ano-anong salita kaya hinayaan na lang naming tatlo. Si Megan, ako at ang boyfriend ko. Oo! Kami parin ni Tyron.

"Hon, kumain ka pa. Ang payat payat mo na." Humarap naman ako kay Tyron nang magsalita ito.

"Wala akong gana."


"These past few weeks lagi ka na lang walang gana. Nag-aalala na ako." Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala. Hindi ko rin maintindihan kung bakit wala akong kagana-gana kumain at pakiramdam ko lagi akong pagod. Madalas naman nahihilo ako. Ayoko rin namang magpacheck-up dahil baka sa pagod lang ito.

"I'm okay." Nakangiti kong tugon at hinalikan siya sa pisngi.

"Bawal SPG. This is public. Mahiya kayo ha." Bitter na sambit ni Megan.


"Porket wala kang boyfriend." Gatong ni Ann na ngayon ay kayakapan na si Richo.

"Bakit mapapalamon ba ako ng boyfriend na iyan?" Mataray na sagot nito.

"Sus hindi ka lang niligawan ni sir Jaxx." Buwelta ni Ann kaya natawa kaming lahat. Nagkagusto kasi ito kay sir Jaxx pero hindi niya rin naman naamin kasi takot siya mareject. Ang ending, third wheel palagi at lalo naging bitter.


Mapapalamon ka non chicka. You know may hotdog at itlog yun!" Biro ni Ann na tawang-tawa sa kalokohan!


"Iww. You're so gross, Ann! Ang bastos talaga ng bunganga mo! Hindi ko maintindihan bakit nagkagusto sayo si Richo!"Mahabang sambit nito at umirap pa.

"Maganda kasi ako sis! Atsaka huwag mo sabihin na hindi ka pa nakakakita ng bayag?!" Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Ann! Natawa naman na lang ang dalawang lalaking kasama namin.

"O-f course nakakita na! Pero mygoodness! Nasa public place tayo! Tumahimik ka nga diyan bruha ka!"

Tinawanan na lang ito ni Ann. Sus! Natawa na lang rin kami sakanilang dalawa. Maya-maya pa ay tumigil na silang dalawa kakatalo kasi bumalik na sa pakikipag-usap si Ann sa boyfriend nito. Si Megan naman ay naging abala na sa pagtitipa sa cellphone niya.


"Baby, are you sure that you're fine? I'm really worried. Let's set an appointment for check up consultation."

"No need, Ty." Nginitian ko ito at marahang hinaplos ang mga kamay. "baka pagod lang talaga ito." Dagdag ko pa. "Or maybe.."

"Maybe what?"

"Buntis ako."

"Shavanna." Biglang naging seryoso ang boses nito kaya natawa naman ako. "Joke lang." Nagpeace sign naman ako. 

He scrubbed my hairs. "I love you, Van. 1 more year left." Mahinahon niyang aniya. Magna-20 na kasi  ako next year. Napagpasyahan namin ni Tyron na magpakasal kapag naging 20 na ako imbes na 19 kasi  masyado pa raw talaga akong bata kung tutuusin. Gusto niya ienjoy ko muna ang sarili kong buhay. Hindi niya naman ako pinilit bagkus kagustuhan ko rin ang naging desisyon namin.

Sa mahigit isang taon namin. Marami akong narealize at masasabi ko talagang hindi ako nagsisisi na pinili ko siya sa kabila ng mga problemang maaaring kaharapin namin. Sobrang mahal ko na talaga ang lalaking ito. Iniisip ko pa lang na mawawala siya ang hirap na sa dibdib. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Sanay na sanay na kasi ako na laging nasa tabi ko siya at sanay na ako sa presensya niya.

Isa pang rason bakit kami tumagal kasi sa loob ng isang taon, kahit isang beses hindi kami nag-away na umabot sa break up. May misunderstanding naman, hindi naman yon mawawala sa isang relasyon kasi wala naman talagang perpektong relasyon. Kapag may kailangan pag-usapan, pinaguusapan talaga namin para matapos na ang issue na yon doon at hindi na maulit pa. Pinagdidiskusyunan talaga namin kung may mali kaming ginawa or may hindi kami gusto na ginawa ng isa. Nakakatuwa lang kasi marunong talaga siya makinig. Kaya ang swerte ko talaga sa lalaking ito. Hindi naman sa pagiging exaggerated pero wala kasi talaga akong masabi sa ugali niya. Siguro kasi natuto na din siya sa past relationship niya.

"Ty. I love you." I mumbled.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now