Visit

2.3K 40 0
                                    

Vanna's Pov

Ouch! My head freaking hurts!


"Vaan!! Are you okay?!" Napakurap-kurap naman ako nang may humawak sa balikat ko.



"Sis you okay?" Isang boses pa ang narinig ko. Tumango na lamang ako kahit ang totoo ay ang sakit ng ulo ko! Naninikip pa ang dibdib ko... Ano bang nangyayari sakin?!



"Siguro ka ha? By the way pabalik na rin sila tita siguro. Bumili lang ng pagkain." Umupo naman na silang dalawa sa tabi ko. Malinaw ko nang nakikita kung sino ang nagsasalita.



"Van? Are you really okay? How's your feeling?" Halata naman sa boses ni Megan ang pag-aalala.



"Yeah. Maybe I'm just tired." Sagot ko dahil kahit ako ay walang ideya sa nangyayari sakin. This is the first time something like this happened to me.


"Anyway, anong nangyari?" Wala na kasi akong maalala.



Tumitig naman sakin si Ann at saka nagsalita "Bigla ka na lang nawalan ng malay. Mabuti na lamang ay nandon si sir at siya na ang nagdala sayo rito sa clinic. Nag-alala kami ng sobra sayo." Huli ko ngang nakita si sir bago ako tuluyang mawalan ng malay. Magpapasalamat na lang ako sakanya sa pagdala sakin dito sa clinic.



"Thank you." Nasambit ko na lang sa dalawa. Mahal na mahal talaga nila ako.



"Nako ikaw talaga. Sobrang worried kami nung nawalan ka ng malay." Niyakap ako ni Ann.



"Ano ba nararamdaman mo, Van? You can tell us naman eh. We are always here to listen." Ngumiti na lang ako kay Megan dahil nga wala rin akong ideya kung bakit bigla na lang ako nawalan ng malay. "Nako ngiti-ngiti ka dyan nako nako!" Natawa na lang ako. Bigla namang bumukas ang pinto ng clinic.



"Honeey! Are you okay?" Alalang-alalang sambit ni Mom at mabilis na lumapit sila sakin ni Dad nang makitang gising na ako. Kinapa-kapa pa ni mommy ang noo ko.



"Mom, Dad. I'm okay. Maybe I was just tired that's why I fainted." I gave them an assurance smile.



"Pinag-alala mo kami, anak." Ayan na naman si Mommy. "Mom, look okay na ako. No need to worry, okay? Atsaka malakas ang anak nyo." Pagbibiro ko pa dito nang mabawasan naman ang paga-alala.



"Anak, kung may nararamdaman ka magsabi ka samin ng Mom mo." Napapout nalang ako. Ang OA talaga nila. Sabagay hindi ko sila masisisi. Nag-iisang anak lamang nila ako.



"Akala ko ba may meeting kayo Dad sa Italy?" Pag-iiba ko habang busy sina Megan at Ann mag prepare nung dala nila mommy.



"Yes pero syempre mas pinili naming umuwi just to check you. You know naman. Ikaw lagi ang first priority namin." Napayakap naman ko sa kanila. "I love you Mom and Dad."



"We love you too, honey." Sabay pa nilang sagot at niyakap ako pabalik. I'm really blessed to have such parents like them.



Biglang bumukas muli ang pinto ng clinic kaya napabitaw kaming tatlo sa yakapan at lumapit samin ang nurse dito sa campus na si Ms. Flammy.


"How's your feeling, Van?" Tanong niya. Medyo close ko rin kasi itong si Ms.Flammy. Dati kasi kapag ayokong pumasok sa isang subject pumupunta ako para lang matulog at nagkukunwaring may masakit para payagan niya.


Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now