CHAPTER 22

1.7K 38 0
                                    

Vanna's POV

9:11 AM

Pagopen ko ng phone ko ay bumungad sa'kin ang mga greetings. Napangiti naman ako. Muntik ko nang makalimutan na birthday ko pala ngayo. Kung wala pang bumati sakin, mukhang hindi ko pa maalala sa sobrang dami kong iniisip nitong mga nakaraang-araw.

Napabusangot naman ako nang wala man lang akong nareceive na text kay Ann at Megan, including my parents. Usually naman sila pa unang bumabati sakin. Lalo akong napabusangot dahil kahit si shitty, wala man lang ring text! Nakakainis sila ah! Don't tell me nakalimutan nila?!

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay pumasok na ako ng school dahil sila yaya lang naman andoon. Hays! Ano ba yan nakakainis naman! Si mommy at daddy hindi na nga ako binati tapos wala rin sa bahay.

"Good morning Van!Happy birthday!"

"You look fab! It's your birthday, Van! Happy birthday!"

"Hey, Vanna! Happy birthday!"

"Vanna happy happy birthday! More birthdays to come, gorgeous!"

Bati sakin ng mga schoolmates ko habang naglalakad ako dito sa corridor. Nakalimutan kong popular ako/kami dito sa school. Bukod sa lolo ni Ann ang may-ari ng school na ito, may malaking shares din ang parents namin ni Megan dito kaya siguro ay medyo kilala nila kami.

"Asan sila Megan at Ann?" Tanong ko sa sarili ko nang hindi ko sila madatnan sa room. Mas lalo akong napabusangot at dumiretso na lang sa upuan ko at nagmukmok! Nakakatampo sila!

"Good morning, Van! Happpy birthday!"

"Happy birthday, Vanny!"

"Hey queen. Smile happy birthday!"

"Happy birthday, gorg! More birthdays to come!"


Bati sa'kin ng mga kaklase ko. Nginitian ko naman sila isa-isa. Buti pa sila naalala akong batiin. Samantalang yung dalawa kong bestfriend hindi man lang nag-abalang batiin ako. Grrr! Siguraduhin lang nilang may valid reason sila kaya hindi nila ako binabati!



Natapos ang klase na ako lang mag-isa dahil hindi pumasok si Megan at Ann.

"Bakit ang lungkot ng birthday girl?" Nakangiting sambit ni sir Jaxx nang makasalubong ko sa canteen. Siya na ang nagtake over ng subject namin kay Mrs. Ronda dahil nga temporary lang si shitty noon. Mabait din to si sir Jaxx at talaga namang naging popular agad sa school dahil may itsura rin!

Napakamot naman ako sa ulo. "Pano niyo sir nalaman na birthday ko?" Nahihiyang tanong ko sakanya. Natawa naman ito ng mahina. "Happy birthday, Van. Una na ako." Nakangiting sambit nito na naglakad na papalayo nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Napakamot na lang ako sa ulo.

Natapos ang mga klase ko nang hindi man lang talaga nagparamdam sila Megan sa'kin kaya pagkatapos ng last subject ko ay pumunta ako ng mall para bumili na lang ng mini pizza para kainin habang pauwi. May masarap kasing bilihan ng pizza sa mall na malapit lang dito sa campus.

Habang naglalakad-lakad ako sa mall, panay check pa rin ako sa cellphone ko at nagbabakasakaling may text na yung tatlo sa'kin pero wala man lang talaga?!   Napabuntong-hininga ako at tumambay na lang muna ako sa mall bago napagpasyahang umuwi na.

Chineck ko uli yung phone ko at wala pa rin talaga. Sinuksok ko na lang ang phone ko sa bulsa ng palda ko at nagmadali nang umalis dahil hindi ko namalayang 7:03 na ng gabi.  

Pagkababa ko sa kotse ay dire-diretso n akong pumasok sa bahay. Pero napahinto ako sa pintuan. "Ang dilim naman yata sa loob?" Usal ko nang makitang ang dilim sa loob. Kinalkal ko naman ang susi ng bahay sa bag ko para mabuksan ang pintuan.

Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon