No messages?

1.9K 29 0
                                    

Lumipas naman ang mga oras na marami kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay ng isa't-isa at dahil doon ay mas lalo ko itong nakilala.

Maya maya pa ay nag-aya na akong umuwi dahil nakaramdam na rin ako ng antok. "Tara na umuwi na tayo." Tinignan ko naman yung oras sa relo ko. "2:35 am na. Grabe tagal din nating nagkwentuhan." Dugtong ko pa. Nakangiting tumango ito at inalalayan akong tumayo at sabay kaming pumunta kung saan nakaparada ang motor niya.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko nang makababa ako sa motor at humarap sakanya.

"My pleasure, baby girl."

Natawa ako ng mahina dahil sa tawag niya sakin. Masyado talagang vocal kung magsalita. "Ingat ka sa pagmamaneho." Paalala ko. Kaskasero pa naman magdrive.

"Yep. I will."

"Kalandian mo sir ha! Nako sinasabi ko sayo. Atsaka madaling araw na hindi ka pa rin nauubusan ng energy." Natawa naman kaming pareho dahil sa sinabi ko.

"Sige na nang matulog ka na din, pasensya na kung lagi kang late natutulog nang dahil sakin." Mahabang aniya.

"Okay lang masaya naman ako." Nginitian ko ito. Ang bilis talaga ng pangyayari. Biglang ang kaswal na lang yung pag-uusap namin.

"Siya sige na uwi na." Pagsusungit ko na sakanya.

Tumango naman ito. "Alright."

"Take care. Itext mo na lang ako o di kaya i-chat kapag nakauwi ka na." Teka? Kailan pa ako naging demanding at nag-care kung makauwi man siya o hindi?!

"Ayeaye, captain." Sumaludo pa!

"Good morning, beautiful." Pahabol niya pang sabi bago tuluyang nawala sa paningin ko ang motor. Napailing-iling na lang ako at pumasok na rin sa loob ng bahay.

"Hoy babae! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Ann nang makapasok ako ng guest room na ngayon ang nakaupo sa kama.

"Andito ka pa pala." Kahit alam ko namang hindi talaga siya umalis. Lagi kasing ganon si Ann. Uuwi 'yan pero wala pang ilang oras babalik uli sa bahay para makitulog! Gustong-gusto niya kasing matulog dito. Siguro dahil nga rin wala siyang kasama sa bahay nila kaya dito na rin madalas tumambay sa'min.

"Hindi ako 'to. Doppelganger ko ako." Pamimilosopo niya sa'kin.  sakanya.

"Wow ang galing!" Bwelta ko rin sakanya. "Atsaka bakit gising ka pa pala? Hindi ka ba natulog?"

"Natulog naman. Nagising lang ako. Tsaka pakisagot ang tanong ko?"

"Sa tabi-tabi." Saka ako tumabi sakanya sa kama.

"Nako ha! Sa tabi-tabi pero inabot na ng madaling araw?!" Hindi ko na lamang siya pinansin at kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa.

From : 0909*******

Just got home, Van. Thank you for another night with you. Good morning! Sleepwell.

Text sa'kin ni shitty. Hindi ko na lamang siya nireplyan.

Maya-maya'y nagsalita uli si Ann. "Sis?"

"Uhm?"

"Masama ba akong tao?" Walang ano-ano'y tanong nito.

"No. Why?"

"Just asking. Si Richo kasi..." Mahinang aniya at isinandal ang ulo sa balikat ko.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now