Text

2.4K 47 0
                                    

Vanna's POV

Nag unat-unat ako bago tuluyang bumangon na para mag-ayos dahil may quiz kami ngayon at bawal akong malate. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para kumain.

Nasa kalagitnaan ako nang pagkain ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello. Who's this?" Tanong ko sa tumawag dahil hindi na ako nag-abalang tignan pa kung sino ang caller dahil nga kumakain ako.

"Van! You finally answered my calls! Damn it! I've been calling you for fucking several times!" Napa-irap naman ako sa kawalan. I know this crazy man.


"What do you want, Trist? Where did you get my number?" Nakabusangot kong tanong sakanya. Ang persistent masyado ng lalaking ito!


"I just wanted to see you, Van. Let's make things right for us. Can you give me another chance?"

Drama.

"Kung makapagsalita ka na let's make thing right, naging tayo ba? Atsaka paano mo nga nakuha ang number ko?" Narinig ko naman ang pagsinghap nya sa kabilang linya. Anong drama yun? Tsk!

"I have my ways. Can you just answer my question?" Napairap uli ako. Hindi ko na alam kung ilang beses ako umirap ngayong araw na ito. Kauma-umaga kasi sinisira na ang araw ko! Mabuti na lang talaga at hindi kami pareho ng school na pinapasukan!


"Alam mo Trist ayaw na kitang makausap kaya kung puwede ba tantanan mo na ako? Napairap na naman ako! Atsaka kung makasabi naman siya na "let's make things right" Akala mo naging kami! Ang feelingero ng lalaking ito!

"I love you, Sha. I really do. Please give me another chance to prove it to you." Napairap na naman uli ako. Whats's new? Men will always be men. Napaka-mabulaklak ng bibig. Sa salita lang naman sila magaling.


"Whatever." Inis kong sambit at mabilis na pinatay ang tawag sabay block ng number niya dahil baka lalo pa siyang magdrama dahil obvious naman na ang mga sinasabi niya ay puro kasinungalingan! Naapakan ko lang ata ang ego niya kaya ngayon naghahabol siya! Mga lalaki nga naman talaga.

-————

"Ano problema, Van? Bakit nakabusangot ka?"

"Don't talk to me, Ann. I'm not in the mood today." Bagot kong sagot rito. Parang gusto ko na lang i- shortcut lahat ng sasabihin ko. Wala talaga ako sa mood. Ewan ko kung bakit. Pero isa sa rason ay ang pagtawag ni Tristan. Nakakabwiset talaga siya!

"Okay fine." Inirapan ako nito at pinagpatuloy na ang pagkain ng cupcake.

"Tagal ni sir ah? Wala na naman ata siyang balak pumasok." Pag-iiba ni Megan na ngayon ay nakadekwatro na habang kumakain din ng cupcake. Wala naman akong pakialam kung hindi pumasok ang lalaking iyon eh hmp.

"Baka naman may importante lang ginawa. Atsaka okay nga 'yun para tambay lang tayo dito." Nakangising sabi ni Ann.

"Baka nga busy." Pag-agree ko kay Ann sa sinabi nito. Kasi alam kong businessman ang taong iyon kaya posible nga namang busy talaga siya. Isa sa rason kung bakit nagtataka ako na naisipan pa noon magturo. "He's a business man. Siguro temporary lang ang pagtuturo niya rito." Pagdugtong ko pa.

"Really? Eh bakit nagteacher siya? Ang layo ng bagong profession niya ah! Pero teka ikaw ha?! Bakit mo alam? Getting to know each other na siguro kayo ano?!" Mahabang sambit ni Ann! Nakapadaldal talaga!

"Huwag kang issue. Isa lang naman kasi siya sa business partner nila Dad." Sagot ko.

"I see. Akala ko gett—-!" Pinutol ko naman ang pang-aasar ng dalawa.

Inirapan ko sila "Tigilan nyo nga ako. Malabong mangyari ang iniisip niyo. Tignan niyo nga ang age gap naming dalawa." Yun na lamang nasabi ko.

"Pero imagine Van? Pinaglalapit kayong dalawa? Kasi isa pala siya sa business partner nila tito." Pang-aasar pa ni Megan na hindi ko na lang pinatulan kaya pinagpatuloy na lang nila ang pagkain.


*bzzz* *bzzz*

Bigla namang nag vibrate ang phone ko na ibig sabihin may nagtext kaya kinuha ko ito sa bulsa tinignan kung sino ang nagtext.

What the hell?! Nung una yung account ko! Now it's my number?! Paano ba nila nakukuha ang number ko!!

From : 0909*******

Kindly advise your classmates that I won't be able to attend our class today because I have some important matters to attend to. However, I'm going to leave a work for this day. You only need to analyze then answer the two activites on the book, page 30. After finishing the activities, please collect it and  give it to me after lunch. Thank you.

- Mr. Tyron Vanniere

Pano ba nito nakuha ang number ko?! Atsaka bakit kasi ako pa ang inutusan niya?! May president naman kami bakit hindi na lang iyon ang tinext niya! Mamaya kung ano pa ang isipin ng mga kaklase ko! Napairap na lang ako at wala na lang nagawa kundi ang tumayo para i-announce ang sinabi ng tandang iyon! Nakakainis!


"Everyone. Attention please! May announcement lang ako saglit." Lahat naman ay tumigil sa kanya kanyang mga ginagawa at nagpokus saakin. "May naginform sakin na hindi daw makakapasok si sir ngayon dahil may importante siyang gagawin pero may iniwan siya gawain. We'll just have to analyze then answer the activities on page 30 and then ipasa nyo sakin pag tapos na kayo." Mahabang paliwanang ko sa mga kaklase ko at mabilis na bumalik sa upuan para gawin na rin ang pinapagawa ng shitty na 'yon. Mabuti naman at mukhang naniwala sila sa part na may naginform sakin kahit ang totoo ay tinext ako ng lalaking iyon!


"Huy! Sino naginform sayo? Bakit ikaw ang sinabihan? Atsaka pano ka nasabihan?" Mapagtanong ang mga mata ng dalawa! Napairap na naman ako.


"Malay ko ba doon! Tinext niya lang naman, okay na?" Mahina kong sagot sa dalawa at baka may makarinig samin!

Gulat na gulat naman silang dalawa.

"What?"

"Hoy, Ann! Tumigil ka sa mapanghusga mong tingin ha! Hindi ko rin alam kung paano niya nakuha ang number ko!"


"Nako si sir. Mukhang type ka nga ata talaga." Mahinang bulong ni Ann.


"Tumigil ka nga, Ann. Mamaya may makarinig sayo at pag-isipan pa ako ng masama."

Natawa naman silang dalawa ng mahina. "Oh siya at gawin na natin ang activities." Pagtatapos ni Megan sa usapan namin.

Napairap na lang uli ako dahil sa inis.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now