CHAPTER 29

2K 44 0
                                    

Vanna's POV

"Pinag-alalala mo kami Van." Sabi ni Megan na ngayon ay katabi naman ni Ann.


"Oo nga. Hays." Dugtong pa ni Ann. 

"Thank God. Okay ka na, anak." Naluluha pa ring sabi ni Mommy habang nakayakap sakanya si Daddy. Kakarating lang nila galing sa bahay. Kumuha sila ng mga damit at gamit na kakailanganin ko dahil mga ilang araw pa raw ako mananatili dito sa hospital dahil mag uundergo ako ng test.


"We're glad that you're finally awake, iha. Thank God." Sabi rin ng mom ni Tyron na katabi naman si tito.


"Maayos na ba pakiramdam mo, Van?" Tanong ni Richo sakin, andito rin pala siya at ganon din si Jaxx. 


"Yes. Thanks, Richo." Ngumiti naman ako sakanya.


"Good to hear that you're finally okay, Van." Singit ni Jaxx. Nginitian ko naman ito bilang sagot.   


"Ano bang gusto mo anak, ibibili ka namin ng tita mo." Singit ng dad ni Tyron. 

"Spoiled mo ako tito."


Natawa naman sila at naupo. Close ko na rin kasi ang mga magulang ni Tyron kaya hindi na rin ako nahihiya sakanila kaya kung mag-usap kami ay parang normal na lang. Bumukas naman ang pintuan kaya napalingon ako at nakita kong pumasok ang mahal kong si Tyron na may kasamang batang lalaki. Siya na ata ang anak nito.



"Nak, bibili lang kami ng pagkain ha." Paalam nila tita at tito. Tumango naman ako. Lumabas naman silang apat. Including my parents. Sumenyas naman si Ann na uupo na sila sa sofa nang tuluyang makalapit sakin si Tyron at ang anak nito. 

"Hey, sweetheart." Hinalikan agad ako sa noo ni Tyron.

"Say hi to your tita, son." Umupo naman si Tyron sa upuan na katabi ng kama ko at kinandong ang batang kasama niya.


"Hi, tita." Nakangiting sabi ng bata sa akin. Ang cute niya naman. Kamukha niya si Tyron. No wonder, mag-ama nga sila. Parang pinagbiyak na buko.

I smiled at him. "Hi, little boy, what's your name?"


"Vitto." Nakangiti pa ring sagot nito. "She's gorgeous daddy.." Dugong pa nito na nakatitig pa rin sa akin. Bigla tuloy akong nahiya!


"I know, son." Tyron chuckles. Namula tuloy ako!


"Look, she's blushing hihi." Hindi na ako magtataka, may pinagmanahan din pala sa pagiging vocal at prangka ang anak ni Tyron!

Natawa naman kami ni Tyron. "Sige na doon ka muna kela tita mo Megan." Nakangiting sabi ni Tyron sa anak.


"Who are they?" Nakakunot-noo na tanong ng bata.



"Daddy's friend." Nakangiting sagot niya sa anak nito at tinuro sila Megan na busy na sa pagkukwentuhan. Binaba naman ni Tyron ang anak niya at agad naman itong tumakbo kela Ann. 


"How's your feeling, hon?" Nag-aalalang tanong sakin ni Tyron.


"Mas naging okay kasi nakita na kita 'e." Namula naman ang loko!


"Namumula ka oh, kinilig ka no?"


"Hindi no!" Depensa niya.

"Tse. Wala ka bang trabaho pala ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan habang busy na siya maghiwa ng mansanas. 

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now