Chapter 16

167K 6.6K 1.1K
                                    

Chapter 16


Ilang araw ko nang iniiwasan si Gray at hindi ko hinahayaang magkaroon kami ng pagkakataong mapag-isang dalawa.

Lalo na at alam kong mayroon na siyang maipapakita sa aking marriage certificate, na hindi ko alam kung dapat ko ba na paniwalaan o hindi.

Hindi ko rin masasabi na nasa akin ang panig ni Dhaywill, Alexis at Bryce pero alam kong sinasadya nilang huwag kaming bigyan ng oras na magkasama ni Gray.

Huwag lamang silang mahahalata ng amo nila, dahil alam kong sila ang mababalikan nito. There is something about them that they can't disobey Gray. Para bang hawak ni Gray ang leeg ng tatlong ito kaya walang magawa ang mga ito kundi sundin ang lahat ng kagustuhan niya.

Pansin kong matagal nang naghahanap ng tamang oras si Gray para magkausap kami.

He is damn insisting that were married, pero habang tumatagal habang ilang beses kong nakakasagupa ang lalaking may napakagandang mata. Lalong dumarami ang mga katanungan ko.

Why would I marry someone that can't make my heart beats fast? Bakit sa kabila ng kaalamang kasal kami ni Gray ay hindi ako makaramdam ng matinding emosyon sa kanya.

A way more different compared with Sous Leu's brown eyed, seductive yet maniac commander.

Hindi ko na napansin na napapangisi na lamang ako habang hinahalo ang soup na nasa lamesa.

"Cleo?"

Nabitawan ko ang kutsara at nag-angat ako ng tingin. Nakatitig sa akin ang apat na pares ng mga mata ng lalaki.

"Are you okay? Do you remember something? Do want to visit your doctor?" tanong ni Gray sa akin.

"Oh sorry.." umiling ako at tipid na ngumisi.

Huling bagay na gagawin ko ay muling bumalik sa isang doctor kasama si Gray. I had this feeling that there is something going on with my medicine intake.

May ideya na akong ganito noon pa man at mas lalo akong nanghinala ng sabihin ito sa akin ni Tristan.

"I am fine, I just forgot that I need to shop new dresses." Pagsisinungaling ko.

"I'll go with you," agad na sabi ni Gray.

"Oh sorry babe, I am with a friend. Besides, you'll just get bored."

"No, I'll go with you Cleo."

"Gray may usapan na kami ng kaibigan ko, nakakahiya naman na may kasama ako."

"Then you tell her, she can ask her boyfriend too. Kung ito ang iniisip mo."

Pabaling-baling lang ang mata ng tatlo sa amin.

"Gray, kailan ka pa naging ganyan? Bakit pakiramdam ko ay gusto mo akong ikulong? I won't run, hindi kita kayang iwanan. Alam mo 'yan, ang pagtakbo sa'yo ang kahuli-hulihan kong gagawin."

Napatulala siya sa sinabi ko.

"Cleo.."

"Kahit wala akong pinanghahawakang mga alaala mula sa'yo, ni minsan ba ay tinakbuhan kita? Kahit nagkakaroon ako ng mga katanungan sa'yo, iniwanan ba kita? Kahit alam kong nagsisinungaling ka sa akin, iniwanan ba kita?!"

"Cleo, calm down.." mahinang sabi ni Alexis.

"What are you talking about Cleo, I was just protecting and your identity. Alam mong ang pangalang nakakabit sa'yo ang hinahabol ng daang sindikato mula sa iba't ibang bansa. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil, mahal na mahal kita.."

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon