Chapter 42

160K 7.9K 3.8K
                                    

Chapter 42


Humigpit ang yakap sa akin ni kuya habang nakatulala kami sa tagpo ni Tristan, Savannah, Rashid at Gray.

Hindi ko na siguro magagawang tumayo nang maayos kung hindi ako inaalalayan ng kapatid ko. My whole body is shaking, my heart is aching and my tears are continuously falling.

Hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari. I thought everything was fine, Savannah and I were in a good situation a while ago but what happened?

Papaanong biglang nabaliktad ang pangyayari?

Gusto kong lumapit sa kanila pero alam kong ang mga oras na ito ay para lamang sa kanilang apat. The Sous Leau's legends reunited again, but in a very heart breaking scene.

This isn't supposed to be like this, their reunion can't be like this.

"I-I'm late, I'm sorry, I'm sorry Savannah, Cap." Mahinang sabi ni Rashid.

I tightened my grip against my brother's shirt.

"K-Kuya.." bulong ko sa kapatid ko nang makita kong yumugyog ang mga balikat ni Rashid habang nakaluhod at nakayuko sa tabi ni Savannah na yakap si Gray.

Hindi ko makita ang ekspresyon ni Tristan dahil nanatili lamang itong tahimik at nakatalikod sa aming lahat.

"I-I should have—I should have—" isinutok na ni Rashid ang kamao nito sa lupa.

"Who asked you to be here, Rashid? Wala ka na sa Sous L'eau." Napamura si kuya sa sinabi ni Tristan.

"Is that how you thank me, Cap? Kung hindi ako dumating, ako na lang ang matitira sa ating apat."

"Boys, let's go. Gray needs peace." Mahinang sabi ni Savannah.

Rashid and Tristan nodded. Binuhat nilang dalawa ang katawan ni Gray sa paraang parang buhay pa rin ito. Sabay nilang inakbay ang braso ni Gray sa kanilang mga balikat.

"Gray, we're going back to our base." Tipid na sabi ni Tristan.

"This is 00043, copy. We four, coming back to our base." Rashid tried to lighten his voice like what he used to.

Savannah stood elegantly in front of them. She brushed her tears and held her head up high. Nauna itong naglakad sa tatlong lalaking nasa likuran niya.

"Give way, daraan kaming apat." She strengthen her voice and tried to fight against her tears, but this time the mistress failed to win.

Katulad ko ay walang humpay ang pagbuhos ng mga luha nito habang humahakbang siya patungo sa sasakyang kasunod si Rashid at Tristan na buhat si Gray.

"We'll follow you, ako na ang bahala kay Lina." Agad na sabi ni kuya nang dadaan na rin si Tristan.

Tristan nodded.

Nauna nang tumakbo ang sasakyan nila pabalik sa Sous L'eau. Sumakay na rin kami sa sasakyang dala ni Armando.

"W-Why? Why kuya?"

Nanatili lamang nakatitig sa akin si kuya at sa halip na sagutin niya ako ay pinahid niya ang aking luha.

"T-Tell me this is just a dream. Nanaginip lang ako hindi ba kuya? He's not yet dead, may sasabihin pa siya sa akin. Magiging buo pa silang apat, they will have their good reunion again. Gray will clean his name, hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong may dahilan siya."

"L-Lina, please. Stop this sister," paulit-ulit niyang pinupunasan ang mga luha ko.

"Tell me, please tell that this is just a dream kuya.." pagmamakaawa ko.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon