Chapter 43

157K 6.8K 1.2K
                                    


Chapter 43


The whole chapel went in silence. Niyakap ni Rashid si Savannah habang ganito rin ang ginawa sa akin ni Tristan.

My Dad's cries made me weak even more. Bakit wala siyang sinabi? Bakit hindi niya nilinis ang pangalan niya? Why didn't he tell us the truth?

Buong magdamag kaming nanatili sa loob ng chapel. Hindi na rin makausap si Daddy habang yakap ang litrato ni Gray, hindi rin umalis si Rashid sa tabi ni Savannah.

Samantalang ilang oras lamang ang inilagi ni Bryce at Alexis. Siguro kung sa ibang pagkakataon ay ipinahuli sila ni Daddy pero wala na itong ibang nagawa kundi matulala.

I want to comfort him, gusto ko siyang damayan pero pinigilan ako ni Tristan. Sinabi nitong mas gugustuhin ni Daddy na mag-isa.

"Hindi ka ba naghahanap ng kasugatan, Tristan? May rason si Gray kung bakit nagawa niya ang bagay na ikinagalit nating lahat."

"Matagal na akong naghahanap ng kasugatan, Lina."

Lumapit sa amin si Enna at Hazelle, sila ang gumagala para bigyan ng kape at mga pagkain ang lahat ng agents na nakikiramay.

"Nasaan si Dr. Vicente?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Binabatayan siya ni Armando." Sagot ni Enna.

"Enna, Hazelle. Hey, how are you girls?" mahinang tanong ni Rashid.

"Still an agent, still alive." Sagot ni Hazelle.

"I'm glad," tipid na sabi ni Rashid.

Halos isang linggo rin kaming halos tumira sa loob ng chapel para samahan si Daddy at Savannah, kahit si Tristan at Rashid ay hindi rin gustong iwan nang matagal si Gray.

At ngayon ay nagpapaalam na si Rashid. He got his priorities now, at hindi na ang ahensiyang ito.

Kasalukuyang magkausap si Tristan at Daddy, kaya naiwan kaming dalawa ni Rashid.

"Ang daming nangyari nang wala ako, this place is so nostalgic. Akala ko ay hindi na ako marunong humawak ng baril." He faked his laughter.

"You're still the number one sniper of Sous L'eau, Rashid. Walang papalit sa pwesto mo."

Hindi na ako nagtataka na hindi siya nagugulat na buhay ako, sinabi sa akin ni Tristan na umalis si Rashid sa Sous L'eau ng mga panahong alam ng lahat na wala na ako.

Siguro ay bago pa man siya sumunod at tumulong sa amin ay mabilis niyang inalam ang sitwasyon. Typical agent skills.

"Maybe? Pero hindi ko pinagsisihan na minsan akong naging parte ng ahensiyang ito."

"Thank you for that, Rashid. I know that you're happy now."

"Yes, beyond happy Miss Lina. Buong akala ko ay hindi na ako makakaahon sa galit mula sa mga taong pumatay sa magulang ko. But Aurelia came into my life, giving me a mission worth fighting for."

Ngumiti ako sa kanya. Mabuti pa si Rashid, masaya na siya sa mga oras na ito.

"But I need to tell you something, kailangan ko itong aminin Miss Lina dahil hindi gagaan ang pakiramdam ko hanggang hindi ko ito nasasabi sa'yo. I was like Savannah before, maging ako nagkaroon ng galit sa'yo. I know that it wasn't your fault that both Cap and Gray fell for you. Pero nagsimula ang lahat nang mahulog ang dalawa sa'yo, Savannah got tired of their fights that's why she left Sous L'eau, Gray betrayed us hanggang kami na lang ni Cap ang matira. I cursed the word love, Miss Lina. Dahil sinira niya ang pamilyang kumupkop sa akin. Their love for you shattered us four apart, I hated you. Sa tuwing magkakasama tayong tatlo ni Cap, I am silently cursing your name. I was blaming you for everything. Hindi sana kami dalawa lang, dapat apat pa rin kaming magkakasama. You ruined us." Natulala lamang ako habang nagsasalita si Rashid.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon