Chapter 40

150K 5.8K 854
                                    

Chapter 40


Nawala kami ni Savannah sa aming posisyon at kapwa kami nagulat sa aming nakikita. We're actually cool and damn ready for another action, nilabanan ko ang pagkirot ng aking ulo sa mga alaalang bumabalik sa akin para lamang maging handa sa panibagong laban.

But everything turned out like this, it was a jaw dropping surprise seeing these two men at the same place and in this kind of situation. Having my memories back, it's damn easy to blame all the happenings with these two.

Pero sa sitwasyon ngayon ang tangi ko na lamang nagawa ay titigan sila.

Dr. Vicente lied about the chemical that was thrown to Tristan's eyes. Why did he lie? Bakit pinaabot niya pa sa puntong kailanganin ko siyang pagbantaan para lamang si Tristan ang iligtas niya.

And after the postponed operation, why did I end up with Gray having my lost memories?

What the actual fuck really happened? Lahat ng katanungan ko ay masasagot lamang ng dalawang lalaking nasa harapan ko. My initial reaction should run after Gray or to Dr. Vicente with guns on my hands for jeopardizing everything.

Hindi kami magkakahiwalay ni Tristan nang matagal kung hindi dahil sa nangyari sa nakaraan na tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam.

"Dr. Vicente, what is happening?"

Namilog ang mata ni Gray at bahagyang nagulat ang doctor nang marinig nila ang tanong ko. They might be expecting that I won't be able to recognize the doctor.

"You have your memories back, Cleo?"

"Stop calling me Cleo, Gray. " Madiing sagot ko.

Nakababa na kami ni Savannah mula sa kotse, nagsimula na itong tumahimik at piniling hindi na magsalita. Nang hindi makuha ni Gray ang sagot mula sa akin ay bumaling naman ang atensyon nito sa babaeng katabi ko.

"What's with this Savannah? Why are you with her?"

"Making my own business, same same as always." She answered him without willingness.

"Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan kahit kailan." Matabang na sagot nito.

"The question is, have you ever tried trusting me Gray?"

Pansin ko na bahagyang natigilan si Gray sa naging tanong ni Savannah, hindi na ako nagulat nang hindi na piliin ni Gray na sumagot kay Savannah.

Bahagya na itong lumingon sa doctor na nakatutok pa rin ang baril sa likuran niya.

"What now Dr. Vicente? We're all gathered here, ano pa ang gusto mo? Bakit hindi mo na lang iputok ang baril na 'yan nang matapos na?"

"Hindi nyo ako katulad, kung abala kayong lahat sa pagpatay ng buhay, ako naman ay iginugugol ko ang sarili ko sa pagligtas ng mga buhay."

"So that gun is just a prop? Dapat pa ba akong matakot na nakatutok sa akin ang baril mo? You good for nothing weak doctor."

Kung malapit lamang ako ni Gray ay nagawa ko na itong sampalin.

"Basta gawin mo ang sinabi ko!" hindi na inintindi ni Dr. Vicente ang mga sinabi ni Gray at marahas niya itong itinulak gamit ang nguso ng baril.

Hindi ko na rin maintindihan ang takbo ng utak ni Dr. Vicente, kung ako ang nasa sitwasyon ni Gray malaki ang posibilidad na mawala na ang takot at ang aking kaba kahit sa kaalamang may baril na nakatutok sa akin.

Dr. Vicente's words and actions are damn contradicting. Dala na rin siguro ito ng kanyang matinding kaba. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang pangangatal ng kanyang mga kamay.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon