Chapter 25

159K 6.7K 1.9K
                                    

Chapter 25


Nangangatal ang mga kamay ko habang nakahawak sa aking mga bibig. Nag-uumapaw ang mga luha ko habang unti-unting lumilingon sa akin si Tristan.

He looked confused, shocked, frustrated with mixture of pain and hatred.

Hindi ko siya masisisi kung ganito ang nararamdaman niya sa akin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya Tristan. I was too weak, ginawa ko lahat para hindi maagaw ang anak natin. I tried to fight back, I tried..alam ng diyos 'yon, alam niya kung paano ko pinaglaban ang anak natin. But they are too many, I wasn't skilled enough. I'm sorry..I'm sorry..hindi ko sinasadya..hindi ko sinasadya.."

Hindi nakahakbang patungo sa akin si Tristan, sa halip ay napaupo ito sa lupa. And he weakly bowed his head against his knee.

"FUCK!" malakas na sigaw nito.

Napapikit na lamang ako nang ilang beses nitong ipinutok sa ere ang kanyang baril.

Nangangatal na ang buong katawan ko. This is what I feared the most, this isn't the right time. Hindi ko pa kayang salubungin ang galit niya sa akin.

Natatakot akong baka hindi na niya ako magawang patawarin.

"Tristan, I'm sorry..I'm sorry.."

Nang maubos ang bala ay marahas niyang ibinato sa malayo ang hawak niya baril.

"Fuck! Hindi lang pala ikaw ang inagaw sa akin..even my child.." muli itong yumuko at ilang beses niyang sinabunutan ang kanyang sarili.

"Tristan, I'm sorry. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa'yo.." sinubukan kong lumapit sa kanya pero tumigil rin ako nang lumingon siya sa akin.

"Hanggang kailan mo ito itatago sa akin? Gaano katagal Lina?" I can see pain in his eyes.

"I-I...Tristan.."

"So it's fake? You're faking it, your memories.." pagak siyang tumawa.

"Life, the woman I loved the most is damn fooling me for the long time." Ilang beses akong umiling sa kanya.

"No! Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naalala! I was not faking it Tristan!" kumunot ang noo nito sa akin.

At kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita Lina, l never lied to you. Mahal na mahal kita, pero ito ang ginagawa mo akin. How could you? How could you do this to me?"

"Tristan please, I am not lying. Wala akong naaalala, hanggang ngayon ay malabo pa rin ang memorya ko." I am telling him the truth!

"What the—Lina!" halos mapatalon na ako nang sigawan na niya ako. He never did that to me.

"Tristan.."

"Why can't you admit it? Bakit pilit mo pa rin pinaninindigan ang kasinungalingan mo?" hindi na natapos ang pagpatak ng mga luha ko.

I can't blame him for accusing me like this. Ako mismo ang dahilan kung bakit nahihirapan na siyang pagkatiwalaan ako.

"I am not lying.."

"Then how?!" nagulat na lang ako nang makalapit siya sa akin.

Mahigpit ang hawak niya sa aking mga braso at nag-iigting ang mga bagang nito sa galit.

"Papaano mo nasabing ako ang ama ng bata?! Anong basehan mo kung wala ka pa rin naalala?!"

Hindi ako makasagot sa kanya. At ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang higpit ng mga kamay niya sa akin braso at ang kanyang mga matang nag-aapoy na sa galit.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon