Chapter 17

175K 6.4K 1.3K
                                    

Chapter 17

"Dig my memories? Sinong niloloko niya?"

Marahas kong ibinaba ang baso ng alak sa stool bar. Kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan.

Hindi naman siguro masamang makisama sa kanila? At kung makita naman kami ni Gray, hindi naman siguro mapapahamak ang buhay nila.

They are gays. Gray will never look at them as threats, siguro dahil hindi ako ang tipo ng mga ito pero maaari rin pa rin pa lang uminit ang dugo niya sa dalawang ito.

They were part of my memories. Bahala na, Tristan is here to protect these two, lalo na at nalaman ko na siya ang dahilan kung bakit madikit sa akin ang dalawang ito ngayon.

"Hindi mo ba alam na masama sa'yo ang may inom?" inagaw ni Chariss ang alak na dapat isasalin ko sa aking baso.

"Don't stop me," hindi ko ito nagawang hulihin sa kanya.

"Isa pa, mahirap ka nang kontrolin kapag nalalasing Isabelle. You're getting wilder, nang huling nag-inom ka mag-isa buong akala namin ay nagahasa ka na." Napaubo ako sa sinabi ni Winoa.

"W-What?!"

Sabay nagkibit-balikat sa akin si Winoa.

"W-What happened? Papaanong nasabi nyo?" Oh god!

Ano ba talaga ang totoong pagkatao ko? Bakit kong makapagsalita ang mga baklang ito ay napakalandi kong babae?

"That's over Winoa, huwag mo siyang ginugulat sa kalandian niya. Bakit naman nagahasa? Baka kamo nagpagahasa ang babae. Akala mo siguro hindi namin mapapansin? Mga babae rin kami Isabelle, alam namin na posibleng may nangyari sa bus."

"What the hell?! What are you two talking about?!"

Sabay tumawa ang dalawang bakla sa akin.

"Basta hindi ka na virgin! Huwag ka nang assuming! Bumigay ka na sa kanya matagal na, bigay na bigay." Naghalakhakan ang mga kaibigan, kaibigan ko nga ba ang mga ito?

"Why? Am I insisting that I am still a virgin? Seriously people? Huh?" eksaktong padaan na ang isang bartender. Inagaw ko ang alak na hawak niya at ilang lagukan ko lang ito.

"How did we meet?" I glanced to their position.

Nasa isang sulok din ng bar ng hotel si Armando at Tristan. Armando is playing with two girls, while the other one is just looking at me.

He's a stalker.

"Mas nauna ka niyang makilala sa amin, basta sa kwento mo. He trapped you inside an old library and he forced to kiss you. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na."

Muntik ko nang maibato ang bote ng alak na hawak ko. Binaliktad ng gago!

"Isa pa, una ka naming nakilala sa mall. Ikaw ang pumipili ng size ng boxer briefs niya." Hindi ko na mabilang kung ilang mura na ang kumawala sa bibig ko sa mga oras na ito.

Nag-aalangang sumulyap si Chariss at Winoa sa posisyon nila Tristan, nang masilip nila ito ay mas lumapit ang dalawang bakla sa akin para hinaan ang kanilang boses na parang maririnig ni Tristan sa layo n gaming distansya.

"From the very beginning, he's madly in love with you Isabelle. Na-oobsess sa babae ang lahat ng lalaki sa pamilya nila. Kaya wala ka nang takas, lalo na kapag natikman ka na. Lalo nang naulol." Bulong ni Chariss.

Napangiwi ako sa bulgar na salitaan ng mga baklang ito.

"Sorry for the term used Isabelle, but that's the truth. There's a proof, 'yong isa daw sa pinsan niya anim na taon nang iniwan ng babae pero walang nagawa ang babae. Huli pa rin. Kasal na sila ngayon, taon-taon yatang nanganganak ang babae ang balita ko."

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon