Chapter 7

232K 14.1K 9.1K
                                    

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Patuloy akong humihikbi at hinayaang umagos ang aking luha. Ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. It was too painful and too hard to carry.

Pero nang sabihin ko ang mga salitang 'yon ay parang nawala ang tinik sa aking dibdib. Siguro ito na ang tamang panahon para itigil ang kahibangan ko. Siguro ito na ang tamang panahon para respetuhin ko ang sarili ko.

Tamang panahon para palayain ang sarili ko.

After so many years, I had finally set myself free from this love. Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Pinana siguro ako ni Kupido kaya tinamaan ako sa kaniya, pero hindi naman siya pinana para tamaan sa 'kin. Hindi ba't kapag nagmamahal ka dapat kang maging masaya? Pero sa akin iba, eh.

Durog na durog ang puso ko.

Narinig ko ang boses ni Hera. "Hellary?"

Mabilis niya akong dinaluhan. Kinuha niya ang palad ko't tinitigan ang aking mukha. Parang dinudurog ang puso ko na makitang naluluha rin si Hera. Awang-awa siya sa sitwasyon ko at halata iyon sa kaniyang mukha.

Agad rumehistro ang galit sa mata ng kaibigan ko nang balingan niya nang tingin si Neo.

"You're a jerk, asshole! Gumagawa ng paraan ang kaibigan ko para mapansin mo! She's fucking desperate because she fucking love you!" sigaw ni Hera. "Tangina mo ka. Nakuntento na lang sa pasulyap-sulyap itong kaibigan ko simula pa lang noon sa dati niyong school. At oo gago ka, sinundan ka ng kaibigan ko sa Elron High dahil nga mahal ka niya!"

Tumayo si Hera at dinuro ang gulat na si Neo. "Akala mo kung sino kang gwapo." Tiningnan ni Hera si Neo simula paa hanggang mukha. "Gwapo nga, jutay naman!"

Hinila ako ni Hera palabas doon. Nagsihawi ang mga tao nang dumaan kami. And Hera was hugging me the whole time. Tinawag niya ang kanilang driver at pinasakay ako sa kotse nila.

Hindi ko mapigilan ang paglabas ng hikbi sa aking bibig. Nagulat ako nang sumakay din si Hera sa loob ng kotse.

"Hera, I'm sorry I ruined your birthday party..."

Niyakap ako ni Hera. "You didn't, bi. Okay? You didn't."

Nang dumating kami sa bahay ay agad akong nagpaalam. Gusto pa sana akong samahan ni Hera, but I wanted to be alone. I just didn't know but I really feel exhausted. Tama lang ginawa ko. Dahil simula ngayon, kakalimutan ko na ang pagmamahal ko kay Neo. Kakalimutan ko na siya. Kakalimutan ko na ang lahat.

Nag-vibrate ang aking pouch. Pinunasan ko ang aking luha at dinukot ang telepono roon.

Nazareth:

Sorry.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at di-nial ang numero niya. Matapos ng ilang segundo ay sumagot ito.

"H-hello?"

"Lady..." he whispered huskily. Napahawak ako sa aking dibdib.

"C-can we meet?"

I heard a long deafening silence.

"Hello?"

"I didn't know your voice is this beautiful at night." Humalakhak siya sa kabilang linya.

Nag-init ang aking pisngi.

"Let's meet."

"I'm here outside, miss."

Nanlaki ang mata ko. Agad kong pinatay ang ilaw sa kwarto at pasimpleng sinilip ang bintana nang hindi nahahalata. Halos tumalbog ang puso ko nang makita si Nazareth na nakasandal sa isang kotse habang nakapamulsa. Suot-suot niya ang kaniyang grey hoodie.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon